chapter 28

6.4K 124 8
                                    

Ako na siguro ang pinaka-bobo at marupok sa buong mundo. Kasi kahit nasasaktan na ako, I still love him. And I want him to explain baka sakaling mauunawaan ko ang rason niya. Baka sakaling mapapatawad ko siya kung malalaman ko kung ano dahilan kung bakit niya ako sinaktan at ginamit.

Ilang beses ko siyang tinawagan simula nong nakita ko siya sa restaurant at hanggang ngayon, cannot be reach pa rin. Days and weeks, but there's no sign of him. Nanatili pa rin ako sa condo niya, nag-aalala kung bakit wala pa siya. Hindi rin naman ako makalabas dahil hinahanap ako ni Tito Richard. He already know and he keeps calling and sending me a message, but I refuse to call him because I'm scared that he disgust me as well for having a relationship with his son. Tinuring niya akong anak tapos kahihiyan lang binigay ko sa kaniya.

Ring... Ring... Ring

Pinunasan ko ang pisngi dahil sa ilang araw na iyak at tulog lang ang ginawa ko. Halos hindi na nga ako kumakain kung wala si manang dito na siyang nag-aalaga sa akin. Tinawagan ko kasi siya dahil wala na akong ibang malalapitan. Iniwan ako ni mommy, wala si Zachary, at paniguradong galit si Tito. Buti pa si manang Merly naiintindihan niya ako.

" Hello?

" Aira? Si Tina 'to? Na'san ka? Wala ka raw sa inyo? Hinahanap ka ng Tito mo dito sa bahay "

Sunod-sunod na tanong nito. Nahihiya rin akong aminin sa best friend ko ang relasyon namin ni Zach. Baka huhusgahan niya rin ako kaya hindi ko magawang lumapit at humingi ng tulong sa kaniya.

" Okay lang ako Tina, ahmm... Makiki-usap sana ako... Wag mo sanang sabihin kay tito kung nasa'n ako, nahihiya akong harapin siya e "

" Shhh... It's alright beshie, alam ko naman na papable talaga si papa Zach kaya di mo mapigilan e " napangiti ako sa sinabi niya.

" Hindi ka nandidiri sa akin?

" Bakit naman ako mandidiri sa inyo? Duhhh!!! Your not really related to each other but sadly they don't even know that "

Nakahinga ako ng maayos sa sinabi niya. Masaya ako at tanggap niya ang sitwasyon namin. Sana lahat ng tao ganon din, but you can't really please anyone to make them like and understand you.

" I'm sorry for not telling the truth.... I hope you understand why "

" Of course I understand, I always will, but please beshie, pwede ba tayong magkita? Kahit sandali lang?

Napaisip ako sa sinabi niya. Kung lalabas ako, baka makita ako ng mga tauhan ni Tito, pero kung di naman ako lalabas, mababagot lang ako sa kahihintay dito ni Zach. Gusto kong malaman kung nasa'n siya ngayon. At si Tina lang ang makakatulong sa akin.

" Ok, let's meet up. E message mo sa akin kung saan tayo magkikita, but please wag sa mataong lugar baka mahanap ako ni Tito at sa mga tauhan niya " pakiki-usap ko rito.

" Alright, take care beshie, see you "

" Bye "

Pagkatapos kung binaba ang cellphone ay nagmamadali na akong naligo at nagbihis. Kailangan ko ngayon si Zach at sana makikita ko na siya.

______________________________________

" How are you " tiningnan niya ang buong katawan ko. May awa sa tingin niya sa akin.

" I'm fine " sa maikling ngiti kong tugon sa kaniya.

" Pumayat ka masyado, kumakain ka ba?

Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Hindi ko siya sinagot kaya napabuntong hininga na lang ito.

" Na'san ba kasi si Zach? Bakit ka niya hinayaang umalis na mag-isa? Paano kung makasalamuha mo naman ang bruhang ex niya?

Naikwento ko kasi sa kaniya ang lahat ng sinabi ng ex ni Zach sa akin.

" Yon nga pinunta ko dito e, please naman Tina, tulungan mo naman akong hanapin si Zach, nag-aalala na kasi ako e. Ilang linggo na siyang di umuwi sa condo namin "

" Eh? Teka... Hindi pa siya naka-uwi simula nong inaway ka ng ex niya? Tumango lang ako. " Shit!!! Ehh... Saan naman natin yon hahanapin? E ang laki ng Manila, did you try to contact him?

" Yeah but cannot be reach or out of coverage ang linya niya e, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko "

" Don't worry, we will find him " napangiti ako sa sinabi niya. At least it makes me calm even though we're not really sure kung makikita ba namin si Zach.

" Wait...why not sa bahay niyo? Baka umuwi na siya? "

Napaisip ako sa sinabi niya. Impossible naman na iiwan niya ako sa condo pero wala naman siyang ibang pupuntahan kung sakali. Or maybe not.

" Nahihiya ako kay Tito Richard, Tina. Anak na nga ang turing niya sa akin tapos ganito ang nangyayari " napayuko ako sa naisip. Hindi sana komplikado ang lahat kung hindi ko siya minahal.

" Shhh, it's alright. No one's fault. Ang importante mahanap natin si Zach ok ?

Tumango ako sa sinabi niya. I hope so. Kung nasa'n man ngayon si Zach, I hope he's okay.


My stepbrother obsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon