Chapter 9

849 28 0
                                    

"Marian! Naka tulala kadyan?!" Napasinghap ako sa hangin sa gulat. May bwiset kasing sumakal sa likod ko. Sinamaan ko ng tingin ang demonyitang si Margaux. "Anyare sayo teh? Kanina kapa balisa, ha? Anyare kwento mo naman yan, uso mag share." Ngumisi pa sya sa akin umirap lang ako.

Buti nalang talaga wala si Claire sumama sya kay Berry, mag iinom daw sila, eh. Ayoko naman nang sumama baka may mangyari ulit sa akin. Grabe nakakahiya talaga! "Hoy ano na! Tulala kananaman dyan!" Tiningnan ko si Margaux mukha naman syang pag kakatiwalan.

Agad akong tumakbo sa pintuan at sinara yun hinatak ko ang kamay nya sa gilid para wala talagang maka rinig sa amin. "Ano na? Ano bang nangyayari sayo para kang baliw!" Nag maktol pa ako na parang bata sabay iyak.

"Ay gago wala akong ginagawa sayo! Yan oy! Bakit ka umiyak?!" Natataranta si Margaux kumuha ng tissue samantalang ako ay iyak ng iyak sa gilid. "K-kasi n-nung kagabi...
" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil lalo akong umatungal sa iyak.

"Gaga ano bang kagabi?!" Natataranta nyang pinunasan ang mga luha ko pero lalo lang tumotulo ang mga ito. "Ano kasi ano whaaaaaa!" Lalo akong umiyak nung wala akong maalala.

"Gaga ka talaga anong ano kasi ano?! Alien ka? Alien?" Sinamaan ko sya ng tingin. "Hindi ako Alien aso ako, taga habol sakanya." Napangiwi ako nung batukan nya ako. "Gago ka Marian kapag prank ito!" Napanguso ako at sunod sunod na umiling

"Sira camera ko." Halos pamiyok piyok na ako para masabi ko yun. Bumontong hininga si Margaux. "Ano? Seryoso na this, ano na ba ang nangyari? Bakit ka naiyak?" Napanguso ako nung makita ang seryosong mukha ni Margaux.

"Huwag ka ngang ganyan! Hindi bagay sayo!" Nakanguso kung saad napairap naman sya. Lalo akong kinakabahan dahil sa itsura nya baka i-judge nya ako dahil sa kabaliwan ko, paano kung may mabuo? Paano na ako?! Baka hindi nya tanggapin! Lalo tuloy akong naiiyak!

"Teh ano na?! Sasabihin mo ba o hindi natatae na ako!"

Napanguso ako. "Nung gabi kasing kahapon.." binatukan ako ni margaux kaya lalo akong napaiyak. "Ang gulo mo din no? Gabing kahapon ang popo!" Nakakainis naman kausap itong babaeng ito, hindi man lang mag seryoso.

"Ito na kasi seryoso na!"

"Geh na! Ikaw lang naman ang hindi nag siseryoso!" Sinamaan ko sya ng tingin, para namang pinapalabas nyang napaka play girl ko at napaka rami kung niluko. "Kasi kahapon may nangyari sa akin, sa amin ni Gab." Agad akong umiyak ng malakas napataas naman ang kilay nya.

"Oh? May nangyari naman din sa atin, ha? Nag inuman tayo, ano namang mali doon?" Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi rin pala masama ang ugali nitong babaeng toh kung hindi slow pa. "Ang slow mo naman! Umalis kanga dito!" Tumawa lang sya at hinampas ang braso ko, mahina lang naman yun pero 'Nag aray' ako.

"Ipaintindi mo kasi sis, paano ko maiintindihan kung hindi mo ipapaintindi?" Suminghot singhot ako ng sipon. "Kasi kami ni Gab ay nag Versace on the floor sa condo nya." Nagulat ako nung bigla syang napatayo at napahawak sa bibig nya.

Lalo akong na iyak. Huhuhu i-ja-judge na nya ba ako? Ito na ba yun? Isusumbong nya ba ako kila mommy? Pero teka kailan sya naging judger at naging sumbungera? Sapag kakaalam ko vlogger lang sya eh! Paano sya naging judger!

"WHAAAA! TALAGA?! HINDI KANA VIRGIN?! TARA INOM!" Nanlaki ang mata ko sa reaction nya. Agad ko syang hinatak pa upo sa kama at nag sinyas na tahimik. Tumango tango sya habang may ngiti sa labi.

Gago ba sya? May balak ba syang inisin ako? Ano yang pangiti ngiti nya?

