Kabanata 3: Pagtanggap

15 2 0
                                    

Eros's POV

"Asher" Pag papakilala niya sa sarili habang hawak-hawak ang kamay ko.

Sa sandaling punto ay hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Masaya ako habang hawak ang kamay ng lalaking ito.

Marahil sapagkat ay unti-unting nawawala ang galit ko sa pagmumukha niya?
O maaaring gumaan ang loob ko nang malaman ko ang pangalan niya.. Asher, Ang gandang pangalan.

Bugshhhhh!!!

Napukaw ang atensyon namin ni Asher mula sa pinanggalingan ng malakas na tunog.
Sa lakas nito ay nagsitinginan ang mga mamimili at nagsilabasan mula sa kani-kanilang puwesto ang mga nag titinda sa pamilihang bayan.

Rinig ko ang malaki at tila dumadagundong na boses ng isang lalaki.
Mula rito, nakita kong umaakto siyang ninanakawan ang matandang lalaki na nag titinda ng alahas.

Tinignan ko ang nangyayari.
Nakaramdam ako ng pagka banas sa maskuladong lalaki kaya't nilapitan ko ito upang tanungin sana kung anong problema. Ngunit hindi ko na kailangan pang malaman pa.

Habang papalapit ako ay rinig ko ang samu't saring opinyon ng mga taong nakapaligid.

"Ayan nanaman siya. Hindi na tumigil kakaapi sa mga matatandang nagtitinda rito." Reklamong lintaya ng babaeng may dalang bayong na may lamang mga gulay.

"Totoo, inaapi niya kapag alam niyang walang laban sakan'ya." Sagot naman ng isa pang babae na sa tingin ko ay nasa Apatnapung taong gulang na.

Kung minsan may naidudulot ding maayos ang mga chismosang kagaya nila.

Lumapit ako sa matanda at aktong bibilhin ko ang alahas na pinag-aagawan nila.

"Bibilhin ko ang kwintas na ito." Saad ko sa matanda nang hindi lumilingon sa malaking lalaki.

Natulala lamang siya at tsaka tumingin muli sa lalaking humihila sa kadena nito. Natahimik ang buong paligid na wari'y naghihintay ang lahat sa posibleng mangyari.

Naramdaman kong hinihila ng maskulado ang kadenang hawak ko. Kaya tuluyan akong lumingon dito.

"Bibilhin ko ang kwintas na 'to. Bitawan mo." Kalmado kong pag-uutos sa lalaki.

"Ha? BWAHAHAHAH" Tawa nito na tila hindi makapaniwala.

"Hindi mo ba 'ko kilala?" Sarkastikong tanong niya.

"Kailangan bang kilalanin ka?" Balik na tanong ko.

"T*ng*na, umalis ka sa harap ko kung ayaw mong pagbuholin ko kayo ng matandang 'to." Pagbabanta nito.

Hinawakan ko ang kamay niya at tsaka ito pinilipit. Sa tindi ng pwersang ibinigay ko ay napaliyad ang lalaki at tuluyang binitawan ang kwintas. Ibinalik ko ito sa mantanda at binitawan ko na rin ang lalaki.

"Problema kasi sa'yo pinaglalaban mo 'yang katawan mo samantalang ang kitid naman ng utak mo." Saad ko sabay na sinuntok ko ang sikmura niya dahilan upang mapaliyad ito lalo.

Rinig ko ang pagkagulat ng boses ng mga taong nakapaligid sa'min.

"Bayaran mo ang pinsalang ginawa mo." Pag-uutos ko sakaniya.

Tinignan niya ako at tsaka ambang gaganti ng suntok ngunit nasangga ko ito.
Hinawakan ko ang braso niya.

"Magbabayad ka o tutuluyan kong baliin ang mga braso mo?"

Nagmamadali itong dumukot sa bulsa niya at inilabas ang ilang piraso ng ginto at iilang perang papel sabay abot sa 'kin.

Binitiwan ko siya at saka nagmadaling tumakbo na para bang asong takot na takot.

Tinitigan ko ang matanda saka ko ito tinalukaran at nag simulang pumunta kay Asher.

"Charannn!!" Bungad ko sakaniya habang winawagayway sa harap niya ang perang papel.

"Ano 'yan?" Tanong nito

"Pera, ano ba sa tingin mo?"

