PROLOGUE

63 7 4
                                    


Magulo, maingay, sunod-sunod na pagsabog ang narinig ko bago ko ipikit ang aking mga mata. Nakakapagod, ramdam ko na lamang ang pananakit ng buo kong katawan at ang paglapat nito sa matigas na bato. Ito ang gabi na tila tapos na ang lahat. Bagsak at wasak na ang kaharian naming mga Milfrenian.

Inakala kong maisasalba ko pa.
Ibinigay na naming mga mandirigma ang buong lakas para pigilan ang Brotonyo. Pero wala. Nakakalungkot pakinggan ang iyak at hiyaw ng mga tao sa paligid. Wala akong magawa, Nanghihina narin ang buo kong katawan.

Kung maari lang sana, ginawa ko na ang itinurong mahika ng matanda kahapon sa kuweba ng Lirea.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Tuluyan nang nandilim ang aking paningin.

Baka bukas,
Baka sa susunod na aking pagdilat,
Kung may pangalawa man akong pagkakataong bumangon muli at lumaban,
Ang lakas ay para sa bayan ko parin ilalaan.

The Story Against Us Where stories live. Discover now