Lalo tuloy akong umiyak. "Hoy! Huwag kanang umiyak! Atleast napunta ang first mo sa crush mo!" Agad akong umiling iling. "Paano kung hindi nya ako pinanagutan? Paano kami ng anak ko?" Agad nya akong binatukan kaya napanguso akong humawak sa ulo ko.

"Gaga kadin no! Buntis kaagad?! Ang advance ng utak mo, men!" Umiling iling ako sakanya. "Paano kung hindi nya ako panagutan? Anong sasabihin ng mga Ice Cream? Isang diskrasyada ako? Ibubush nila ako hanggang madamay kayo huhu!" Napaisip naman sya samantalang ako naman ay iyak parin ng iyak.

"Nag pi-pills kaba?" Sunod sunod akong umiling. "Hindi ako nag gaganon, diba may motto ako? Ibibigay ko ang first ko sa mapapangasawa ko pero ngayon pati first kiss ko natangay na!" Lalo akong humikbi, napasapo sya sa nuo nya.

"Nag condom ba si Gab?" Napaisip naman ako pero wala akong matandaan. Ang huling naaalala ko ay may humatak sa akin sa lalaki at si Gab yun. Sunod sunod akong napailing. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung nag condom sya!" Lalo ulit akong napaiyak, narinig ko ang buntong hininga ni Margaux.

"Pag kagising mo ba anong itsura mo? Naramdaman mo?" Napaisap nanaman ako. Nang magising kasi ako ay nag tatakbo ako. Wala akong naramdamang sakit sa gitnang hita ko. "P-pero naka panty lang ako at walang bra, naka suot ako ng t-shirt ni Gab yung suot ko kanina!" Mangiyak ngiyak kung saad.

Tumawa sya sabay tapik sa balikat ko. "Ganto nalang gawin mo Marian, alamin mo ang nagyari, siguro lasing kalang nun kaya naiisip mo yan, puntahan mo sya sa Condo nya at tanungin mo sya kung ano ba talagang nangyari para naman magising kana dyan sa kahibangan mo, kahit hindi ko kilala si Gab ay may tiwala ako sakanya, sure akong wala syang ginawa sayo na ikakagalit mo." Tinapik nya ang balikat ko at lumabas sya sa kwarto. Naiwan naman akong nakanganga dito. Si Margaux bayon? Ang haba nun, eh.



KANINA pa ako nandito sa loob ng kotse, hiniram ko yung kay Berry. Wala kasi yung Van namin dala nila Mommy sa Cavite kaya nang hiram muna ako.



Ano ba kasing sasabihin ko? Nandito ako sa parking lot ng Condo nya nag dadalawang isip ako kung aakyatin ko ba sya sa taas o hindi. Pero kung umakyak naman ako anong sasabihin ko sakanya? 'Pwede ba tayong mag usap? Dahil sa nangyari sa atin? Alam kung crush kita per---'


Aish ang panget! Baka sabihin nya ginusto ko ang nangyari dahil crush ko sya! Maharot ako pero hindi naman ako kaladkaring babae na hihilahin mo lang sa kama.


Kung hindi naman ako tumoloy papatayin naman ako ng isip ko. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari sa amin pero ang tanong ni nikol yala, may nangyari nga ba?

Napasabunot naman ako at inis kung kinuha yung susi. Padamog akong lumabas sa mamahaling Mercedes ni Berry, patawarin nawa ako ni Berry kung magasgas ang kotse nya.

Buong tapang akong pumasok sa Elevator wala akong nararamdaman na kahit anong kaba sa hindi malamang dahilan. Nang mag bukas ang Elevator ay parang nawalan ng lakas ang tuhod ko nung makita si Gab kasama ang mga kaibigan nya.


"Si Miss Vlogger, oh! May condo kapala dito?! Ang galing naman parehas kayo ng Floor ni Gab." Napakagat ako sa ibaba kung labi nung mag tama ang mata namin ni Gab.

Tinaasan nya ako ng kilay, nag tataka siguro sya kung bakit ako nandito matapos kung mag tatakbo paalis sa Condo nya. Kunot nuo namang nakatingin ang dalawa nyang kaibigan sa amin si Gerald at si Jiro.

"May nangyari ba sa atin?"

Nagulat sya sa sinabi ko, hindi ko rin alam kung paano yun lumabas sa bibig ko basta bigla nalang syang lumabas. Nagulat rin ako sa sinabi ko. Yung dalawa naman ay gulat ding napatingin sa aming dalawa palipat lipat pa ang tingin nila sa amin at hindi alam kung saan ang tingin. Kung kay Gab ba o sa akin.


Oh shit. Ano ba yang sinabi ko? Nakakahiya!



*****

11:06 am na mga savages ko! December 14, 2020 na stay safe muahh!

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now