CHAPTER 36 🏰WATER KINGDOM 2🏰

63 8 0
                                    

JUSTIN KURT POV

Ngayon ay magpapatuloy ang aming paglalakbay patungong water Kingdom. Kagabi nakita ni Akira ang kanyang water pet guardian na si Hyrdo at isa itong lion.

Maaga akong nagising. Habang ang mga guardians ko mahimbing na natutulog. Naka anyong hayop sila kaya dito ko sila sa tent pinatulog kasi manghihina ako pag naka anyong tao tong mga to. Maliit lang ang tent kung titingnan sa labas pero pagpumasok ka ay parang isang bahay na ito at completo na ang gamit. Gawa ko rin ito katulad nung sa Harry Potter na movie kaya ginaya ko. Kung noon sa tv ko lang nakikita ngayon ako na ang gumagawa.

Naghanda naman ako ng agahan naming lahat.Lumipas ang oras at tapos na ako sa aking pagluluto hinanda ko narin ang mesa at ginising ang lima upang makapagpalit anyo bilang tao. Umaga na rin kasi 6 am na. Bago pala ako magluto ginawa ko na ang aking morning routine. Syempre tapos na akong maligo may water power naman ako kaya walang problema sa tubig.

Dumating naman ang iba. Mukhang kakagising lang ng mga ito. Yung mga girls hindi pa nakasuklay at yung iba halata na inaantok pa.

Ang bango naman ng niluto mo Justin kayat napabangun ako dahil sa gutom.- saad ni Selena

Oo nga.pagsang-ayon ng iba.

Baka akala niyo maaga pa 6 na kaya at hindi pa kayo ready at ang babaho niyo na wala pa kayong ligo.

Kahit hindi naman talaga sila mabaho trip ko lang sabihin sa kanila.

Napaamoy naman sila sa kanilang sarili kong nangangamoy ba sila.

Hindi naman ahh!!!-sagot nman nila

Hahahaha...Ang eepic ng mukha niyo... Im just kidding.

Bilisan niyo kumain at baka abutan tayo ng tanghali papuntang water kingdom.

Naging mabilis naman sila sa kanilang pagkain at pagkatapos kumain ay deretso agad sila labas ng aking tent siguro maghahanda na sa aming pag-alis. Yan kasi ang tatagal gumising.

Ang lima naman ay ang aking pinahugas ng pinggan para may silbi. Pagkatapos nila ay naligo naman sila ginawan ko nalang ng tig-iisang banyo para hindi na kami matagalan. Syempre dahil ako ang stylist nila..hehehe,dahil responsibilidad ko ang mga to I used my magic to create their clothes to wear and give it to them. Syempre kung ano powers nila yun din ang kulay ng damit nila. YUng dalawang girls ay naka white jeans samantalang yung boys ay black naman. Paki niyo ba mas prefer ko ang black jeans sa kanila.

Pagkatapos ng lima makapagbihis ay pinalabas ko na sila at tiniklop ko ang tent using my power mas lalo pa kasing matatagalan kung mano-mano pa ang pagtiklop. Ganun na rin ang ginawa ko sa iba at pinasok sa kanilang bag.
Napatingin naman ang lahat sa akin at nag thumbs up..Sumakay na kami sa aming mga pegasus at kanino pa ba ako sasakay kundi kay Brianna. No choice naman kasi ako dahil pinagamit ko sa mga guardians ko ang aking pegasus.Kawawa naman kung maglalakad sila..Bait ko talaga diba??

Pero sa katunayan nakakalipad naman talaga sila dahil nga nagpapanggap lang kami kaya paninindigan na namin.

Makalipas ang isang oras ay nakarating kami sa karagatan. Naaalala niyo pa ba kung saan makikita ang Water Kingdom?Kaya kami nandito ngayon sa karagatan dahil nasa ilalim ng dagat na ito ang kaharian ng Water Kingdom?

Paano tayo makakapunta sa kaharian niyo Akira?

Tama pala dahil nasa pinakailam ng karagatan na'to ang aming palasyo ay kailangan nating sumisid ngunit hindi tayo makakatagal sa pagsisid sa sobrang lalim ng karagatan na iyan.-saad ni Nathalie.

Tama ka diyan Nathalie.-saad ni Gray.

Duuh!! guys don't worry ako na ang bahala.-saad ni Akira

Paano Aki?-saad ni Ken

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon