Kabanata 17

6 6 0
                                    

17: Bagong Hukom

° • ° • ° • °

NAKATAYO si Veronica sa harap ng kanyang trono. Nasa kanyang paanan ang mga ika-limang pursyento ng ani ngayong taon. Ito ang huling buwan ng taon. Ang lilang buwan. Taon taon ang gamitong pamamalakad ng Lantaxia.

Tatlong buwang ng nawala ang kanyang matalik na kaibigan. Lagi siyang bumibista sa kanyang mag-ama. Maayos na ang pakikitungo sa kanya ng mga Vampys.

Humahangos at pawis na pawis na tumakbo si Heart at Sonaya papasok sa bulwagan.

"Mahal na reyna!"

"Matutuwa ang reyna panigurado!"

"Tiyak iyan."

"Oh gosh!"

"Makakaalis na kayo." Natigilan ang dalawa sa tinuran ng reyna.

"Biro lang naman iyon, Inang reyna." Siniko siya ni Heart.

"Parating ang karwahe ng batang Vampys."

"Mukhang mag-isa lang niya."

Napatango ang reyna at bumaba sa trono. Isinenyas niya ang pagkuha sa mga naani sa taong ito. Sapat na upang mabuhay ang mga nasa palasyon ng kalahating taon.

Naglakad siyang nauna at nakasunod sa kanya ang dalawa. Ibinukas ang pinto ng bulwagan ng palasyo. Umupo siya sa pinakasentro ng upuan sa hapag. Kasabay ng pasimsim niya ng kanyang kopita ay ang pagpasok ng batang Vampys. Sa tuwing nakikita niya ito ay nakikita niya ang ganda ng kanyang matalik na kaibigan.

Siguro ay labis na pangungulila ang kanyang nadama. Nagulat nalang siya ng yakap pala niya ng mahigpit ang anak ni Fynn.

"P-pagpasensyahan mo na ako. Lubos lamang akong . . . nangungulila sa paglisan ng . . . Ina mo." Tumango si Franzia at hindi umimik. Umupo si Franzia sa kanang upuan malapit sa reyna at sa harap niya si Heart, sa tabi naman ni Heart ay ang isang mangkukulam na kasama rin nilang dumating sa mansiyon nila.

"Ano nga pala ang sadya mo rito?" Tanong ng reyna sa kanya ng maibaba niya ang kanyang kopitang may lamang alak. Ipinagsalin siya ng mataas na uri ng dugo ng isang tagapagsilbi. Uminom muna siya bago niya nilingon ang reyna.

"Iniwan ko si Ama sa bahay. Halos sa bayan na rin naman siya namamalagi. Doon sa Opisina ng buong Aliazar siya namamalagi."

Nagbaba siya ng tingin at huminga ng malalim.

"Napakasakit mawalan ng Ina. Alam niyo iyon, mahal na reyna. Hindi niyo ako masisisi kung ikaw ang sisisihin ko sa mga nangyari ngunit alam ko na ang dahilan, sadyang mahirap lang tanggapin iyon." Suminghot siya at pinunasan ang kanyang mga luha. Nagkatinginan pa ang dalawang nasa harapan ng Vampys at tinignan ang reyna na seryosong nakikinig sa bata.

"Nananalaytay ang dugo ng Ina ko sa akin. Bilang anak niya ay... gusto kong maglingkod sa reyna . . . na minsan ng pinaglingkuran ng aking Ina."

Matagal na katahimikan pa ang namayani sa loob ng silid. Dito rin idimadaos ang kainan kung may mga bisita lalo na kung ang mga hukom iyon. Simula ng matalo ang bathala at magwakas ang digmaan ay hindi na muling nakita ang apat na hukom bagaman ang reyna ang nagsasabing naka-agapay lamang sila. Samantalang iba na ang nakaluklok sa ikapitong trono ng hukom.

"Hindi ko maintindihan." Sabi ng reyna. Napatingin sa kanya ang bata.

"Gusto kong pagsilbihan ka gaya ni Ina."

"Gusto mong maging isa sa mga pinuno ng hukbong kinabibilangan ng Ina mo?"

Bahagyang napataas ang boses ng reyna kung kaya't nahigit nila ang kanilang mga hininga.

"Wala ka pa sa tamang gulang!" Hinampas ng reyna ang lamesa.

"Ngunit--"

"Paano kung ginawa kitang pinuno? Pero ang nakatakdang posisyon mo ay susunod na pinuno sa bayan mo? Kalapastangan iyon sa bathalumang nagtatakda!"

Huminga ng malalim ang reyna at itinaas ang kanyang kamay na para bang sumusuko na.

"Paumanhin, hindi ko sinadyang magtaas ng boses sa harapan ninyong lahat. Ang gusto ko lang sabihin ay . . . masyado ka pang bata at ayokong isipin ng lahat na inaabuso kita . .  "

Malumanay ngunit may diin ang kanyang mga salitang binigkas.

"Naiintindihan ko po . . ." Halos bulong na sagot ni Franzia. Tumayo ang reyna at lumapit sa bata. Pinagpantay niya ang kanilang paningin at hinaplos ng reyna ang kanyang basang pisngi.

Ito iyong pakiramdam na lagi niyang nararamdaman sa tuwing magtititigan sila ng kanyang Ina. Pakiramdam na para bang lagi siyang ligtas sa piling niya. Pakiramdam na para pang walang mananakit sa kanya. Ang mga kislap ng mga mata ng reyna ay para bang sinasabing 'kakalingain kita'.

"Hihintayin natin ang iyong ika-labing walong kaarawan. Ibibigay sa iyo ang iyong tadhana. Habang hinihintay natin ang dalawa pang mga taon. Sasanayin ka namin sa ilalim ng hukbong pinangalagaan ng iyong Ina."

Humagulgol ang bata sa kanyang harap at isinubsob nito ang kanyang mukha sa tiyan ng reyna.

"Tatanawin ko itong malaking utang na loob, aking reyna."

Pagsapit ng dilim ay nakatulala si Franzia sa harap ng lawa sa likurang parte ng hardin ng palasyo. Nagliliparan ang mga alitaptap at maririnig ang sari-saring mga ingay mula sa ihip ng hangin, paghampas ng alon sa dalampasigan, ang mga huni ng insekto galing sa kabundukan at ang pag-agos ng tubig mula sa lawa na siyang nangdidilig sa halaman ng hardin.

Habang sari-saring mga pangyayari ang nasa paligid ni Franzia, sari-sari ring emosyon at sari-sari rin ang kanyang iniisip. Sa sobrang dami ay natutuwang marinig ng reyna mula sa kanyang pagpasok sa isip ng bata. Nakatanaw naman ang reyna sa balkonahe ng kanyang silid mula sa ika-apat na palapag ng palasyo.

Muling narinig ng reyna ang paghinga ng malalim ng batang bampira. Nasisisiyahan siya na sa bata o murang pag-iisip ay naiintindihan na niya ang nga bagay na hindi normal. Ngunit likas na matalino nga ang mga bampira. Dahil narin, triple ang kanilang pag-iisip kumpara sa normal na nilalang. Pumapangalawa sa lawak ng pag-iisip ang mga lobo, sunod ang mga diwata, mga salamangkero, serena o sereno, at nimpha.

Magkasiklop ang kanyang mga palad ang ang mga siko ng reyna ang siyang suporta niya sa pagdungaw. Nagulat siya ng biglang may anino sa harap ng Vampys. Maya-maya ay sumigaw ito at nahulog sa kinauupuan. Nag-aalalang tinakbo niya ang mga hagdan at dali-daling ibinangon ng reyna ang namimilipit sa sakit na batang bampira. Hawak nito ang kanyang kanang leeg na nagliliwanang.

Tinanggal ng reyna ang palad ni Franzia na tumatakip sa leeg nito. Nasa likod niya sina Sonaya at Heart. Pare-pareho silang nagulat sa nakita nila sa leeg ng bampira. Napasinghap ang reyna ng unti-unting nabuo ang isang simbolo sa leeg ng batang Vampys.

"Ang simbolo ng pagka-hukom."

To be continued. . .








🥀Before proceeding to the next chapter. Kindly, VOTE and leave a COMMENT. Follow me too! Kamsahabnida!

Leanna Avys | Lady_Avys

Unending Love | Season's Birth : Season Series #1  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon