Kabanata 1: Sa Mundo ng Mortal

44 4 0
                                    

Eros's POV

Nagising nalang ako sa masakit na pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Rinig ko ang nakaka-kalmang huni ng mga ibon sa paligid at ang yangitngit ng mga tuyong dahon na nanggagaling sa kinalalapagan ko.

Sa sitwasyon ko ngayon- alam kong nasa isang kakahuyan ako.
Dahan-dahan kong inilibot ang mga mata ko sa paligid at sinimulang magmasid.

Hindi parin ako makakilos ng maayos dahil sa nangyari.

Bagamat hindi ko maunawan kung bakit ako nasa isang payapang kakahuyan ngayon. Ang alam ko lang- nandito ako ngayon, humihinga at nakakakita pa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki sa bandang uluhan ko. Natutulog ito habang naka sandal ang kalahating katawan sa isang malaking punong kahoy.

Pamilyar ito sa 'kin. Mula sa maputi nitong balat hanggang sa mapula nitong mga labi. Pati ang pagkaka hulma ng katawan nito. Ang malawak niyang balikat na talaga namang makikilala mo na anak siya ng isang hari.
Siya prinsipe ng Brotonyo. Ito ang kaharian ng itim na mahika na nangunguna ngayon sa pagwasak sa lahat ng kaharian ng mga imortal.

Sa mundo kasi namin, may humigit Dalawampung bayan. Pero dahil sa mga nag daang digmaan, maraming bayan ang bumagsak at napasakamay ng mas malalakas na kaharian. Kapangharihan ang labanan. Mas maraming nalalaman, mas madaling makasakop at maka impluwensya.

Kabilang ang bayan namin sa nakikipag digmaan ngayon laban sa kaharian nila. Buwan na ang nakakaraan matapos na salakayin ng kaharian ng Brotonyo ang bayan ng Bakawi, pagkaraan ng ilang araw ay nagtagumpay sila at sinimulang wasakin ang Patrilyo, ito ang bayan kalapit sa'min at ngayon, sinisimulan na nilang sakupin ang Milfrenian, ito ang bayan namin.

Isa ako sa mandirigmang nagnanais wakasan ang pananakop na ginagawa ng Brotonyo. At ngayon- nandito ako. Kaharap ang prinsipe ng mapanirang kaharian. Sa buhay, wala tayong dapat palagpasin na pagkakataon. Hanggat may nakikita kang bato na maaring hawakan ay kapitan mo upang hindi ka masawi sa gitna ng laban. kaya't hindi ko na sasayangin pa ang oras na 'to.

Buong lakas kong inilabas ang espada mula sa aking sisidlan. Hindi ko alintana ang mga sugat at pasa sa aking katawan.

Agad akong bumwelo at pwersadong sumugod sa natutulog na prinsipe nang bigla itong nagising at umiwas mula sa aking pag-atake.

Sa lakas ng pwersang inilabas ko ay nahati ang punong kahoy.

Hindi ako titigil, muli kong sinugod ang lalaki na s'ya naman nitong pag-iwas.

Bawat hataw ko ng espada, bitbit ko ang galit sa buong kaharian nila. Hindi ko pinapansin kung ano o sino ba ang mga natatamaan ko sa paligid. Ang nais ko lang ay kitilin ang buhay ng prinsipeng kaharap ko ngayon.

Nakangiti ako habang winawagayway at hinahampas sa hangin ang espada ko. Ramdam ko na ang nalalapit na oportunidad para sa aming mga Milfrenian.

Isang segundo.
Ilang pulgada nalang ang distansya ng espada ko mula sa sa mukha ng prinsipe nang bigla akong makaramdam ng paninikip ng dibdib.

Hindi ako makagalaw. Wari pinigil nito ang pagkilos ng buong katawan ko at tanging utak ko lang ang gumagana ngayon.

Napaliyad ako sa sakit habang hawak-hawak ang dibdib ko.

Tinitigan ko ang prinsipe. Bakas sa mukha nito ang takot at pagkalito mula sa nangyayare.

Ano 'to? Anong ginagawa ko?
Lumingon ako sa paligid at nakita ang pinsalang natamo ng payapang kagubatan dahil sa galit na inilabas ko.

Wala ako sa mundo ko? Anong nangyayari?

Hindi ko na kinaya ang nararamdaman kong sakit at tuluyan nang nagblanko ang aking paningin. Bakas man ang namumuong galit sa namimilog kong kamao, marahil ay hindi pa ngayon. Gusto kong lumaban. Pero hindi sang-ayon ang aking katawan.

The Story Against Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon