Disyembreng Imposible

9 2 0
                                    

Disyembre, 1990


"ANO sa tingin mo Cora ang bagay sa'kin, ito bang kulay itim o pula?" tanong ko kay Cora habang pinapatingin sa kaniya ang dalawang bestida.

Sandali itong napaisip at napahawak pa sa kaniyang baba bago nagdesisyon. "Sa tingin ko bagay sa iyo ang itim lalo pa't maputi ang iyong balat," saad niya at ngumiti sa'kin nang matamis bago ipinagpatuloy ang pagluluto nito ng adobo.

Napangiti ako at napatango. "Salamat.." masaya kong tugon at ibinalik ang pulang bestida sa aking aparador. Itinapat ko ang itim na bestida sa aking katawan habang nakatingin ako sa harap ng salamin.

Tunay na may angking galing si Cora pagdating sa pagpili ng magandang kasuotan na babagay sa akin. Napangiti ako nang matamis habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Hindi na ako makapaghintay sa magaganap na pagsasalo namin mamaya ng aking kasintahan.

Ngayong araw ang aming anibersaryo at mamayang gabi namin ito ipagdiriwang. Nangako ako sa kaniya na ipagluluto ko siya ng paborito niyang pagkain na sabay naming pagsasaluhan mamaya.

Maingat kong ibinaba ang  bestidang itim sa katre at lumabas sa aking silid at nagtungo sa kusina. Naroon pa rin ang aking kaibigan na si Decora habang abala pa rin itong nagluluto.

Sanay siya sa gawaing bahay at masarap itong magluto. Halos magkasing edad lang kaming dalawa, kapwa kami bente tres anyos na, subalit ang kaibahan lamang sa aming dalawa ay may asawa na ito at limang taon na silang kasal.

"Sayang at hindi ko magagawang makilala ang iyong nobyo mamaya Esmeng. Alam mo naman na kailangan ko pang ipagluto ang aking asawa ng kaniyang hapunan," saad nito at ngumiti sa'kin.

"Hindi ko ba siya maaaring makilala ngayon? Isang taon na kayo subalit nakalulungkot at hindi mo pa rin siya nagagawang ipakilala sa'kin," patuloy niya at sumimangot ang mukha nito.

Napangiti ako at lumapit sa kaniya at hinalo ang ulam na kaniyang niluluto. "Ang sabi ko naman sa iyo na talagang abala lamang siya sa kaniyang trabaho. Hindi ba't batid mo naman na mabigat ang trabaho ng mga heneral dahil heneral din ang iyong asawa," saad ko at ngumiti sa kaniya.

Napaisip siya bago napatango. "Sabagay may punto ka Esmeng, subalit ang saad mo sa'kin dati ay di hamak na mas mataas ang kaniyang ranggo kumpara sa aking asawa kung kaya't mas abala nga ito sa kaniyang trabaho," wika niya at pintay ang apoy sa kalan.

"Kaya't ngayon pa lang ay humihingi na muli ako sa iyo ng paumanhin sapagkat hindi ko siya mapapakilala sa iyo. Ngunit ang sabi ko naman sa iyo hindi ba, na darating din ang araw na maipapakilala ko siya sa iyo." wika ko habang nagsasandok ng karne at nilalagay ito sa isang kahoy na baunan.

"O siya wala iyong problema, hindi naman ako magtatampo sa iyo dahil lang hindi mo maipakilala sa akin ang iyong nobyo. Ngunit hinuha ko naman na isa itong mabuti at maginoong kasintahan," wika nito at sinagi nang bahagya ang aking balikat.

Napangiti ako at napaharap sa kaniya. "Hindi ka nagkakamali Cora!" wika ko at nilagay sa hapag ang baunan na may laman na karne.

Nilagay ko iyon sa isang bayong at naglagay na rin ng prutas at ang iba pang putaheng niluto namin.

"Tanggapin mo ito Cora bilang pasasalamat sa pagtulong mo sa'kin sa pagluto. Isang tawag ko lang sa iyo ay agad ka nang tumatalima sa'kin" wika ko at nilahad sa kaniya ang bayong.

Kinuha niya ito at tinapik ang aking balikat. "Wala iyon Esmeng ano pa't magkaibigan tayo? Handa akong tulungan ka sa kahit anong bagay pa iyan," wika niya at tumawa nang bahagya.

Napangiti ako nang mapait at napaiwas ng tingin sa kaniya. "Oh, bakit nagbago ang timpla ng iyong mukha, kanina ay ayos ka lang naman ah," pansin nito sa'kin.

Ang Lihim na kwento ng mga BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon