Chapter 36

524 10 0
                                    

"GAB SUSUNDUIN MO ba ako? Nandito ako sa may españa nag hihintay ng jeep, tinawagan kita kung susunduin mo ba ako." Nakanguso kung saad. Tinawagan ko si Gab, ang sabi nya kasi ay susunduin nya ako pero wala akong Gab na nakita. Siguro nasa ospital parin sya ngayon.

[Dr. Riego! Please proceed in the operating room!] Rinig ko sa kabilang linya napa buntong hininga naman ako. [I-I'm sorry, Ebs, I need to---] hindi ko na sya pinatapos, alam ko na ang sasabihin nya.

"Sigeh ayos lang, I love you, Ebs, sana mapag tagumpayan nyo yang operation nyo." Nakangiti kung saad kahit hindi nya ako nakikita. Bumuntong hininga ito. [I Love yo----DR. RIEGO! FASTER!] At doon na namatay ang tawag.

Napa buntong hininga ako. Kahit 'I Love you' hindi nya na nakukumplito ng buo. Tumawa ako ng sarkastika. Wala ng oras sa akin si Gab. Sa tatlong taon naming mag kasama ay hindi na kami masyadong makakapag usap.

Kapag pupunta ako sa condo nya ay tulog sya, kapag vacant naman sya ay may shooting ako or may project, minsan pag mag kasama kami parehas kaming busy sa mga gawain namin.

Ngumiti ako ng napaka pait. Minsan na iisip ko kung nag wo-work paba ang relationship namin, eh. Nung 2nd Anniversary namin masaya pa kami, eh. Nag swimming kami sa boracay nun.

Parang napaka perpekto ng relasyon namin habang nasa boracay kami, wala kaming iniintindi kung hindi ang isa't isa. Pero nung umuwi kami ay bumalik na kami sa parang hindi kami mag kakilala. Kapag kakain kami sa labas hindi pa nag iinit ang pwet namin sa upuan ay may aalis na agad sa aming dalawa.

Nung 3rd anniversary namin ay parang wala lang. Nag batian lang kami sa phone tapos yun ayos lang. Napabuntong hininga nanaman ako. Biglang nag ring ang phone ko agad ko naman yung sinagot.

[Hello, sino toh?] Walang ganang saad ko. [Sino nga ba? Miss me, babe?] Napasinghap ako sa hangin nung biglang may yumakap sa akin. Agad na nanlaki ang mata ko at ni yakap si Thyme. Isa na sya sa bagong friend ko, nakilala ko sya sa showbiz like that HAHAHA.

Natawa sya kaya natawa rin ako. "Naks naman Thyme! Parehas pormahan natin ngayon, ha! Kita mo yan naka couple tayo ngayon! Naka jacket na itim, itim na cap, naka shade kahit gabi na! Nice naman!" Hinampas ko pa sya sa balikat nya tumawa lang sya.

"Tsk but where not couple!" Natatawang saad nya tumawa rin ako. "Bakit gusto mo bang maging kacouple ako?"  Natatawang saad ko ngumisi pa ako sakanya. Inirapan nya pa ako. "Lol asa, musta na sya?" Binaksak nya pa yung balikat nya nung sinabi nyang 'Sya'

Napabuntong hininga ako. "Sinong sya yung akin o sayo?" Walang ganang saad ko. Nag lalakad na kami na parang tanga. Saan saan na kami nakaka punta. "Parehas, yung akin saka sayo." Natawa kaming parehas.

Parehas kami ni Thyme walang oras sa amin ang mga jowa namin, imagine 21 na ako ngayon pero wala padin nganga. Walang nangyayari, parang hindi kami umuunsad, eh. Kami nalang yatang dalawa ang hindi umuunsad sa mga kaibigan naming nasa showbiz.

"Yung akin ganon padin, yung sayo ganon padin siguro, tara na? Dalawa mo ba kotse mo? Kain tayo Mang inasal." Natatawang saad ko tumango sya saka ngumiti. "Sigeh, pero take out natin, ayaw kung pag kaguluhan ang kagwapuhan ko." Nakangiwi ko syang binatukan.

"Sira talaga toh, eh!" Sabay kaming pumasok sa kotse nya. Papasok na sana ako sa kotse nya pero napahinto ako nung makita si Gab, nakatingin sya sa akin na walang reaksyon. Pinikit ko ang mata ko baka na mamalikmata lang ba ako nung buksan ko yun ay wala nga sya. Namamalikmata lang talaga ako.

Tumawa ako ng sarkastika sa loob ko. Nag mamalikmata lang ako, si Gab? Si gab na walang oras sa akin? Haha himala nalang kung mag pakita sya sa akin, ilang lingo na nga kaming hindi nag uusap, eh.

Tumawag nga ako sakanya para mag karoon kami ng bonding pero ano, busy sya diba? Hindi nga sya nakaka buo ng 'I love you' sundan nya pa kaya ako dito, napailing nalang ako saka pumasok sa kotse ni thyme. Ngumiti ako sakanya ng pilit, ganon din ang ginawa nya bago kami mag simulang umalis.

"NGAYONG KAYO na ay official love team ni Thyme, ano ang masasabi mo Marian?" Nakangiting saad ng reporter. Ngumiti ako sakanila. Naka hawak si Thyme sa bewang ko, pinapalibutan kami ngayon ng mga paparazzi.

Official love team na kasi kaming dalawa ni Thyme. Nakaka tuwa nga dahil ang daming boto sa relasyon namin, eh. I mean is sa pagiging love team namin. "Uhmm, masaya? Haha char, I'm very happy because me and thyme is official na love team, alam nyo na? Matagal na naming gustong maging official diba? At sa wakas naging official narin kami." Ngiting ngiti kung saad

Parang kinikilig naman ang mga reporter sa sagot ko. Pati ako kinikilig din sa sagot ko, eh. "Thyme, nililigawan mo ba si Marian? I mean may gusto kaba sakanya ganon? Maraming mga balita na nag dedate daw kayo, totoo bayon?" Nakangiti kaming nag katinginan ni Thyme, sabay kaming tumawa.

"Uhm, I guess that is a date, ask Marian, ako kasi hindi alam yung sagot kung date pa talaga yun, eh." Natatawang saad nya lalong ngumiti yung mga reporter at tinapat nila sa akin yung mic. "Uhm, guyz, Oh god I don't know what to say, Hahaha, I think we where dating? Haha." Nagulat ang mga reporter, nag labasan pa sila ng camera.

Merong mga reporter na lumipat dito sa amin, iniwan nila yung ibang artista na iniinterview nila kaya lalo akong napangiti. "Akala ko ba meron kang non-showbiz boyfriend? What is here name again? Oh Gab right?" Hindi nawala ang ngiti ko, biglang bumalik sa akin ang sinabi ni Manager Kla.

'Forget Gab, kung pwede mo syang hiwalayan leave him! Total naman hindi na nag wo-work ang relationship nyo diba? Kung sabihin mong wala kayong relationship ni Gab ay malaking intriga ito sa larangan ng showbiz, look Marian, kailangan mo ito para lumaki ang pangalan mo sa showbiz at mag tagal yang posisyon mo! Magiging official love team kayo ni Thyme! Sabihin mo na wala kang relasyon sa kahit na kanino at nakikipag date ka kay Thyme para mas lumaki pa yang pangalan mo!'

Siguro pwede ko namang itago ang relationship namin ni Gab diba? Saka mukhang maiintindihan nya naman, eh. Ako nga iniintindi ko ang palagi nyang wala sana naman intindihin nya rin ako.

Ngumiti ako sa lahat. "No, I don't have any boyfriend at kung mag kakaroon man si Thyme lang yun, Me and Gab are break na, matagal na yun, I think 1 years ago?" Nakangiting saad ko nakita ko ang gulat na mga reporter pero agad din silang ngumiti.

Sorry Gab, sorry dahil sa nagawa ko. Promise babawi ako sayo, kailangan ko lang talaga mag palakas sa larangan ng showbiz, gusto kung mabigyan ng magandang buhay sila mommy, gusto kung matupad ang mga pangarap nila.

Sana maintindihan mo ako, kahit ngayon lang. Gusto ko lang tuparin ang pangarap ng pamilya ko. Ngayon lang Gab, sa susunod ay ikaw naman ang pipiliin ko.

****

11:57 am na ng December 22, 2020! Nakahiga lang ako ngayon habang nag papatugtog ng music kayo anong ginagawa nyo? Siguro nag hahabol kayo kasi malapit na ang pasko no HAHAHAHA

Comment down below kung ano ang hula nyo sa magiging relasyon nila ni Gab at Marian. Mag hihiwalay ba sila o ano?

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now