Ang taon ay 2045. Hindi na nakilala ng Kamaynilaan at karatig na probinsya ang katahimikan. Nang mangyari kasi ang tinaguriang The Big One, sinamantala ng mga sindikato ang pagkakataon para kunin ang kapangyarihang nilisan ng pamahalaan at mamayani sa loob nang walang awa. Sa kabila ng ingay na kumitil ng maraming buhay, tahimik na pumasok ang Insaemun Pharmaceutics sa eksena. Sila ang tinuturong pasimuno ng Project Nirvana. Kung anuman ang nilalaman nito -- iyan ang aalamin ng pangkat na pamumunuan ni Serbia kapag tumapak na ang mga paa nila sa tinuturing na 'Ground Zero'. Kapalit niyan ay ang malaking perang kinakailangan niya para mapagaling ang kanyang minamahal na nag-aagaw-buhay. Kailangan niya lang mag-ingat, sapagkat sa isang mali lang, buhay niya ang maaaaring maging kapalit. * * * * * Development Status: Full Release Rating: 18+
27 parts