Kabanata 01

203 21 0
                                    

01: Batas

Kasing tamis ng pulot ang simoy ng hangin na nagmula sa karagatan ng Saffyxon. Itinatangay nito ang kanyang itim at may hiblang gintong buhok. Habang ang kanyang mga asul na mata ay nakatingin sa naglalagablab na liwanag na tinatawag na araw.

Pinagmamasdan niya ang mga malayang ibon na umaawit at itinatangay ng hangin ang nota ng kanilang sinasambit na musika. Humahalina ang musika na likha ng ibon sa kaniyang mga tenga. Tila isang engkantasyon na sinasambit ng mga diwata sa tuwing sila'y nagagalak.

At ang mga bulaklak sa hardin na nagsisilbing palamuti ay kumikinang sa repleksyon ng sinag ng papalubog na araw. Nasa kaniyang likuran naman ang payapang kagubatan ng maribeles.

Habang kaniyang isinasalaysay sa kaniyang isip kung gaano kaganda ang mundo, siya naman ay nakatindig at bahagyang nababasa ng maliliit na alon ang kaniyang mga paa. Nakatayo siya kasama ang sinta ng kaniyang buhay, ang kaniyang iniibig at kapwa sila magkayakap.

"Malapit na ang dilim, aking reyna. Kailangan na nating bumalik sa palasyo upang makapagpahinga ka na." Saad ni Lucas at hinagkan ang tuktok ng kaniyang ulo. Sa simpleng galaw lamang niya ay tila maawawalan siya ulirat.

"Kapag naisilang ko na ang ating tagapagmana, gusto kong hawak niya ang direksyon ng hangin at siya ang batas ng lupa. Gusto ko na siya ang magpaamo sa dagat at humawak ng araw." Nangingiting marahang sambit niya.

"Ibig mong sabihin ay nais mo siyang maging kagaya mo? Hawak ang elemento ng hangin, lupa, tubig, at apoy?" Tumango siya at isinandalang kaniyanb likod sa dibdib ni Lucas.

"Gusto ko rin siyang maging maganda siya. Gusto ko rin siyang maging matalino at hindi pa dalos-dalos sa kanyang desisyon." Bahagyag humalakhak si Lucas.

"Matalino ako at magaling magdesisyon." Pagmamayabang niya sa kayang sarili.

"Sana ay hindi siya maging kasing yabang mo."

"Hindi kaya ako mayabang!"

"Mapagmataas ka kaya."

"Hindi kaya! Nagsasabi lang ako ng totoo!"

"Hangal! Mag mo akong sigawan!" Napatawa nalang silang dalawa.

Sa limang daanh taong pagsasama nilang dalawa ay ngayon lang sila biniyayaan ng sanggol. Mag-i-isang libo at limang daan taon na siya at magdadalawang libong taon naman si Lucas.

Balang araw, makikita narin ng buong Saffyxon ang susunod na tagapagmana. Ang susunod na reyna at sasanayin ng iba pang Diyosa at Diyos. Sasanayin ng mga hukom at mga kapitan ng mga hukbo at kawal.

"Balang araw, magiging kasing ganda mo ang magiging anak natin. Balang araw, magiging reyna siya kagaya mo. Balang araw, magiging makapangyarihan siya at may iisang salita."

Ilang pang minuto ay bumalik na sila sa palasyo. Naghapunan at namahinga sa dakilang silid para sa Reyna at ang Hari. Bagaman hari si Lucas ay mas sinusunod ang reyna. At ang pinuno ay reyna, sapagkat siya ang magbibigay ng tagapagmana.

Nakahiga siya at sa tabi naman niya ay si Lucas na hinahaplos ang umbok ng kaniyang tiyan. Masaya rin silang dalawa na masilayan ang kanilang magiging prinsesa. Ang magiging munting Diyosa ng palasyo.

"Dalawang buwan na lamang, makikita ko na, makikita na natin ang bunga ng ating pagmamahalan." Bulong ni Lucas sa kaniyang tenga.

"Sa ika-anim na buwan ngayong taon ang pasilang ko sa kanya. Sa ika-itim ng buwan."

"Sana ay gabayan siya ng Diyosa Venus."

"Ipanalangin mo kung ganon." Sagot naman niya.

"Magpahinga ka na aking Reyna. Sapagkat kinabukasan ay pamamahalaan mo na naman ang mahal mong mundong ito."

Unending Love | Season's Birth : Season Series #1  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon