Kung pangarap at realidad lang naman ang pagbabasehan ng lahat, handa si Audrey Suarez na manindigan sa kanyang tungkulin. Bata pa lamang siya'y alam na niyang gusto niyang maging tulad ng Lolo Lucas niya na maging isang respetado at magaling na doktor. Ngunit matapos ng isang insidente, nahanap ni Audrey ang kanyang sarili na nakaipit sa gitna ng pagpili kung itutuloy pa ba niya ang inaasahang pagdodoktor o kalimutan na lamang ang pangarap na ito. Habang naghahanap ng kasagutan sa kanyang buhay, hindi inaasahan ni Audrey na mahulog sa isang balon at mapunta sa taon ng 1897, kung saan kabi-kabila ang mga rebolusyon sa Pilipinas. Dito'y mapupukaw niya ang atensyon ng misteryosong si Doktor Francisco Hidalgo na pinaghihinalaan niyang may kinalaman sa pagtatangka sa buhay ni Adelina Castaneda, ang katauhang ginagampanan niya sa mundong iyon. Sa mundong pangarap, prinsipyo at realidad ang umiiral, mahahanap kaya ni Audrey ang kasagutang minimithi? Higit sa lahat, pipiliin pa ba niyang makabalik sa susunod na habang buhay?