Panimula

333 22 1
                                    

00: Panimula

NANAISIN mo ba na makilala ang mundo na nababalot ng mahika? Mundong mayroong batas at Reyna? Mundong umiikot sa pagkakasala at walang hustisya?

Sa mundong puno ng mahika at hiwaga. Sa mundong puno ng mga nilalang na may taglay na lakas at kapangyarihang kakaiba sa lahat. Ang mundong ito ay ang SAFFYXON.

Ito ang mundong may nilalang na may mababangis na pangil at naglalagablab ng mata. Sila ay ang mga Bampira. Sila ay nakatira sa Saffyxon Aliazar.

Sa kabilang dako naman ng Saffyxon ay ang mga may mahiwagang salita at katangian. Sila ay ang mga Diwata. At sila ay nakatira sa babayin ng Saffyxon Etuas.

Kung kamangha-manghang mga kamay at patpat ng mahika. Sila ay ang mga Salamangkero at Mangkukulam. Saffyxon Vanazon ang kanilang pamayanan.

Sila naman ay mga nilalang na nangangalaga sa dagat sa buong Saffyxon. Sila ang mga Serena. Sa ilalim ng dagat ay mayroon silang bayan. Ito ay Saffyxon Crixozin.

Saffyxon Feirhaz, iyan ang bayan ng mga nilalang na may angking bilis ng hangin. Isa silang mga Lobo.

Ang ika-anim na bayan at nilalang ang siyang nangangalaga sa kagubatan at sa iba pang mga halaman sa buong Saffyxon. Sila ang mga Nimpha. At ang teritoryo nila ay Saffyxon Zacrux.

At ang dakilang bayan sa buong Saffyxon. Ito ang dakilang bayan ni Bathaluman Venus. Ang dakilang bayan ng Reyna ng buong Saffyxon. Ang bayan ng mga Diyos at Diyosa. Ang bayan ng tagapagmana at maharlika. Ang bayang ito ay Saffyxon Lantiaxa. Bagaman ako ang pinaka-huling Diyosang Reyna.

At ito ang SAFFYXON ang mundo kung saan ang bawat nilalang ay makapangyarihan. Ito ang mundo ng mga immortal.

Sa mundo ding ito nabubuhay ang mga batas na napakaimpossible sa bawat buhay ng nilalang. Mga batas na mas ninais talikuran ng lahat sa kadahilanang hindi makatarungan.

At sa mundong ito, isisilang ang mga nilalang na nabago sa batas. Batas na siyang magpapalaya sa lahat. Araw na matagal na hinihintay na mangyari ng lahat.

To be continued. . .







🥀Before proceeding to the next chapter. Kindly, VOTE and leave a COMMENT. Follow me too! Kamsahabnida!

Leanna Avys | Lady_Avys

Unending Love | Season's Birth : Season Series #1  [COMPLETED]Where stories live. Discover now