Chapter 15

768 26 14
                                    

Naalimpungatan ako nung maamoy ko ang mabagong fried chicken! Agad akong bumangon, nandito ako sa kama ni Gab. Sabi nya dito daw ako matulog. Nahihiya nga ako sakanya dahil sa sofa sya natulog samantalang ako nandito ang sarap ng tulog.

Mukha ngang hindi sya sana'y matulog sa sofa eh! Kaya nakonsensya ako CHAR!

Gusto ko lang talaga syang makatabi, tapos pag gising ko sa umaga naka yapos ako sakanya! Grr!

Agad akong nag brush ng ngipin at nag hilamos. Mabilis akong lumabas sa kwarto nya. Napangiti ako nung makita syang nag hahain ng pagkain sa lamesa.

Naks! Pwede na syang mag asawa at ako ang mapapangasawa nya! Char!

"Good morning!" Masayang saad ko ngumiti sya ng tipid. "Morning." Tinuro nya yung upuan sa harap nya umopo naman ako doon. "Parang gusto ko tuloy na dito nalang tumira." Pag bibiro ko habang sinasalinan nya ng kanin yung plato ko.

Lugi nga ako eh! Sakanya hotdog at itlog lang samantalang sa akin may kanin! Pero okey nayon! Na alam kung mahal nya ako, char!

"Sigeh live here." Nakangisi nyang saad nagulat naman ako pero agad rin akong tumingin sakanya ng mapang asar. "Huwag ako! Alam ko na yan! Sasabihin mo na ako ang mag luluto, juice colored! Grade 9 ako naka buo mg itlog! Sunog pa yung ilalim! Saka wala akong pera na pambayad ng condo mo! Nag iipon ako para sa papatayuin kung bahay nila Mommy!" Pround na saad ko. Nawala ang ngiti ko nung makita syang seryoso.

"Basta asawa na kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Nabilaukan ako sa sinabi nya. Inabot nya sa akin yung gatas kaya agad ko yung ininom! "Ang galing mong mag biro, ano?! Grabe muntik na akong maniwala!" Tumawa pa ako habang nakahawak sa puso ko.

Nang mag tama ang paningin namin ay nawala ang ngiti ko nung makitang seryoso sya. "No I'm not joking, I like you, I want you, I want you to be my wife, the mother of my child, I want you in my life, my world, I like you Yara." Nagulat ako sa sinabi nya. Gusto nya ako? At tinawag nya akong Yara? For the first time may tumawag sa aking Yara at hindi Yan or Marian.

Sa unang pag kakataon na tinawag nya ako sa isa kung pangalan ay biglang tumibok ang puso ko na gustong makawala sa dibdib ko. Sa hindi malamang dahilab parang gusto kung mag tatalon sa tuwa sa hindi malamang dahilan.

"MISS MENDOZA! What is Love?!" Napasinghap ako sa hangin sa gulat. Naka pangalumbaba kasi ako habang nakatingin sa white board. Bumalik lang ako sa realidad nung tawagin ako ni Prof Pinagpalit. Teacher namin sya sa Health.

Agad naman akong tumayo habang nakamot sa ulo. Nag sisigaw ang mga kaklase kung 'Go Yan! Sure akong alam mo yan!'. Napanguso nalang ako sa sinabi nila, paano ko naman malalaman ang love kung hindi naman ako nag mamahal? Hindi parin naman ako mag mamahal ng totoo.

Kahit maganda ako wala akong Ex, ano! Gusto ko kasi kapag ako mag kaka boy friend ay sya na at hindi na ako mag hahanap pa ng iba.

Nakakapagod kasing umulit sa umpisa tapos malalaman mo nalang na pinag kukumpara mo nalang sya sa bago mo.

Pero wait hindi nga ba ako nag mamahal? Hindi ko nga ba nararanasan yun? Sinasabi ng utak ko na hindi pero sinisigaw naman ng utak ko ay Oo. Ang gulo parang pag iibigan nyo.

"CLASS QUIET! MISS MENDOZA WHAT IS LOVE?!" Kamot ulo akong tumango, nakangiti parin si Ma'am sa akin. Yung mga kaklase ko naman ay nag aabang sa sagot ko ganon din si Margaux at Claire.

"Isipin mo si Gab yan habang sinasabi mo yung meaning ng love." Sinamaan ko ng tingin si Margaux.

"Oo nga Yan, kung ayaw mo si Gab si Jersey nalang!" Nakangising saad ni Claire sinamaan ko sila ng tingin.

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now