Kabanata 2

14 0 0
                                    

KABANATA 2

Nawawalang Pagkatao

IMINULAT ni Audrey ang kanyang mga mata at namukhaan ang pamilyar na kisame sa kwarto niya. Subalit hindi niya maiwasang magtaka kung bakit tila ba may kakaibang kulay at ayos ang kisameng ito mula sa nakasanayan niya dito sa bahay ng lolo at lola niya. At ang bumbilya na alam niyang nakalawlaw mula dito ay pawang nawawala. Sumunod niyang napansin ang kakaibang lambot ng kamang hinihigaan. May pagka malambot ito at tinatakpan ng sedang kobre kama. Hindi niya maalala na pinalitan niya ng seda ang Hello Kitty bedsheet na laging ipinapalagay ng lola niya sa tuwing nandito siya sa Pampanga.

Kung iisiping mabuti ni Audrey, parang may kakaiba sa pakiramdam niya ngayon. Tiniyak na lamang niya sa kanyang sarili na baka bunga lang ito ng imahinasyon niya sapagkat pagod na pagod siya nitong nakaraang mga araw dahil sa mga suliraning kinaharap.

Marahang tumayo si Audrey mula sa pagkakahiga at naramdaman ang matinding pagsakit ng katawan. Dumipa siya upang kahit papaano'y maibsan ang bigat ng katawan na baka epekto ng naging pwesto sa higaan.

"Teka.... Bakit mahaba ang buhok ko?" Tanong ng dalaga sa kanyang sarili matapos mapansin ang kahabaan ng buhok nito.

Sa pagkakaalam ni Audrey, hanggang lagpas balikat lamang ang itim nitong buhok. Hindi niya maiwasang mapansin ang abot lagpas dibdib na nakalugay niyang buhok at ang pagka dark brown nitong kulay. Napasulyap si Audrey sa repleksyon niya mula sa tokador sa bandang kanan niya...

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Sigaw ng dalaga na umalingawngaw sa buong mansyon ng mga Castaneda.

Agad namang narinig ito ni Ligaya, isang katulong na naninilbihan bilang personal na utusan ng bunsong anak ni Don Ricardo Castaneda at Donya Helena Castaneda. Nabitawan niya ang dala-dalang palangganang may maligamgam na tubig at tumakbo pabalik sa silid ni Binibining Adelina. Bakas sa kanyang mukha ang pinaghalong kaba at kasiyahan dahil sa wakas, matapos ang isang araw, ay nagising din ang amo.

"Binibining Adelina, gising na 'ho kayo! Salamat naman sa Diyos at kayo'y may malay na!" Sigaw nito sa tuwa, habang patakbong nilapitan ang gulantang na among patuloy ang pagsigaw sa tapat ng salamin.

"Shet! Pakshit!" Mura ni Audrey. Bilog na bilog ang kanyang mga-- Hindi pala. Bilog na bilog ang mga mata ng dalagang nakikita niya sa tapat ng salamin, habang ginagaya nito ang bawat galaw ni Audrey.

Tulad ng napansin na niya kanina, may mahabang dark brown na buhok ang babaeng ito, naka puting bestida na pantulog na hanggang sakong, may mapula-pulang labi at katamtaman na kulay ng balat. Maganda ang mga mata nitong hugis almendro at brown din ang kulay. Malayong-malayo sa halos itim na kulay ng kanyang mga mata at pagka-tsinita.

"Sino ka?!" Tanong niya sa repleksyon, parang baliw na palipat-lipat ang tingin sa salamin at sa balingkinitang dalagita sa kanyang harapan.

"Huminahon po kayo, binibini!" Pakiusap ng dalagita.

Kapansin-pansin din ang lumang puti at asul na baro't sayang suot nito, siyang lalong ipinagtaka ni Audrey.

"Anong klaseng cosplay ba'to? Sinong nag-trip sa akin? Si Carlo ba? Doc Diaz? O kaya naman--" Napatigil si Audrey sa nadiskubre. "O kaya naman sa galit ni Mr. Andrada pina-plastic surgery niya ako habang natutulog!" Muli itong napahiyaw sa kabang nararamdama at siya namang sinabayan ni Ligaya.

Mula sa kabilang banda ng pasilyo, napadaing ang nakahiga pang binata sa ingay na naririnig niya mula sa labas. Halos wala siyang tulog dahil sa pag-aalaga kay Adelina Castaneda, ang babaeng naka pangakong ikasal sa kanya. Napakamot siya sa kanyang ulo sa inis, at tumayo upang silipin ang kaguluhan sa labas. Naglakad siya papunta sa kabilang dulo ng ikatlong palapag ng mansyon, patungo sa kwarto ng dalaga. Doon ay naabutan niyang nagsisigawan ang kasambahay at ang gising na si Adelina.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Sep 12, 2021 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Susunod na Habang BuhayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora