Kabanata 4: Estranghero

10 3 0
                                    

Asher's POV

Nakita ko kung paanong unti-unting inilayo sila sa akin. Patuloy lang ang pag tulo ng luha ko habang dinadama ang pighati na dulot ng mga taong minamahal ko.

"'Wag n'yo 'kong iwan!" Pag sigaw ko habang nanginginig ang mga tuhod ko't tila nagwawala ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito nang magising ako mula sa mapait na panaginip.

Hindi ko mapigilan ang patuloy na pag-agos ng mainit na mga luha sa aking pisngi. Tila ba biglang bumalik ang mga sugat na pinilit kong gumaling ilang taon na ang nakalipas.

Tumayo ako sa pagkakahiga. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kaliwa kong kamay at humarap sa salamin sa loob ng aking silid. Bagamat namumugto ang mga mata ay nakikita ko ang aking sarili sa salamin suot ang kulay itim at tila maharlikang saplot. May espada ang repleksyon ko sa bandang kanan ng aking baiwang. Tinitigan ko ang mukha ko. Batid ko ang nararamdaman ko ngayon ngunit nakapagtatatakang nakangiti ako sa salaming ito.

Hindi ko alam ang nangyayari.

Lumapit sa akin ang tao sa salamin at hinugot ang espada sa kan'yang sisidlan. Hindi na ako nakagalaw pa. Inamba nito sa akin ang kan'yang armas at tuluyang itinarak nito ang espada sa aking puso. Hindi ko dama ang kirot. Nakikita ko lamang ang patuloy na pag daloy ng dugo sa aking damit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong humingi ng tulong. Ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig.

Bigla na lang akong namulat nang may malakas na gumalabog sa pintuan ng kwarto ko. Sa lakas nito ay tila may kung sinong maniningil ng utang nanaman ang nawalan ng pasensya kaya't sumugod na sa bahay ng pinautang niya.

Mapungas pungas akong tumayo mula sa pagkakahiga at binuksan ang pintuan.

Tulad ng nakasanayan ay tumambad sa akin ang pagmumukha ni Eros. Walang emosyon ako nitong tinititigan at tsaka tumalikod upang pumunta sa lamesa.

"Nag luto ako ng agahan." Malamig nitong paanyaya at tsaka tumingin muli sa akin.

Ilang linggo na dito si Eros sa bahay kaya nasanay na rin ako sa malamig niyang pakikitungo. Kung minsan hindi na talaga ako natutuwa. Pag ako naubusan ng pasensya sa lalaki na 'to ililigaw ko talaga 'to sa gitna ng kagubatan para dindi na s'ya makabalik pa rito. Tsk.

***

Tanaw mula sa liwanag ng buwan ang mga nagkikinangan at sunod-sunod na alon ng dagat patungo sa dalampasingan. Tahimik akong nakamasid dito habang patuloy na iniisip ang panaginip ko kanina.

Marahil ay batid ko ang nangyari. Ngunit sino ang lalaking nasa salamin?

Hinugot ang diwa ko mula sa malalim nitong pag-iisip nang mag salita si Eros sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala s'ya't kasama ko sa pampang.

"Gaano kahiwaga ang mundo ng mga tao?" Tanong nito habang nakatingin sa malayo.

Para siyang g*go. Ang tino ng pag-iisip ko tapos tatanungin n'ya 'ko ng ganito?

Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus ay tinignan ko s'ya nang masama at muling ibinaling ang aking atensyon sa alon ng dagat.

" Kung bibigyan ka ng pagkakataong masagot ang mga bagay na hindi mo maipaliwanag, ano 'yon?" Dugtong na tanong nito.

Napakunot na lamang ako ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kan'ya at saka humarap dito dala ang seryosong mukha.

"Matagal-tagal na rin ako sa mundo ng mga tao, at sa loob ng ilang linggo kong pananatili rito'y nasaksihan ko kung gaano kayo kaaligagang atupagin ang reyalidad na bumubuhay sainyo." Mahaba niyang lintaya habang seryosong pinagmamasdan ang buwan.

