Enerong Pighati

18 3 0
                                    

Enero, 1900


KUMAIN ka na,”

Napabaling ako sa kaniya dahil sa lamig at kalmado ng kaniyang tinig. Dahan-dahan nitong ibinababa ang plato sa katre na aking  hinihigaan at walang ekspresyong tumingin sa’kin. Pilit kong hinahagilap ang dating tamis at ligaya na namumutawi sa kaniyang tingin. Subalit halos manlumo ako dahil wala na ang mga bagay na iyon.

“Hindi kita magagawang pagsilbihan, at kung maaari huwag mo na ring isipin na magmakaawa sa harapan ko,” patuloy niyang sambit habang bakas sa kaniyang tinig ang poot at galit.

Galit sa’kin at sa aking ama’t ina. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniyang mga mata habang hinihintay ko ang pagkakataon na muli niya akong pagmasdan katulad
ng dati. Tuluyan ng nagbago ang lahat, ang inaakala kong walang hanggang pag-iibigan namin ay natapos na.

Masakit at tila napupunit ang aking puso sa panaghoy at pagtatangis na aking nararamdaman. Iniwas nito ang tingin sa’kin at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

Hindi ko siya masisisi kung may poot siyang nararamdaman sa’kin, sa palagay ko’y nararapat na danasin ko ito. Walang salita itong naglakad paalis at sa kaniyang paglisan ay muli na naman akong nakaramdam ng pait.

“I-isagani…” kahit namamaos ang aking boses ay busong lakas kong sinambit ang kaniyang ngalan.

“P-patawad…” patuloy ko habang bakas ang padadalamhati sa’kin. Batid kong ilang beses ko na itong binanggit sa kaniya, subalit
nais kong muling marinig niya ito mula sa’kin.

“Hindi kailanman masusuklian ang nararamdaman kong lumbay sa  pamamagitan lamang ng paghingi mo ng tawad Helga, hindi ko pa rin mapapatawad ang mga taong naging dahilan ng pagkasawi ng aking ama’t ina..” mariing wika niya habang hindi nakabaling ang tingin sa’kin.

Masakit na makitang ang taong dating iyong minamahal ay tuluyan nang nag-iba ang pagtangin sa iyo. Ang taong binitawan mo ng iyong pangako ngayon ay tuluyan nang mapapako.

“Batid kong may poot ka sa’king ama’t ina, subalit bakit kailangan mo akong ida-“

“Dahil iisa lang ang dugong nananalantay sa inyo..” putol niya sa’king sinambit at matalim akong pinagmasdan sa aking mga mata.

“Ang dugong dumadaloy sa iyong ama’t ina ay dumadaloy rin saiyo. Kaya hindi malabong dumating din ang araw na gawin mo rin ang mga bagay na ginawa ng iyong mga magula-“

“Ganiyan na ba ang pagtingin mo sa’kin ngayon Isagani?” putol ko sa kaniyang sinambit at buong tapang na tumayo kahit pa halos mangatog ang aking mga paa dahil sa higpit ng lubid na nakatali sa mga paa ko.

“Hindi ko batid kung bakit kinakailangan na idamay mo ako sa galit na namamayani sa iyong puso, bakit nagawa mong bitawan lahat ng ating pinagsamahan? Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan sa pagkawala ng iyong ama’t ina, sa tingin mo ba ninais ko rin ang mga
nangyari?!” buong tapang na saad ko habang namumuo ang luha sa mga mata ko.

Matapos nila akong dakpin sa mismong kaarawan ng aking ama ay ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas na loob na sabihin ang mga bagay na nais kong sabihin. At mas lalong naninikip ang aking damdamin dahil sa mga katagang sinasambit sa’kin ni Isagani.

Nanatili lamang nakatitig ito sa’kin, naroon pa rin ang poot sa kaniyang mga mata. Ni hindi nito alintana na dahil sa mga salitang
binibitawan niya ay nakasasakit na ito ng damdamin. Napabuntong hininga ito bago lumisan sa aking harapan. Ni walaitong kahit na anong sinambit bago umalis.

Ang likido sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigalan ay kusang umalpas, nababalot ng
lumbay ang aking puso wala akong ibang ginawa sa buong magdamag ng gabi kundi ang umiyak nang umiyak.

Ang Lihim na kwento ng mga BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon