CHAPTER 46 😟GONE😟

66 5 0
                                    

SOPHIA POV

Hindi pa namin nakikita si Justin simula nung Sabado. NAg-iwan ito ng sulat sa amin na may pupuntahan siya at babalik kaagad. Subalit ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ito bumalik. Tinanong na namin si HM Rex kung alam niya kung nasaan si Justin subalit ni siya ay hindi niya alam. Nagpaalam lang ito sa kanya na may gagawin sa labas ng Academy at babalik agad.

Pinapahanap na siya nina Mom at Dad sa ibat-ibang sulok ng mundo pati sa mortal world ngunit walang Justin kahit saan na nakita.

Nag-alala ang mga hari at reyna dahil baka kinidnap ito ng mga Drakinians. Nagsisi nga si HM Rex dahil pinayagan niyang lumabas si Justin at binilin sa kanya ang kaligtasan ni Justin.

Justin nasan kaba? mag-iisang  Linggo ka nang hindi namin nakikita. Ano na ang nangyari sa iyo?

Simula noong Sabado ay hindi maganda ang panahon biglang iinit,uulan..kukulog ng malakas at kikidlat. Palaging makulimlim ang kalangitan.

Lahat kami ay hindi mapalagay dahil kahit cold si Justin ay tinuring naming lahat ang isat-isa na kaibigan. Sana nga ay nasa mabuting kalagayan si Justin.

Ayon naman sa aming mga fairy guardian ay umalis din daw ang kanilang Hari at Reyna noong Sabado. That means kasama lahat ni Justin ang kanyang mga guardians.

Sabi ng mga matatanda noon kapag ganito daw ang panahon ay may nangyayari sa mundo ng mga Diyos at Diyosa.

Tahimik na tahimik ang buong dormitory hindi namin magawang ngumiti. Mukhang namatayan ang buong dorm.Sa sobrang tahimik. Napansin iyon ng mga estudyante dito na iba ang atmosphere namin kumpara noon.

Hapon na ngayon. Hindi kami kumain ng lunch dahil wala kaming gana kumain.Nagmokmok kami lahat sa sarili naming mga silid.

Bigla naman akong nakaramdam ng napakalakas na aura mula sa loob ng kwarto ni Justin. Nakakapangilabot ang aura na iyon.

Dali-dali akong tumakbo patungo doon. Naramdaman din siguro ng iba kaya lumabas din sila sa kanilang silid at patungo din sa silid ni Justin.

Ramdam nyo rin ba iyon guys???Nakakapangilabot ang aurang iyon at nakakatakot.-saad ni Kuya.

Oo nga lider tumayo ang mga balahibo ko ng maramdaman ko iyon.-saad ni Joshua.

Isa iyong dark aura katulad ng sa akin pero mas malakas iyon.-saad ni Selena

Andito kami sa may pinto ng silid ni Justin. Hinanda namin ang aming mga sarili kung sino man ang nasa loob ng silid ni Justin sapagkat hindi namin alam kung sino iyon.

3rd Person POv

Binuksan ng royalties ang  pinto at bumungad sa kanila sina Justin at ang kanyang mga guardians.Tumakbo si Sophia patungo kay Justin at hinagkan ito. Habang umiiyak.Hindi niya pansin na may ibang tao ang andoon sa silid ni Justin.

Saan ka ba nagpunta at isang lingo kang nawala?tanong nito Kay Justin.

Hinimas ni Kustin ang buhok ni Sophia at pinatahan ito.

Shhhhh...Sorry Brianna kung ngayon lang ako nagpakita. HIndi ko rin alam na matatagalan pala ako sa aking pupuntahan. Akala ko ay matatapos ako ng mabilis ngunit akala ko lang pala iyon.-saad ni Justin.

Don't cry my princess ayaw kung makita kang umiiyak. Lalo na at ako ang dahilan. Hinagkan din ni Justin si Brianna.
                   Justin and Brianna

                   Justin and Brianna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May tao dito Oh..PDA kayo...-saad ni Akira.

Napahiwalay naman sa pagyakap sina Justin at Sophia. Nahiya naman ang mga ito...

Ikaw, saan ka nanggaling at isang linggo kang wala pinag-alala mo kaming lahat.-sabay batok ni Josh kay Justin.

Napakamot naman si Justin sa kanyang ulo. Sorry guys dahil hindi ko rin naman alam na matatagalan din ako sa aking pupuntahan.-saad ni Justin

Saan ka ba nagpunta Bro?-tanong ni Ken

Sa Magi realm.-tipid na sagot ni Justin.

Whaaaaaaat??Magi realm???? sa mundo ng mga Diyos at Diyosa?Anong ginawa mo doon?-tanong ng royalties.

As you can see nagbago silang lahat. Habang turo ni Justin ang kanyang mga guardians.

Oo nga!!!May nagbago nga sa kanilang anyo mayroon na silang crystal sa noo nila.-saad ni Aurora..

Sa iyo ba yong aura na naramdaman namin kanina?-saad ni Eudora

Tango lang ang sagot ni Justin sa kanila.

Nganga ang royalties sa kanilang nasaksihan.Hindi na lamang sila nagtanong pa kay Justin tungkol doon.

JUSTIN KURT POV

Balik tayo sa tanong na kung ano ang ginawa mo sa Magi Realm.-saad ni Josh.

Sasabihin ko ba ang totoo sa kanila o saka nalang??Gumawa naman ako ng invisible barrier sa buong Royalty Dorm na hindi maaaring makarining ang sino man na nasa labas. Dahil sasabihin ko sa kanila kung bakit ako pumunta sa Magi Realm.

Ayon na nga, kasi sabi ng mga Diyos at Diyosa ay kailangan ko  makipagsanib pwersa sa aking mga guardians upang maging isang daang porsento ang aking kapangyarihan. Pumunta ako sa Magi Realm dahil may ginawang ritwal ang mga Diyos at Diyosa sa pagsasanib pwersa ko sa aking mga guardian. Ganoon din ang nangyari sa akin nung dalawang araw akong tulog dito. Dalawang linggo ako noon sa Magi Realm.Isang linggo akong walang malay dahil sa pagsanib sa akin ng aking mga kapangyarihan.

Hindi nakayanan noon ng aking katawan sa sakit dahil sa pagsanib sa akin ng aking kapangyarihan ay nahimatay ako. Isang linggo akong tulog pagkatapos ng isang linggo pagtulog ay tinuruan ako ng mga Gods and Goddesses kung paano gamitin ang kapangyarihan ko.

Kaya din hindi kayo makalapit noon sa aking kwarto ay gumawa ng barrier si GoD Zeus upang protekhan ang aking katawan dito sa academy. Sa kadahilanang maari kung ikamatay kung may iistorbo sa akin.Maaring hindi makabalik ang aking kaluluwa sa aking katawan. Kung mapuputol ang ritwal.

Kaya ngayon ay pumunta ako sa Magi World dahil kinakailangan sng aking pisikal na katawan sa ritwal at upang mas mapaigting ang seguridad ko kung andoon ang aking katawan at kailangan din mismo ang aking mga guardians sa gagawing ritwal.

Dahil nga nasa kalahating porsyento lang ang aking kapangyarihan ay madaling maubos ang aking mana noon lalo na at nasa human form ang aking mga guardian. Kaya last time nanghihina ako lalo na nung hindi niyo pa alam na mga guardians ko sila dahil kailangan ko silang panatilihin sa human form nila kaya din sinasabay ko sila sa pagtulog para makabalik sila sa kanilang pet form at sa ganon ay manumbalik ang aking lakas.

Kaya ko sila hinanap upang buo o maging isang daang porsento na ang aking kapangyarihan at kahit kailan ko gustong panatilihin ang aking guardians sa kanilang human form ay hindi na ako mauubusan ng lakas. Isa lang yon sa dahilan kung bakit ko sila hinanap may kailangan pa akong gawin kaya kailangan kung buuin ang isang daang porsyento ng aking kapangyarihan.

Kaya naman isang linggo akong nawala dahil ilang araw din ang aking ginugol sa pagpapabuo ko ng aking kapangyarihan.  Isang linggo sa pagsasanib pwersa ko sa aking mga guardians. Dalawang linggo akong natulog dahil hinang-hina ang aking katawan pagkatapos ng pagsasanib pwersa. Kaya pinatulog ako ng dalawang linggo upang maibalik ang lakas ng aking katawan. Ang mga natitirang linggo naman ay ginugol ko sa pagsasanay.

Kaya mo siguro na achieve ang aura mo kanina dahil sa  matinding training na iyong pinagdaan.-saad ni Nathalie.

Parang ganun na nga.Sorry talaga guys kung pinag-alala ko kayo. Hindi ko rin kasi akalain na ganun pala katagal ang pagsasanib pwersa ko sa aking guardians akala ko matatapos agad at makakabalik ako agad. Kaya pala tinawag yun na pagsubok dahil hindi basta-basta ang pagdadaanan ko upang mabuo ang aking kapangyarihan.At nagtagumpay naman ako.


💜💜💜*-* END OF CHAPTER *-*💜💜💜

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Where stories live. Discover now