Chapter 24

578 18 6
                                    

"Daan mo na tayo, SM molino, ha?" Saad ko habang nag ML, tumango lang sya sa akin at abala parin sa daan. Nang manalo kami at MVP ang walangyang Jersey ay inis kung tinago yung phone ko.

May ipag mamayabang nanaman ang bwiset nayon!

Nandito kami ni Gab sa kotse, syempre OTW kami papuntang Cavite. Kahit malapit lang ang Molino sa Maynila ay matagal parin ang byahe lalo na kapag wala kang sariling sasakyan.

Niyakap ko si Panpan na binigay ni Gab akala ko galing sya sa binigay nya yun pala ay hindi. Binili nya ulit. Ang dami ding pera ng lalaking ito, eh! Ang sarap nyang gawing asawa, eh! HAHAHA hindi kasi pwede sugar daddy mawawalan ng sugar, eh! Kasi daddy ko sya!

Napataas ang kilay ko nung mag ring ang phone ni Gab. Tiningnan ko yung screen ng selpon, lalong napataas ang kilay ko nung makita ang pangalan ni Erika. Napairap nalang ako at inis na tiningnan yung bintana.

Napalingon ulit ako kay Gab at irita syang tiningnan nung hindi nya yun sinasagot. Nang iinis ba sya o ano? Parang gusto ko syang ihagis papuntang ibang bansa kasama yang pesteng Erika nayan. "Hindi mo ba sasagutin? Nakakainis yung tunog, eh." Mataray na saad ko, narinig ko ang pag tawa nya ng mahina.

Anong nakaka tawa? Walang nakaka tawa lalo na kapag naiinis ako!

"Hoy sagutin mo yang tawag nayan?" Hindi parin sya nasagot nakatingin parin sya sa daan, habang nahagikhik ng tawa. Tuwang tuwa talaga syang inisin ako no! "Hoy sasagutin mo ba o hindi?!" Tumingin sya sa akin na inosente habang nakangisi.

"What? Wala naman akong naririnig, eh. Ikaw ang nakaka rinig kaya ikaw ang sumagot." Nakangisi nya akong tiningnan inis ko syang inirapan. Napapikit ako sa inis nung hindi nya parin sinasagot ang tawag. "GABRIELLE!!" Tumatawa tawa lang sya sabay tango.

"Fine sasagutin na po kamahalan." Inirapan ko sya nakita ko sa peripheral vision ko na nakangisi syang sinagot yun. Abay nang aasar talaga ang lalaking ito, ha! Gustong gusto nya makita yung itsura ko kapag nag seselos ako doon sa babaeng yun!

Humanda talaga ang lalaking ito sa akin kapag dinumog ako ng mga lalaki ko! Syempre fans kung lalaki, fanboy ba! Hmp! Kapag talaga nya ako inaway o saktan ipapa bugbog ko sya sa mga kaibigan kung taga borax, hicban, detachment, bayanan, green valley! Basta lugar yan sa amin somewhere sa Cavite!

Only taga soldiers lang ang makaka alam!

"Yeah, OTW in Cavite." Walang ganang saad ni Gab. Napataas ang kilay ko habang naka cross arms. Ano bang pinag sasabi ni Erika Smith sakanya? Jowa ba sya? Jowa sya! Bakit nya tinatanong kung asan si Gab? At bakit din naman ni Gab sinasagot? Sabagay may nag tanong kaya kailangan nyang sagutin.

Pero hellow! Ako ngang jowa sya hindi sya tinatanong kung asan sya, eh! Yung babaeng may gusto sakanya nag tatanong?! Anak ng pukeng ina ng kambeng ano?!

"Hm, kasama ko sya, why?" Walang ganang saad nya. Ramdam na ramdam ko na inaantok na sya. Aish! Dapat pala pinapahinga ko muna sya, eh! Napakawala naman akong kwentang girlfriend! Hindi ko sya pinahinga, pina drive ko pa sya!

At tela nga? Anong kasama ko sya? Feel ko isa akong pakining na kabet tapos alam ng tunay na asawa na buntis ako! Kaya kailangan ng asawa nya nh obligasyon! Bwiset, isa pa talaga! Isa pa ipapa bugbog ko yang babae nayan sa mga kakilala ko dyan sa korea!

"K, take care." Napairap nanaman ako nung naka park na sya ay agad kung sinuot yung shade ko. Nag cup din ako ng kulay itim. Naka suot ako ngayon ng over sized t-shirt kapartner nun ay short syempre.

Ang sabi ni Gab pwede daw akong mag short basta daw mag over sized ako! Ang sarap nyang tadyakan ano? Kaya nga pag sho-short eh! Tapos ito pa hindi daw pwedeng naka takin kung tinakin ko daw yun ay hindi nya na ako papansinin!

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now