Kabanata 6: Ang Pagbabalik

5 2 0
                                    

Asher's POV

Sa lumipas na maraming taon ay ngayon ko lang ulit s'ya nakita.

"Asher!" Saad ng babae na nasa pintuan ngayon ng silid ko.

Tila isa s'yang pusa na ngayon lang nakita ang amo n'ya.

Tumakbo s'ya papunta sa 'kin at buong galak akong niyakap. Napainda ako nang maramdaman ang pagkirot ng mga sugat ko. Napansin n'ya ito kaya't bigla rin s'yang bumitaw.

"Uh, ipagpaumanhin mo." Saad nito sabay yuko. At tsaka tumingin muli sa 'kin suot ang ngiti sa kan'yang mga labi.

"Nabalitaan kong nasunog ang isa sa malaking kagubatan malapit dito sa bahay mo kaya naalala kita." Lintaya n'ya.

Matagal na panahon nang hindi ko s'ya nakikita. Isa s'ya sa mga taong nang-iwan sa 'kin. S'ya ang kababata ko.

"Kaya nag punta ka dito, Amira?" Tanong ko sa kan'ya habang nakatingin ako sa kisame ng silid ko. Hindi ko magawang tumingin sa kan'ya.

May parte ng pagkatao ko ang nalumbay noong nawala s'ya. May bahagi ng puso ko ang nabigo matapos nitong umasa na hindi ako iiwan ng babae na 'to kahit na kailan.

Hindi ako galit.
Ngunit tila naglaho ang tiwala ko matapos n'ya akong bitiwan kasabay ng paglisan ng ibang tao sa paligid ko.

Matagal na sandali pa bago n'ya ako sagutin.
"Nag alala ako sa'yo, Asher." Saad nito sa paraan ng mahinang boses.

"Nararamdaman kong nasa hindi maayos na kalagayan ka ngayon kaya pinuntahan kita agad at tulad ng inaasahan ko.. mukhang tama nga ang kutob ko." Mahaba nitong saad kasunod ng pagbaling n'ya ng tingin sa benda ko.

"Ehem.. ugh ugh.." pag samid ni Eros na kanina pa pala nanonood sa tagpo namin ni Amira.

" Pasensya na kung manghihimasok ako. Ngunit maayos na ang kalagayan n'ya... sa mga kamay ko." Saad ni Eros sabay ngiti sa 'kin at sa babaeng kausap ko ngayon.

"Lumabas kana muna, Eros." Malamig kong saad.

"Uh.. sige? Sabi mo e." Sarkastiko nitong tugon. At t saka lumabas sa silid at sinarado ang pinto nito.

Naiwan kami ni Amira sa loob ng silid.

"S-sino 'yon?" Tanong niya sa 'kin matapos isarado ni Eros ang pinto.

"Kaibigan ko." Maikli kong sagot.

" ahh.. mukhang matagal na kayong magkakilala, tama ba?" Tanong n'ya na tila nangiimbestiga sa buhay ko.

"Ano naman sa'yo kung matagal na?"

"Wala lang. Nililinaw ko lang."

"Ang ano?" Tanong ko sakan'ya.

" Sa tagal kong nawala.. nakalimutan mo naba ako?" Tanong n'ya habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko s'ya sinagot bagkus ay sinubukan kong tumayo upang makaalis na sa kwarto ko ngunit kumirot muli ang sugat ko sa tagiliran dahilan para mapainda ako sa sakit.

Dali-dali namang nag tungo si Amira para alalayan ako.

"Anong nangyayari d'yan? Ayos ka lang ba, Asher?" Pasigaw na tanong ni Eros mula sa labas ng pinto.

Nakita ko mula sa mga mata ni Amira ang pagkailang tuwing naririnig ang boses ni Eros.

Eros's POV

Nakita kong lumabas ang babae mula sa kwarto ni Asher.

Hindi ko alam kung sino 'yon ngunit sa narinig ko kanina ay mukhang matagal na silang magkakilala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Story Against Us Where stories live. Discover now