CHAPTER 12 ⚜️⚜️JUSTIN AND JOSH Reason⚜️⚜️

90 8 0
                                    

Josh POV

Nakabalik na si Justin mula sa library. Sakto naman dahil kakain na kami. Bro halika na kain na tayo.

Bihis lang ako saglit sa kwarto.

Umakyat na ito at bumaba din naman agad pagkatapos niya magbihis.

Kurt tungkol pala sa tanong mo kanina. Sabi ko habang kami ay  kumakain.

May misyon kasi ako sa mortal world na maghanap ng katulad namin. Nung panahon na nakita mo ako na nakikipaglaban hindi iyon mga ordinaryong tao lamang, yun ay mga Drakinians. Salamat dahil tinulungan mo ako non napabilib mo ako don dahil napataob mo ang mga Drakinians na walang gamit  na kapangyarihan. Pero hindi ko inaasahan na isa ka rin palang Maginians.

Ayaw ko naman sabihin sayo na hindi ako normal na tao baka layuan mo lang ako.

Umabot ako ng ilang taon sa pagbabakasakali na mayroong katulad namin sa mundo nyo. Hindi ko man lang alam na andyan lang pala sa tabi ko ang aking hinahanap.

Ngunit bakit wala akong maramdaman sa iyo na isa kang magian katulad namin?

Kami nga din walang maramdaman. Sabi naman ng ibang royalties.

Justin Kurt POV

Yun ba? Hindi ko rin alam nung una. Akala ko rin sa sarili ko na normal lang ako. Wala naman nangyari sa akin maliban nung bata ako na may nakakitang nagbago ang kulay ng aking mata.Natakot sa akin yung kalaro ko at nilayuan nya ako. Simula din nun naging cold na ako. Umiwas ako sa mga tao at hindi nakikipag usap.

Kumakailanlang nalaman ko sa aking mga magulang na hindi pala talaga nila ako tunay na anak. Nakita lang nila ako sa harapan ng gate namin. Lumaki ako sa pag-aakala na sila ang tunay kong magulang. Nang gabing iyon nanaginip ako na napunta ako sa isang paraiso ang sabi sa panaginip ko na may kapangyarihan daw ako. Hindi ko nalang ito pinansin tutal panaginip lang naman iyon. Lahat ay pwedeng mangyari.

Ngunit nung maaga akong pumasok noon naglibot muna ako sa school at na punta ako sa likod ng administration building. Nagpahinga ako sa mga puno doon at nang kalaunan ay may narinig ako na mga pagsabog sinundan ko ito.Pumasok ako sa gubat doon at dinala ako ng aking mga paa sa gitnang bahagi ng gubat. Doon ko nasaksihan si Sir Albus na nakikipaglaban sa mga Drakinians.

You mean Sir. Albus doon sa mortal world? Hindi din siya normal na tao yung teacher natin sa algebra?

Yes Sir Niel Albus Potter is not also a human(literal na hindi siya human dahil dragon siya)

Bat paano?Hindi din namin maramdaman ang kanyang aura. Tanong ni Princess Akira.

Hindi ko alam baka tinago lang nya ang aura niya.

Posible naman yun. Saad ni Prince Ken.kahit papaano mga Prinsesa sila at Prinsepe kaya kailangan ko silang igalang. (Sinasabi ng utak ni Justin)

So anong nangyari sa labanan nila Sir Albus at yung mga Drakinians?Sabi ni Princess Sophia

Nakikinig narin pala ang iba sa usapan namin ni Josh.

Magaling naman si Sir Albus at natalo niya ang kanyang mga kalaban. Doon ko unang nasaksihan na totoo pala ang powers. Nakita ko doon yung dark ball na binato ng mga Drakinians kay Sir Albus at bumato din si Sir Albus ng Fire balls.

Galing pala ni sir Albus pareho kaming fire user. Sabi ni Prince Ken
So pano mo nalaman na hindi ka isang normal na tao?Tanong ni Princess Selena.

Pagkatapos sabihin sa akin ng Foster parents ko na hindi ako tunay nilang anak napagdesisyonan kong hanapin ang totoo kung mga magulang.

Anong konek nun kay Sir Albus?- Tanong ni Prince Joshua.

(Kung hindi lang to prinsepe nabatukan ko na ito hindi pa nga tapos mag kwento tanong agad sabi ng utak ko.)

Haaay..Napalalim ako ng hininga.

Nung magdesisyon ako na hanapin ang totoo kung mga magulang. Pumunta ako kay Sir Albus upang humingi ng payo kung ano ang aking gagawin.
Pagsisinungaling ko dahil hindi naman ako pumunta sa kanya dahil tinawag ko lang ito.Sapagkat sabi niya na kung kailangan ko ng tulong tawagin ko lang daw siya kaya ayon..wla kasi daw dapat makaalam na isa siyang guardian.

Oo nga naman bakit alam ni Albus na andito ang totoo kung  mga magulang. Siguro nga alam niya kasi guardian ko pala siya. Wag bobo Justin.Sabi ko sa sarili.

Bahala na kailangan ko ng palusot sa kanila. Alam ko na kung ano ang idadahilan ko.

Dahil dito. Ipinakita ko sa kanila ang kwintas na suot ko simula pagkabata.

Sabi kasi ni Mom na suot suot ko daw itong kwintas na ito nung nakita nila ako. Pinakita ko ito kay Sir Albus at sinabi niya na hindi ito isang simpleng necklace lang ito ay isang simbolo. Simbolo daw ito ng Magus Academy.

Patingin nga?Sabay nilang sabi. Tinanggal ko ito at ipinatingin sa kanila. Mautak ka talaga Justin. Buti napansin ko ito nung una sa uniform na suot namin.

Pero bakit nga ba kapareho ang suot kung necklace sa logo ng MAGUS ACADEMY? May koneksyon ba ang mga magulang ko sa academy?

Oo nga naman magkatulad na magkatulad sa logo ng school.sabi naman nila.

Anong payo sa iyo ni Sir Albus bro? Tanong ni Josh

Sinabi niya sa akin na kailangan kong pumunta dito sa magical world at mag-aral sa Magus Academy baka daw may mahanap ako dito na mga kasagutan tungkol sa aking totoong mga magulang.

Pano ka naman naka punta dito?- Tanong naman si Prince Gray.

Tinulungan ako ni Sir Albus. Pumunta kami doon malapit sa pinaglabanan niya kung saan ko sila nakita. Dahil andoon daw ang portal papunta dito sa magical world.

Tapos na kami sa aming pagkain at lahat ng katanungan nila ay na bigyan ng linaw.

⚜️⚜️END OF CHAPTER⚜️⚜️

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon