Chapter 14

743 28 7
                                    

Napataas ang kilay ko sa mga comment nila sa my day ko! Grabe ang sama nila! Lalo na nila Margaux!

margaline: Ay sanaol nag kakainan, este kumain sa labas.

jerseycake: Ay! Nakahanap na agad ng iba! Sana all, mabilis.

calvinklein: Ang sarap naman ng pagkain mo Yan, sa pagkain kangaba nasasarapan?

jirolim: Oy! Si baby boy may ginawang pagkain HAHAHAHA!

Napasapo nalang ako ng nuo ko at humiga sa kama. Wala si Claire nag out of town wala rin si Margaux kasama yung palagi nyang kaviodeo call.

At ako lang ang nandito sa bahay!

Natatakot ako at naiinis na ewan! Paano ba naman ako maiinis iniwanan nila lahat ng mga lalabhan, napaka gulo din ng bahay! Juice colored! Babae ba talaga mga kasama ko? Parang hindi eh!

Saka ang isa pa kaya ako natatakot dahil wala akong kasama! Paano ako mag lalabha nito?! Kung wala akong kasama! Takot panaman ako lalo na kapag wala sya! Chos!

Nakanguso akong bumangon, kinuha ko lahat ng labahan at sinilid sa basket. Kinuha ko yung wallet ko at lumabas ng bahay. Ipapa laundry ko nalang ito.

Naka suot lang ako ng pantulog na terno, kulay itim ito. Naka lugay rin ang mahaba kung buhok na hanggang hita, inim na inim ang buhok ko na akala mo ay rebonded! Naka suot din ako ng salamin, nag basa kasi ako sa watpad kanina.

Nang makapasok ako sa Laundry ni Bebang ay nakangiti nang bumungad sa akin si Bebang. Kaklase ko sya nung Grade 1, kaya ko natatandaan si Bebang dahil sya lang naman ang walang hiyang naka tae sa upuan ko. Bwiset.

"Mariana! Mag papalaba ka?" Nakangiting saad ni Bebang, ngumiwi naman ako ng sarkastika. "Ay hindi mag lalaba ako dito." Sarkastikang saad ko napanguso naman si Bebang at kinuha yung labahan ko.

"Ang sungit naman nito! Balita ko may boyfriend kana, LQ kayo no? Kaya masunget ka?!" Nakangising saad ni Bebang. Sinamaan ko sya ng tingin. "Kung magiging boy friend ko man yung crush ko, I wish!" Tumawa sya sa akin sabay hampas sa braso ko.

Itong babaeng ito isusumbong ko sya sa nanay nya kapag hinampas nya pa ako! Paano ba naman kasi binubulsa yumg binta kaya palaging nag babantay! At hindi lang yun! Tinataasan nya pa yung bayad! Tsk! Tinitipid nya pa nga yung downy sya ka breeze! Bwiset talaga itong babaeng ito!

"O sya kalahati nalang ibayad mo basta picturan kita! Para naman maraming mag laba dito este mag palaba!" Napa roll eyes ako. "Baka kamo para marami kalang mabulsa." Bulong ko sa hangin.

"May sinasabi ka?" Nakangiti akong umiling kay Bebang. "Wala tara picturan mo na ako!" Tumawa ito sabay hampas ulit sa braso ko.

Awatin nyo ako! Awatin nyo ko! May masasakal ako bebang ang pangalan!

"Ay sanaol no?! Malapit na kayong mag 11 M no?! Sana all nalang!" Ngumiti nalang ako at nakipag picturan sakanya. Hindi nga natapos ang picturan ng wala syang hampas sa akin!

Makalipas ang hampasan este plastikan este picturan ay nakalabas narin ako. Kamot ulo akong lumabas sa Laundry ni bebang. Feel ko kasi nadaya ako ng bruhang yun, eh!

Habang nag lalakad ako ay biglang nag ningning ang mata ko nung makita ko yung 7 Eleven. Tamang tama gusto ko mag Chocolate ngayon! I want Kitkat! Nakanguso akong pumasok sa 7 Eleven pumunta ako sa chocolate area.

Napanguso ako nung wala ng stock ng Kit Kat! Bakit wala?! Nakanguso nalang ako habang nag hahanap ng ibang chocolate. "Akala ko ba nag da diet ka? Why did you want a Kitkat?" Napasinghap ako sa hangin nung marinig ang pamilyar na boses.

Humarap ako sakanya habang naka hawak sa dibdib ko. Nakakunot ang nuo nya habang nakatingin sa akin. "Bakit mo alam na gusto ko ng Kitkat?" Nakanguso kung saad nag kibit balikat sya. "Cause I know?" Napairap nalang ako.

"Bakit kanandito? Sinusundan mo ako ano?!" Nakangisi kung saad tumango ito ng walang alinlangan kaya nagulat ako. "Yeah, nakita kita sa Balcony ko kaya sinundan kita. Bakit ka lumabas na gantong oras na gabi?" Parang tatay nyang tanong napanguso naman ako.

