Sa ENERONG pighati ba'y mananalamin, kung pagdating ng PEBRERONG kaytamis ay magmamahal muli. Paano ang mga gabing nag-aalab na MARSO? handa bang talikuran iyon hanggang mahintay ang pagbabalik sa ABRIL? Subalit nakatatakot na sa pagdating ng MAYO ay unti-unting lilisanin rin at muling pagtatagpuin sa HUNYO. Sa paglaon ng araw ay tanging padaplis na lamang ang magagawa sa buwan ng HULYO. Ngunit kahit pagsakluban man ng mapait na mundo ay mananatiling "ikaw" pa rin hanggang sa AGOSTO. Kahit na punong-puno ng lihim ang buwan ng SEPTYEMBRE, at kasabay nito ang hindi nawawalang pagnanais ng buwan ng OKTUBRE. Subalit pagagdating ng NOBYEMBRE hanggang DISYEMBRE ay magmamahal pa rin kahit na imposible. Handa ba ang iyong puso at damdamin na masaksihan ang iba't ibang lihim na kwento ng mga buwan? Ang kanilang kwentong punong-puno ng pag-asa, lumbay, pagmamahal at katarungan. MGA LIHIM NA KWENTO NG MGA BUWAN Book Cover from Pinterest Sinimulan: Nobyembre 1, 2023 Natapos: Enero, 21, 2024
14 parts