Kabanata 34

4 8 0
                                    

34: Tunay na Pag-ibig
(Unang Pagsuyo)


"PAPASOK ka na ba sa opisina?" Nabaling ang pandinig ni James kay Veronica pero hindi niya ito tinitignan.

Aminadong galit siya kay Veronica. May dahilan siya para magalit. Ano? Iniwan siya ni Veronica ng walang paalam. After how many months, muli siyang nagpakita.

At mahirap palang na ipaunawa sa isip ni James ang lahat.

"Oo." Sagot ni James. Ngimiti naman si Veronica. Batid niyang hindi gustong makipag-usap sa kanya ng binata. Dama niyang hindi siya nais makita ng binata.

Batid niyang hanggang ngayon ay naguguluhan parin ito sa pagdating niya. Naiintindihan ni Veronica ang pagakamuhi (galit) sa kanya ni James lalo na't kasalanan niyang iniwan niya ang binata.

Napabuntong hininga nalang siya at lumabas ng silid-kainan at nagtungo sa jardin kung saan nakakaamoy siya ng halimuyak ng mga rosas at kung ano mang mabangong bulaklak.

Kahit papaano ay nagiginhawaan siya. Kahit papano ay nakakapag-isip siya ng mga bagay na dapat niyang gawin para makausap ng masinsinan ulit si James.

Maya-maya pa ay nagbalik siya sa loob ng mansion. Naabutan niyang nag-aayos ng manggas si James habang pababa at hawak ang gamit nito sa loob ng isang bag na itim.

Lumapit siya sa binata at inagaw ang kamay nito. Inaayos niya ang kamay ng tuxedo nito.

"Hayaan mong ako ang mag-ayos ng kasootan mo. Ngayon ko lang napagtanto na kay guwapo mo pala lalo sa ganitong kasuotan."

Napairap sa hangin si James.

"Don't sugarcoat your words just to make me feel happy because I feel opposit of it." Inagaw niya ang kamay nito. Napatahimik nalang si Veronica. Hindi nalang siya muling nagsalita.

Bumuntong hininga si James at iniwan si Veronica sa paanan ng hagdan. Lumingon naman si Veronica sa kanya.

"Mag-iingat ka, James." Bagaman wala na siyang lakas sabihin pa ang mga yun ay pinilit niyang ibigkas ang mga iyon. Hindi na muling lumingon pa si James hanggang sa narinig nalang niya ang paglayo ng kotse nito.

Dahil wala ang Senyora sa mansiyon at naroon siya sa kanyang trabaho. Tanging mga katulong o mga tagapagsilbi ang kasama niya sa mansion ay nababagot siya.

Nagtungo siya sa kanyang silid at napatigil sa salaping iniwan ni Senyora kung sakali mang mayroon siyang gustong bilhin. Napagdesisyunan niyang bumili ng bagong saya na naisin niya sa isang pamilihan.

Nagbihis siya ng sayang puti na may mahabang manggas at lampas hanggang tuhod na saya. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok hanggang sa bewang ito.

"Manang Guwi?" Tawag niya sa mayordoma nila. Lumabas naman mula sa kusina ang matanda habang magbula pa ang mga kamay. Magiliw na ngumiti ang matanda sa kanya.

"Ano po yun, Madame?"

Napangiti si Veronica.

"Naku! Napakaganda mo naman, Madame. Bagay na bagay talaga kayo ni Sir James." Natatawang umiling nalang si Veronica.

"Bibili ho sana ako ng bagong saya sa pamilihan, sino ho bang pwede kong isamang tagapagsilbi rito?"

"Ako na lang ho, Madame." Napalingon naman siya sa dalagang si Nika. Nagpupunas ng pawis. Maganda at balingkinitan ang pangangatawan nito.

"Tapos na ho ako sa mga gawain ko. Kung nanaisin niyo po ay ako nalang ang sasama sa inyo sa Mall." Magiliw na sabi ng dalaga. Napatango naman si Veronica.

Unending Love | Season's Birth : Season Series #1  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon