"Hanggang matapos ang walang hanggan,hindi kita iiwan." Pangakong binitawan na mahirap panindigan. Sa laro ng tadhanang nakikipagpatintero kay Kamatayan,oras ang tanging mahirap kalaban. Ticktock ang tunog ng orasan,ang bawat segundo ay iyong kakapitan,dahil ito ay animo'y tibok ng pusong pag huminto ay hindi mo na mababalikan,ang masasayang alaala ay maging bangungot na nakaraan. Sasayaw ka,sasabayan mo ang bawat ritmong handog ni Kamatayan para siya ay maisahan at mabuhay kang hawak at tinutupad ang pangakong HANGGANG MATAPOS ANG WALANG HANGGAN,HINDI KITA IIWAN.