Hindi ko alam kung anong tinutukoy ng lalaki na 'to.

"Sa sobrang pagka tutok ng mga tao sa kani-kanilang trabaho, hindi nila naaalintana ang hiwagang bumabalot sa mundo nila." Saad pa niya kasabay ng pag baling ng kan'yang mga mata sa akin.

Nag tama ang aming paningin.

Sa pagkakataong ito ay tila walang kung sino man sa amin ang may gustong kalasin ang pagkakatitig sa isa't isa. Wari'y nag uusap ang aming mga mata malayo sa kung ano ang pinag uusapan ng aming bibig at tainga ngayon.

" Sa dami ng mga mortal sa mundo, bakit ikaw pa ang nakilala ko?" Seryoso nitong tanong.

Bumalik ang diwa ko sa reyalidad nang marinig ang tanong niya.

"Uh, hindi ko alam! Bakit? Sa tingin mo ba gusto kitang makilala?" Depensa kong usad. Bakit parang pakiramdam ko nangiinsulto 'tong tao na 'to? Wala talagang araw na hindi umiinit ang ulo ko sakan'ya. Hmp!

Hindi na kumibo pa si Eros bagkus ay ibinaling nito ang tingin sa kawalan.

Wala sa mga tanong niya ang nasagot ko. Marahil ay hindi ko rin batid ang rason kung bakit ako ang nakakita sa kan'ya sa gitna ng kagubatan noon. Ang alam ko lang, nandito si Eros. Kasama ko't walang nakapagsasabi kung ano ang maidudulot niya sa buhay ko pagdating ng araw.

Tumingin ako sakan'ya habang nakamasid naman s'ya sa kawalan.

Totoo, walang makakasagot sa kung paano at bakit nagtatagpo ang bawat estranghero sa mundo. Mahiwaga ang reyalidad ng mga tao.

At itong lalaking katabi ko, si Eros, misteryoso ang pagdating niya. Hindi ko man maintindihan ang proseso kung paanong nandito s'ya ngayon, ang mahalaga ay masaya ako.

Masaya ako.

**
Inserting music**
Got to Believe in Magic by David Pomeranz

Got to believe in magic.
Tell me how two people find each other.
In the world that full of strangers.
You've got to believe in magic,
Sometimes stronger than the moon above.
'Cuz it's magic when two people fall in love.

***

Eros POV

Nililinis ko ngayon ang aking espada. Nakaupo ako sa tapat ng lamesa kaharap ang alagang pusa ni Asher.

Pinagmamasdan ako ng pusa na 'to na tila gusto rin akong palayasin sa bahay ng amo n'ya.

Marahan akong napangiti at sabay na umiling.
"Alaga ka nga talaga ng amo mo." Mahina kong saad dito at tsaka ipinag patuloy ang pagpunas sa aking armas.

Dahan-dahan kong pinunasan ang kahabaan ng espada. Matagal na rin itong napahinga mula nang huling araw ng pakikipag digmaan ko laban sa kaharian ng Brotonyo.

Maingat kong hinawakan ang talim nito at masusing pinag masdan. Iitinapat ko ito sa direksyon ng bilog na buwan salungat sa direkta namang pagtama ng liwanag nito na patungo sa akin.

Ilang segundo pa lamang ang nakararaan ay naaninag ko ang isang matandang lalaki mula sa kalayuan.

Nakatayo ito sa dalampasigan habang nakatitig sa direksyon ko.

Bumaling ako ng tayo at sunod na lumabas ng bahay upang kumprontahin ang matanda. Habang papalapit ay natatanaw ko ang kan'yang mukha.

Natatapatan ng liwanag ng buwan ang maputi nitong buhok at kulay itim nitong damit. Mukha itong ermitanyo sa kan'yang postura.

Pamilyar sa akin ang matandang 'to.

Nang papalapit na ako ay bigla itong umalis at nag tungo sa kakahuyan.

Sinubukan ko itong hanapin ngunit nakapagtatakang para itong bula na biglang naglaho.




The Story Against Us Where stories live. Discover now