Chapter 40

188K 10.3K 4.2K
                                    

DO I MIND?


Kung okay lang ba sa akin na si Arkanghel ang magda-drive? Kahit ano namang isagot ko ay hindi na magbabago na nasa tabi ko na siya ngayon at siya na ang magmamaneho ng sasakyan. Tinanong niya pa ako samantalang wala naman nang magagawa ang sagot ko kung sakali. 


Hindi ko makuha ang tamang pag-upo. Hindi ko alam kung saan ifo-focus ang mga mata ko o kung pipikit na lang ba ako. Ang awkward ng katahimikan. Pero mas gusto ko na ang ganito katahimik kaysa may background music tapos love song pa ang tugtog. Mabuti na lang talaga at wala.


Nahuli niya ang pagtingin-tingin ko sa radio. "Gusto mong buksan?"


Napatuwid ako sa pagkakaupo. "Syempre hindi."


Pagliko niya ng kotse ay sumabay siya ng lingon sa akin.


"I mean, hindi na. Mas okay iyong tahimik," maagap kong bawi. "Saka para di ka madistract sa pagda-drive."


"Okay," he said, sounding amused.


Napatikhim ako. "Pwede mo akong ibaba lang sa 7-Eleven sa labas ng subdivision. Makakapag-taxi or Grab na ako roon."


"Nonsense."


Hanggang lumabas ng subdivision nila ay sa manibela at sa daan na nakatutok ang atensyon niya.


Sa gitna ng katahimikan ay nagbeep ang phone ko. Pasimple ko munang sinulyapan si Arkanghel bago ko inilabas mula sa aking bag ang phone. Ewan ko kung bakit inaalala ko ang reaction niya e mukha namang wala siyang pake.


Nang i-check ko ang phone ay si Art lang pala ang nag-text. Akala ko ay si Hugo ulit. Siguro driving pa rin si Hugo papuntang Pasig.


Handsome Artemi:

Ate, balik mo si Kuya di pa raw nag-aalmusal yan!


Kulang na lang ay magbuhol ang mga kilay ko pagkabasa sa text. Hindi ko na namalayang nakasimangot ako habang nagti-tipa ng reply kay Art.


Me:

Wag mo akong ma-ate-ate diyan! May kasalanan ka sa aking kutong-lupa ka! Hindi ko nakakalimutan!


Ang bilis ng reply ni Art. Expected niya na yata na tatalakan ko siya agad kaya ready na ang kung ano mang explanation niya.


Handsome Artemi:

Sorry na. Sincere naman ako sa pagyayaya kagabi e. Nagka-emergency lang talaga kaya ako biglang umalis.


Me:

Hindi na ako naniniwala budol-budol ka!


Handsome Artemi:

Emergency nga! Tingin mo aalis ba ako kagabi sa kasagsagan ng bagyo kung hindi emergency?

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon