CHAPTER 11 📖📖LIBRARY📖📖

92 8 0
                                    

Justin Kurt POV

Natapos na ang klase namin sa araw na ito. Nagpaalam ako kay Josh."Bro punta lang ako Library "

Cge bro una nalang kami sa dorm.

Nasa library na ako at hinahanap ang history section doon. Nakita ko naman ito at naghanap ng libro. Kinuha ko lahat ng history book tungkol sa nangyari 18 years ago.

Isa isa ko itong binasa at marami din akong nalaman ng dahil sa aking pagbabasa.

Mayroon palang 14 kaharian ang Magia World magkakasundo ang mga kaharian noon at malalapit na magkakaibigan ang mga hari at reyna ng bawat kaharian. Matiwasay silang namumuhay noon

Ang Fire Kingdom ay matatagpuan sa timog na bahagi ng kaharian ng Elemental. Pinalilibutan ito ng mga bulkan kayat napakainit sa kahariang ito maliban nalang kung ikaw ay fire user ay makakayanan mo ang temperatura ng lugar.

Ang Water Kingdom naman ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Elemental kingdom.Nakatayo ang Kaharian sa ilalim ng karagatan. Mga mermaids and merman ang mga taga-rito.

Ang Air Kingdom naman ay matatagpuan sa itaas ng hilagang kanluran ng Elemental Kingdom. Nakalutang ang kaharian na ito.May mga pak-pak naman ang mga naninirahan dito.

Sa hilagang bahagi naman ng Elemental Kingdom matatagpuan ang Ice Kingdom. Kung ang Fire Kingdom ay mainit ang Ice Kingdom naman ay sobrang lamig. Palaging nagyeyelo ang paligid ng kaharian.

Samantalamg ang Earth Kingdom naman ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Elemental Kingdom.Dito nanggagaling ang mga pagkain ng ibat-ibang kaharian.Napapalibutan naman ito ng kagubatan.

Ang lightning kingdom at light kingdom naman ay matagal ng nawala dahil sa digmaan na nangyari 18 years ago at nasira ito at nabura ang mga kahariang ito.

Ang lightenians ay mga healers. Isa ito sa kanilang ability bilang light user. Akala ng ibang kaharian na wala ng natira sa lahi nito ngunit napag-alaman ng hari at reyna ng Elemental Kingdom na nakaligtas ang prinsesa ng Light KIngdom ganun din ang Lightning Kingdom kayat pinahanap nila ito.

Sa kasamaang palad ang nahanap lang nila ay ang Prinsesa ng Light Kingdom walang iba kundi si Princess Amethyst Natalie Spark at patuloy paring hinahanap ang nawawalang prinsesa ng Lighting Kingdom.

Ang Vampire kingdom ay matatagpuan malapit sa border ng DRakia Kingdom kayat madali itong nasakop ng Drakia Kingdom.

Hindi sila yung typical na bampira na takot sa liwanag. May maputing balat na parang hindi naarawan. Yung pangil nila ay lumalabas lang permanente sa tuwing kabilugan ng buwan dahil mas malakas sila sa mga panahong ito. Katulad ng tipikal na bampira sila ay maliliksi.

Ang Fairy kingdom naman ay matatagpuan sa Enchanted  Forest. Sila din ay mga guardian. Kung ano ang kapangyarihan ng master nito ay katumbas ito sa kanila at yun ang magiging guardian mo.

Ang Dark Kingdom naman ay ang kasalukuyang Drakia Kingdom. Inagaw ito Ni King Dark mula sa Ama ni Selena sa siyang hari noon at binago ang pangalan nito at ginawang Drakia Kingdom.

Katulad ng vampire Kingdom mas nauna nasakop ang Witch Kingdom at ito ang tumulong sa Drakia na manalo sa mga labanan dahil sa mga potion na gawa ng mga witch at mga spell nito.

Ang warewolves kingdom naman ay bigla ding nawala ng matalo ng mga Drakinian ang Kaharian nito samantalang ang iba ay umanib din sa Drakia Kingdom.

Yon ang aking nalaman sa mga librong aking binasa.

Ibinalik ko na ang libro sa mga pinagkuhaan ko. Naibalik kona ang huling libro sa piniglagyan nito ng mahagip ng aking mga mata ang libro na umiilaw sa pinakadulong bookshelf. Nasa pinakasulok ito nakalagay na hindi gaanung napupuntahan ng mga estudyante dahil sobrang luma na ng mga librong andito.

Pinuntahan ko iyon at kinuha.

Ang title ng libro ay The Unknown Kingdom binuksan ko ito ngunit walang nakasulat.Kinuha ko ito at pumunta sa librarian upang ipagpaalam na hihiramin ko ang libro. Maliit lang ito parang notebook at tama lang ang kapal nito.

Pinakita ko ito sa librarian. Kinuha nya ito at may hinahanap ito sa record book ng library.

Hindi ito dito na libro iho baka may nakaiwan lang dyan.

Salamat po. Ako nalang po ang magtatago nito. Nilagay ko ito sa aking bag at bUmalik na ako sa dorm.

❇️❇️END OF CHAPTER❇️❇️

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon