Kabanata 35

7 8 0
                                    

35: Tunay na Pag-ibig
(Huling Pagsuyo)


MAAGANG nagising si Veronica. Nagpatulong siya sa paghahanda ng kakainin ni James para sa agahan. Bacon, fried rice, fried egg at brewed coffee. Isinalansan niya yun sa tray. Madilim pa sa labas.

Sa tingin niya ay ilang minuto pa bago pumutok ang araw. Pumasok siya sa silod ni James. Mahinbing parin siya natutulog. Nakatagilid ito at nakapatong ang ulo sa likod ng palad niya. Nababalutan din siya ng makapal ng comforter.

Inilapag niya ang tray ng pagkain sa study table nito. Maayos kagaya ng dati at masinop sa gamit si James. Dahan-dahan siyang nagtungo sa harap ni James ay hinaplos ang noo nito hanggang sa padausdusin niya ang hintuturo sa pisngi nito..

"Gumising ka na, James." Nakangiting sabi niya. Mayamaya pa ay nagmulat na ang mata ng binata. Nagising siya sa mahinang haplos sa kanyang pisngi. Itinago niya ang ngiti sa pamamagitan ng pagkunot ng noo.

Iniisip niya, kay sarap siguro ng magising na mabungaran ang magandang mukha ng dalaga. Napabuntong hininga nalang si James at bumangon.

He sat on his bed. Veronica get the tray of food for James. James just look at her and rolled his eyes.

"Pwede ka nang umalis. Magbibihis na ako. Salamat sa paggising sakin."

Nakangiti parin si Veronica kahit nangangawit na ang panga. Hindi kasi siya sanay na nakangiti kahit kanino simula ng mamatay ang mga magulang niya.

Samantalang ang hirap para kay James na iwasan ang dalaga. Miss na miss na niya si Veronica. Ngunit hahayaan muna niyang suyuin ng dalaga. Lalo na at nasisiyahan siyang bumabawi sa pagkakamali niya ang dalaga.

Siguro panahon na para dinggin ang paliwanag ng dalaga. Kaya matapos niyang naligo at nagbihis, kumain muna siya bago lumabas ng silid dala ang tray ng pagkain. Nilapag niya yung sa sink.

Napansin ni Manang Guwi na lingon ng lingon si James.

"May hinahanap ka ba Señorito?"

Tumikhim si James at bumaling kay Manang Guwi.

"Nakita niyo ho ba si Veronica. She's nowhere to be found. I can't see her here."

"Baka pagod na pong sumuyo sa inyo, lalo na at halos isang o dalawang linggo mo na siyang binabalewala."

Natigilan siya sa sinabi ni Manang Guwi.

"Siya nga pala, Señorito. Nasa pool po si Madame Veronica. Nagpapaaraw daw ho. Napansin kasi namin ni Nika na maputla pala si Madame, putlang bagay sa kanya."

Nakangiting sabi ni Manang saka siya tinalikuran. Bigla ay parang nagsising hindi niya pinansin o pinatagal pa niya ang pagsuyo sa kanya ng dalaga.

Tumakbo siya hanggang sa makit niya si Veronica na nakaupo sa gilid ng pool. Nakasawsaw ang kanyang paa habang nakapikit.

"She really look like a goddess."

Lumingon sa kanya si Veronica. Hindi na gaya ng dati, hindi na nakangiti sa kanya ang dalaga. Hindi na siya nito binati. Hindi na siya nito pinuri.

Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ni James. Nag-aalangan siyang tama ang sinabi ni Manang Guwi na pagod na nga si Veronica sa pagsuyo sa kanya.

Dahan dahan siyang lumapit sa dalaga at walang pakundangan niyang niyakap hanggang sa parehas silang nahulog sa pool.

"Ahhh!" Malakas na sigaw ni Veronica dahil binalot ng lamig ang katawan niya. Nakayakap sa kanya si James.

"I'm sorry." Yun ang unang sinabi ni James.

Unending Love | Season's Birth : Season Series #1  [COMPLETED]Where stories live. Discover now