"Nag palaba kasi ako saka wala naman akong kasama sa bahay." Parang bata kung saad. Napataas naman ang kilay nya. "What? Asan yung pinsan mo? And your friend? Where there are?" Para naman syang pulis kung mag tanong at ako naman ang batang nawawala. Grabe! Feel ko tuloy mukha pa akong batang musmos!

Lalo akong napanguso. "Si Margaux nasa ka M.U nya! Si Claire naman may out of town sila nung jowa nya! Ang unfair diba kapag wala kang jowa?" Saad ko habang naka cross arms. Feel ko para akong batang pinag kaitan ng pag mamahal dahil binigay ng Mama nya yung candy sa naka babata nyang kapatid.

"Tsk, let's go!" Nagulat ako nung bigla nya akong hatakin. "H-hoy! Itatanan mo ba ako?! Pwede bang itext ko muna sila Mommy or si Manager Kla?!" Sinamaan nya ako ng tingin kaya napanguso ako.

"Shut your mouth or else I'll shut that using my mouth." Nanlaki ang mata ko sabay hawak sa bibig ko. Nakangisi naman sya habang hila hila ako.

Hindi ko tinakpan ang bibig ko dahil ayaw kung halikan nya ako, tinakpan ko ang bibig ko dahil hindi papala ako nag ba-brush! Juice colored sayang ng tyansing ko, gusto kung matikman labi nya ng hindi ako lasing!

Napakagat ako sa ibaba kung labi nung pumasok kami sa Elevator. Para ring pumasok kaya hindi awkward naging awkward lang dahil hawak nya na nga kamay ko hawak nya pa yung bewang ko.

Juice colored! Feel ko napaka swerte ko, ano bang ginawa ko dati at ganto ako naging kaswerte ngayon?!

Nang mag bukas ang Elevator ay syang pag labas namin. Nasa 4th floor ang Condo ni Gab kaya pala nakita nya ako kanina. Inferness, ha! Ang linaw ng mata nya! Naka salamin na ako lahat.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung makapasok kami sa condo nya. Doon nya binitawan ang kamay ko. "Seat." Para naman akong asong sunod sunuran sakanya. Umopo ako sa couch nya at binuksan yung TV para hindi awkward.

Nanood ako ng Barilan sa netflix nya alam nyo naman feel ko talaga kapag patayan! Lalo na kapag ang dahilan ng patayan ay pag ibig, yan ang gustong gusto ko. Char pero totoo.

"Here." Napahawak ako sa puso ko nung bigla syang tumabi sa akin at may inabot. May distansya syang tinira sa gitna namin. Nag ningning ang mata ko nung makita ang isang balot na Kitkat.

Dahil sa tuwa ko ay napayakap ako sakanya saka ko nalang narealize na naka yakap ako nung biglang may nag 'Sana all' sa TV dali dali akong humiwalay sakanya.

Kinuha ko yung balot ng Kitkat at tarantang binuksan ito napanguso ako nung marinig ko ang bungisngis nya. "Don't do that in someone else okey?" Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. "Na ano?" Inosente kung saad sabay kagat sa Kitkat.

"Na mangyayakap ka kapag masaya ka. Gusto ko sa akin lang sa akin kalang magiging masaya" Napatango nalang ako sakanya narinig kung may binulong sya pero hindi ko masyadong maintindihan.

Nang matapos akong makikain ng chocolate ay ngumiti ako sakanya. Napanguso ako nung tumawa sya. "Uuwi na ako tawa tawa kapa dyan." Parang batang saad ko tumawa lang sya.

Lalo akong napanguso nung kinurot nya pisnge ko. "Hindi ako cute maganda ako!" Inunahan ko na sya. Natawa nalang ulit sya sabay iling. "Yeah, your not cute cause your beautiful." Napanguso ako dahil sarkastika ang pag kasabi nya

Hahampasin ko sana sya dahil nahawa ako kay Bebang kanina pero napatigil ako sa pag hahampas sakanya nung dugtungan nya yung sinabi nya. "Lalo kang gaganda kapag ikaw naging reyna ng mundo ko." Napaiwas ako ng tingin, sa tingin ko namumula ako. Shit.

Agad akong tumayo. "U-uwi na ako, gabi na inaantok narin ako." Kagat labi kung saad. Nakaka ilang hakbang palang ako pero napahinto ako nung hawakan nya yung pulupulsuhan ko kaya napa subsob ako sa dibdib nya.

Shit. Ang tigas. Ang tigas ng katawan nya. Alaga yata sya sa gym sana all.

"Stay, stay here, stay with me."

****

It's 8:40 pm na po ng December 16, 2020! Ang aga namin kumain kaya ito naka higa na kami. Skl lol HAHAHA! Night, night mga babies!

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now