Simula

19 1 0
                                    

Ang Nagliliyab na Kandila

NOON ay may isang kandilang nakatungtong sa lamesa. Sa kabila ng lahat, pinahahalagahan nito ang pagiging hindi makasarili. Ibinabahagi ang sarili sa bawat taong makasalamuha niya.

Minsan ay may matandang lalaki na nilalamig, binigyan niya ito ng karampatang init. May batang lalaking takot sa dilim, at hinandugan niya ito ng ilaw. Nilapitan din ng isang ina ang kandila at humingi ito ng apoy upang masindihan ang kalan ng may mapakain siya sa kaniyang mga anak. Sumunod naman ang isang dalagang nakulong sa kaniyang mga iniisip at nangangailangan ng makakasama. Dinamayan ito ng kandila sa kaniyang pag-aagam-agam.

Sa bawat pagkakataong hinihilingan nila ang kandila, agad itong tumutugon ng, "Ito na ang iyong kahilingan." Hindi niya alintana ang unti-unting pagkatunaw ng kaniyang katawan...

Hanggang sa isang araw, sobrang liit na ng kandila at hindi na niya mabigyan ng init ang matandang lalaki. Natutupok na rin ang kaniyang apoy at hindi na niya magawang takutin paalis ang mga bangungot ng binata sa dilim. Wala na siyang silbi na ultimo pagsisimula ng apoy sa kalan ng ginang ay hindi na niya maggawa.

Subalit ang dalaga, na hanggang ngayon ay nawawala pa rin sa kaniyang pag-iisp, ay nagtanong sa kandila. "Wala ng oras na natitira para sa iyo. Wala ka na ring pagkit. At sa munting apoy na meron ka, hindi ka na makakapagpaliwanag ng isang silid. Anong pang silbi ang meron ka?"

Napatitig sa kaniya ang kandila at ngumiti ito, "Siguro ay masyado kong inialay ang aking buhay sa iyo at sa kanilang lahat na nakalimutan ko nang mabuhay para sa aking sarili."

Tahimik na tumitig ang dalaga sa kaniya. "Isa kang hangal! Paano mo naman naggawang kalimutan ang iyong sarili?"

Ginawaran niya ito ng isang munting ngiti. Hanggang sa huli nitong ilaw, sinamahan ng kandila ang dalaga. Pinagsisisihan nito na maaaring hindi niya na muli pang masisilayan ang mundo, ngunit siya'y umaasang kahit papaano ay makakamtan na nito ang kapayapaan.

Habang kumukupas na ang kaniyang liwanag, sa huling pagkakataon ay sinabi niya sa dalagang "Ito na ang iyong kahilingan. Iyong damhin ang kapayapaan. Ah, at huwag na huwag mong kalimutan ang iyong sarili tulad ng pagkalimot ko sa akin."

Pagkatapos, siya'y tuluyan nang nawala. 

Susunod na Habang BuhayWhere stories live. Discover now