"Ang ibig kong sabihin, bakit na sa 'yo 'yan? Bayad para sa pinsala 'yan 'di ba?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Walang balak maningil ang matanda para sa pinsala. Nais lang niya ay katahimikan at maipag patuloy ang kabuhayan. Kaya bakit ko sakan'ya ibibigay 'to?"

"Sige, sabihin nating para 'to sa pinsala. At.. sa istorbong idinulot niya sa 'kin. Sa 'tin!" Saad ko habang naglalakad papunta sa tabi niya.

"Tanggapin mo 'tong pera upang makabili tayo ng uulamin natin mamayang gabi." Saad ko sabay lagay sa garapong kahoy ang mga pera at ginto.

"Sino nagsabing isasama kita pag-uwi?" Tanong niya sa 'kin na naging dahilan upang mapatingin ako sakan'ya.

"Sabi ko?" Sagot ko.

"Pumayag ba 'ko?" Muli niyang tanong.

"Kailangan ko bang hintaying pumayag ka?"

"Manahimik kana, Eros. Hindi ka naman magpapatalo eh." Inis na saad nito at saka ako tinalikuran.

***

Namamayani ang tunog ng mga kuliglig habang nilalakad namin ni Asher ang madilim na kalsada. Napapaligiran kasi ito ng puno kaya hindi nakapagtatakang puro kuliglig at tunog ng mga ligaw na ibon ang maririnig dito.

Dala ko ang isang bagahe na naglalaman ng mga natirang paninda namin kanina. Samantalang dala naman ni Asher ang isa pati ang binili naming ulam na manok mula sa pamilihang bayan.

"Ako na magluluto mamaya pag-uwi natin ha!?" Pag lilinaw ko sakan'ya na bumasag sa katahimikan namin.

"Ako na." Malamig nitong sagot.

"Ako na nga eh." Pag pupumilit ko.

"Bakit ba ayaw mong ako ang magluluto?" Inis nitong tanong.

"Ah.. sabihin nating hindi ka naman masarap magluto." Saad ko

"Ah talaga ba, Eros?" Sarkastiko nitong lintaya.
" Sige, pero 'wag mong gagamitin ang mga kasangkapan sa BAHAY KO." Pag didiin niya sa salitang bahay niya. Akala mo naman aagawin ko tsk.

"Sige? Edi ako lang din ang kakain?" Tanong ko.

"Ayos lang, hindi naman ako magugutom. Sinong hinamon mo?" Saad pa niya.

"Ayos lang pala ha!? Baka kapag nagutom ka.. ako kainin mo, Asher." Pagbibiro ko sabay takbo palayo.

"kasuklam-suklam ka!" Sigaw niya sabay bato sa 'kin ng isa sa mga laruan na dala niya.

Tila napalitan ng tawa at asaran ang tahimik na kalsada.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon.
Bagamat hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako.
Ngunit masaya ako.
Hindi ako sigurado sa posibleng maganap sa mga susunod na tagpo, ang mahalaga ay masaya ako.

Oo, masaya ako.

***

Humarap sa kanan.
Dumapa, at humarap sa kaliwa.
Iba't ibang posisyon na ang ginawa ko habang nakahiga ngunit para bang hindi ako dinadapuan ng antok.

Sa mundo ko bilang isang mandirigma ay sanay naman akong makatulog sa kung saan. Marahil ay dulot din ng pagod kaya mabilis akong datnan ng antok noon. Subalit wala naman 'yon pinag kaiba sa ngayon. Pagod din naman ako dahil sinamahan ko si Asher magtrabaho.

Umupo ako sa higaan na inilatag ni Asher para sa akin. Ipinag handa lang naman niya 'ko ng banig sa gilid ng kama niya. Napaka walang puso. Tsk.

Pinagmamasdan ko siya habang mahimbing na natutulog.

Paano niya nagagawang matulog ng gano'n kalalim habang naghihirap ako nang ganito?

Tumayo ako at dahan-dahang lumipat sa higaan niya.

Napaka walang hustisya talaga. Bakit malambot ang kama niya samantalang manipis na banig ang akin?
Hindi yata ito tinuruan ng magulang niya kung paano tumanggap ng bisita.

Marahan akong nahiga sa kama habang pinagmamasdan ang mukha niya. Tulog na tulog parin ito.

Ilang minuto pa ang lumipas habang tinititigan ko ang natutulog na mukha ni Asher, hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

The Story Against Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon