Kabanata 1

15 0 0
                                    

KABANATA 1

Pagitan ng Buhay at Kamatayan

AUDREY

"Time of death, 1:01 PM."

Isang minuto. Kung sana'y mas napaaga ang dating ko ng isang minuto, buhay pa sana siya. Hindi. Kung binigyan ko lamang siya at ng iba pang nars at doktor dito ng kahit isang minuto lamang, hindi sana humantong sa ganito.

"Audrey? Anong ginagawa mo?" Bulong sa akin ni Carlo, isa sa mga kasamahan kong nurse. "Bumitaw ka na."

Napatingin ako sa aking mga kamay na nanatiling nakapatong sa dibdib ng aking pasyente. Tila ba ayaw nilang maniwala na kanina lamang, hawak nito ang kamay ng batang lalaki at sinabihan ko pa ng "Huwag kang mag-alala, babalikan kita."

Pero hindi ko 'yun ginawa. Bumitaw ako. Umalis dahil may mas mahalagang dapat gawin. May buhay na mas kailangang sagipin dahil ang buhay ng batang ito'y hindi kasing kahalaga ng iba pang buhay sa loob ng ospital.

Si Jun ay isa sa mga parking boys ng ospital namin. Tulad ng dalawa pang bata sa labas, nagmamando siya sa pag-atras o pagsulong ng mga sasakyang nais pumarada sa parkingan ng San Rafael Medical Center. Dumating ang bata sa ER kani-kanina lamang at sabi niya'y masakit daw ang tiyan. Dinaluhan ko ito tulad ng paglapit ko sa kahit sino mang pasyente na papasok sa pinto ng ospital. Kaya lamang, biglang may tumawag sa telepono at may paparating daw na VIP trauma patient sa emergency room.

"Ate Audrey, wag mo akong iwan." Sabi ni Jun habang nakahawak ng mahigpit sa aking mga kamay.

"Audrey! Dalian mo! Importanteng pasyente ito!" Tawag sa akin ng chief resident.

"Pero doc, si-"

"Ano ka ba? Remember your triage! Masakit lang ang tiyan ng batang yan dahil sa pinag-kakain nila sa labas!" Sigaw ni Dr. Diaz sa akin. "We need you here!"

Yun ang akala namin. Dahil pare-pareho naming hindi alam ang totoong nangyari sa labas. Mas pinili naming tulungan ang pasyenteng lasing na lasing lang at sumemplang sa highway kaysa sa pasyenteng pumasok ng ER dahil sa pananakit ng tiyan.

"Teka lang Jun, ah. Babalikan kita." Sabi ko kay Jun.

"Pero ate, masakit talaga tiyan ko! Wag mo kong iwan." Pagmamakaawa nito. Tinignan ko ang mangiyak-ngiyak na mata ni Jun at ang desperasyong nakapinta sa kanyang mukha.

"Audrey!" Sigaw ulit ni Dr. Diaz nang makarating na ang pasyente sa labas ng ER.

"Huwag kang mag-alala, babalikan kita." Nginitian ko si Jun at dali-daling pumunta sa labas upang salubungin ang isa pang pasyente.

Understaffed ang ospital ngayon dahil sa pagwewelga ng mga nurse at iba pang trabahador laban sa ospital. Tatlong araw ng hindi nagtatrabaho ang karamihan sa aming mga kasamahan, pinaglalaban ang pagpapataas ng sweldo nila at ang di-makatarungang benepisyo para sa mga nurse na halos dito na sa ospital tumira. Gustuhin ko mang sumama sa kanila, wala akong karapatan at choice bilang anak ng may-ari.

"How's the patient?" Tanong ni Dr. Diaz sa mga paramediko.

"128/80 mmHg, 90 bpm, 13 cpm po, O2 sat at 95%, doc." Tugon nito.

Nang lumapit ako sa kanyang mukha upang ilawan ng penlight ang mga mata nito, bigla siyang dumilat at tumawa.

"Hi miss. Ganda mo naman, anong pangalan mo?" Sabi niya.

Naamoy ko kaagad ang matapang na alkohol mula sa kanyang hininga. Suminghap ako upang pigilan ang unti-unting pagkainis na nararamdaman. Nabalisa kaming lahat dito sa ER dahil trauma patient daw ang parating. Eh, mukhang lasing lang ang isang 'to na natulog sa daan eh!

Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon