Nobyembre ng Lagim

10 2 0
                                    

Nobyembre, 1989



BINASAG ng isang sigaw na humihingi ng tulong ang katahimikan ng gabi habang rinig na rinig ang pag-ingay ng mga tuyong dahon.

Isang dalagita ang mabilis na tumatakbo sa kahabaan ng kagubatan habang ang ilaw ng buwan ang ginagawa nitong tanglaw sa kaniyang dinadaanan.

Tumatangis ang mga mata nito at bakas ng takot at pag-alinlangan ang kaniyang mukha kasabay ng sunod-sunod nitong paghingi ng tulong.

"Tulong!" sigaw nito na halos maupos na ang kaniyang tinig sa lubusang kakasigaw upang makahingi nang tulong.

"Tulungan ninyo ako!" muli nitong saad habang walang tigil sa pagtakbo, wala na itong suot na sapin sa paa at hawak-hawak nito ang kahabaan ng kaniyang paldang puti na ngayon ay may bahid na ng dugo at putik.

Nakatali nang mahigpit ang dalawa nitong kamay sa kaniyang harapan habang puno ng galos ang kaniyang mukha. Halos dalawang araw itong nasa yungib nang madilim at nakatatakot na silid, kasama ang mga kampon ng kadiliman.

Nagmistula siyang parausan sa mga gabing malalim at tinrato na animo'y isang hayop. Ngayong gabi ang unang beses nitong makalanghap ng sariwang hangin habang buong-buo ang pag-asang makakawala sa bingit ng kamatayan.

Nabuhayan ito ng loob nang makita ang daan habang naririnig nito ang ugong ng isang kalesang paparating. Agad itong tumakbo sa gitna at punong-puno ng pag-asang pinagmasdan nito ang kalesa.

"T-tulungan niyo ho a-ako," paos na saad nito kasabay nang unti-unti nitong paghina at pagbagsak sa lupa, ngunit bago nito tuluyang ipikit ang kaniyang mga mata ay nakita nito ang paghinto ng kalesa at ang pagbaba ng lulan nito upang magtungo sa kaniya.

Sa panahon na iyon ay naramdaman nitong siya ay makaliligtas na.



NAPAMULAT ang kaniyang mata nang maramdaman nito ang pagtusok sa kaniya ng isang matalim na bagay sa kaniyang balat.

Bahagyang wala pa itong gaanong maaninag at nababalot lamang ng malabong pagtingin ang kaniyang nakikita. Makalipas ang ilang segundo ay unti-unti nang lumilinaw ang kaniyang paningin kasabay nang pag-alala nito sa mga nangyari.

Napabalikwas ito nang maaninag na nasa isang silid ito, ibang-iba mula sa silid na kaniyang naging tirahan ng dalawang araw sa kamay ng mga kampon ng kadiliman. Malambot ang katreng kaniyang hinihigaan at mayroong maliit na lamesa katapat ng isang bintana. Mayroon din itong aparador, lagayan ng mga aklat at may palikuran.

Pinagmasdan nito ang kaniyang damit, nakasuot na ito ngayon ng itim na bestida at may benda na ang kaniyang kamay at nagamot na rin ang kaniyang sugat.  

Unti-unting pumatak ang kaniyang luha dahil sa mapait na kaniyang dinanas. Hindi nito batid kung nasaan ito at kung sino ang taong tumulong sa kaniya subalit nararamdaman nito na ligtas na siya.

Napatingin ito sa pinto nang bumukas ito at pumasok doon ang isang soltera na nasa edad labingwalo, bahagya itong nagulat dahil sa pagkagising ng dalaga, subalit agad din itong nagbago at walang salitang nagtungo sa kaniya.

May nilapag itong tubig, pagkain at gamot sa lamesa bago ito muling tumingin sa kaniya at yumuko nang kaunti. Akmang aalis ito nang magsalita ang dalaga.

"N-nasaan ako? I-ikaw ba ang tumulong sa'kin?" mahinang saad nito habang nakatingin sa likuran ng soltera. Napaharap ito sa kaniya at tipid na ngumiti.

"Paumanhin at hindi ko ho masasagot ang iyong katanungan. Mas makabubuti kung kainin niyo  na lamang ang nakahandang pagkain para sa inyo," magalang na tugon nito at naglakad paalis.

Ang Lihim na kwento ng mga BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon