Chapter 9

8.5K 235 6
                                    

Chapter Nine: Drunk

Nagising ako sa paulit-ulit na pagtawag ni Scarlett sa pangalan ko.

"Mia! Mia!" Agad akong bumangon at dali-daling tumakbo sa sala.

"Ma'am? Heto na po!" Agad kong sagot habang nagmamadaling maglakad. Sumalubong saakin ang malakas na amoy ng alak. Luminga-linga ako at nahanap ng mga mata ko si manang na kakagising rin.

"Mia, help me." Ani Scarlett habang pilit na itinatayo si Jax. Lasing ito at mukhang natutulog na.

"He is so heavy, my God." Reklamo ni Scarlett at muling inakay ang lalaki.

"Manang prepare something for Jax. A towel and warm water? He must be cleaned." Maarteng utos nito, agad na gumalaw si manang at ako namay hinawakan ang kanang balikat ni Jax.

Hinapit ko ang kaniyang bewang at sinubukan naming akayin siya sa kwarto niya ngunit ng nasa hagdan na kami ay naduwal ito at agad na nagsuka.

Mabilis pa sa alas kwatro na gumilid si Scarlett at binitawan si Jax. Mabuti at mailap ako at nakaya ko ang bigat niya.

"M-ma'am tulong ho." Reklamo ko ng ako napansin ko na ang bigat ni Jax. Agad naman na humawak si Scarlett kay Jax pero halatang nandidiri ito.

"Gosh Josiah bakit ka ba naglasing? Look at your mess." Inis na saad nito, naalimpungatan naman si Jax at lumingon saakin. Mukhang nakilala niya ako dahil...

"Mia..." Sinambit niya ang pangalan ko.

"Yes, she's here to help me. Iaakyat ka namin sa itaas. I'm going to clean you up." Umikot ang mga mata ko ng marinig iyon. Lilinisin niya si Jax? Imposible.

Ngunit iwinaksi ni Jax ang kamay ni Scarlett. Muntik na itong matumba sa lakas ng pagkakawaksi ni Jax sa kamay nito.

"Get out of my sight! I don't need you!" Galit na asik nito.

Tila naman natakot si Scarlett sa boses ni Jax. Hindi na ito sumagot at umatras nalang. Dumating si manang at nagbilin na nasa itaas na ang towel at maligamgam na tubig. Tumango lang ako habang tinutulungan na makaakyat si Jax sa hagdan. Naglalakad naman ito kaya hindi ako nahirapan.

"Manang clean his mess, I'm going to bed." Rinig kong saad ni Scarlett at ang mga yabag ng paa nito. Hindi niya kami pinansin at sa halip ay binangga pa si Jax. Muntik ng ma-out of balance si Jax mabuti nalang at medyo malakas ang kapit ko.

Padabog nitong isinara ang pintuan.

"Look at that woman Mia, she's not worth to be my wife. She can't even bear seeing my puke. Unlike you..." Hindi na natapos ang sasabihin nito dah agad siyang sumalampak sa kaniyang kama.

Napangiti ako at hinubad na ang kaniyang mga saplot. Binihisan ko siya ng boxer dahil iyon lamang ang gusto niyang suot kapag natutulog. Sinigurado ko na nakasara ang lock sa loob para walang makapasok.

Hinalikan ko sa labi si Jax matapos kong linisin ang mga ginamit ko.

"Sleep well Jax ko." Kinikilig kong sambit sabay lakad palabas ng kwarto.
















"I need to tell you this girls. I and Jax are not in a good terms."

"What do you mean? Nag-away kayo?"

"No--it's not like that. How I wish magka-away lang talaga kami but no, ever since we are not in good terms.

He doesn't treat me like his wife."

"What? You got to be kidding me Lette."

"I'm not kidding. Kagabi, I saw how Jax hates me. He doesn't want me to care for him. Lahat ng nakikita niyo kapag mag kasama kami ay peke. He hates me. Sabi niya ako ang dahilan kung bakit nakakulong siya sa isang sitwasyon na hindi niya naman gusto."

The Virgin Mistress ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon