Sa mundo ng mga mandirigma, iba't ibang laban ang hinaharap nila. Samu't saring armas ang sinasanay na hawakan upang maging handa sa kahit anong digmaan. Ngunit paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng istoryang sasalungat sa nais mong ipaglaban, kakayanin mo ba? Tila misteryoso para kay Eros na mapadpad sa mundo ng mga mortal. Ito ay matapos salakayin ng mapangwasak na kaharian ang bayan nila. Dulot nito, unang nakasalamuha niya sa lugar ng mga tao si Asher. Isang lalaking hawig na hawig ng prinsipe ng kinasusuklaman niyang kaharian. Magagawa kaya niyang makisama sa lalaking tila wangis ng pinag-uugatan ng naglalagablab niyang galit? Anong misyon ni Eros sa mundo ng mga tao?
7 parts