Chapter 15

7.6K 185 9
                                    

Chapter Fifteen: Criminal

"Manang? May umuwi na po ba? Si Scarlett?" Salubong ni Jax kay manang.

Bandang alas dos ng makarating kami sa bahay. Hindi ako dumikit kay Jax sa pagkakaalam na umuwi na ito. Pero tahimik sa bahay.

"W-wala pa naman Jax." Saad ni manang na iniiwasan ang mata namin.

Nagpaalam si Jax na pupunta muna sa kwarto niya upang mag bihis. Nagpaiwan naman ako sa kusina. Pakiramdam ko'y may gustong sabihin si manang.

"Manang Sita? Hindi pa po ba nakakauwi si Scarlett?" Tanong ko.

"Mia, iha, totoo bang ikaw ang babae ni Jax?" Walang alinlangang tanong ni manang. Napalunok ako dahil sa kaba.

Nang hindi ako sumagot ay lumingon si manang saakin.

"Juskong bata ka, bakit ka pumayag? Alam mong may asawang tao si Jax! Alam mo ang pinagdaraanan ni Scarlett! Alam mo lahat!" Naiiyak at tila problemadong saad ni manang.

Napayuko ako.

"Manang mahal namin ang isa't isa."

Napahilamos sa mukha niya si manang.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Bintang nito at tila maluluha na.

Maya-maya pa naramdaman ko ang pagkapit ni Jax sa bewang ko.

"What's happening here?"

"Jax anak, hindi mo alam kung ano ang pinasok mo. Pinatira mo pa dito ang babae mo!"

Agad na hinaplos ni Jax ang braso ni manang.

"You know that I love someone else right? You remember the kid in telling you decade ago? I found her manang. She is Mia." Natulala si manang at napaturo saakin.

"I-iyong bata na gusto mong pakasalan?" Tanong ni manang na nagpatango kay Jax.

"Jusko..." Bulong nito sa hangin sabay hawak sa dibdib.

"Umalis na kayo. Alis na!" Sigaw ni manang na tila nagmamadali.

"Bakit ho?" Tanong ko at tila magpapanic narin.

"Nandito na ang asawa mo  Jax kahapon pa. At alam na niya ang tungkol sa iny--"

"Wala ka talagang kwenta manang Sita! You promised me!" Nagulantang ako sa sigaw ni Scarlett.

Agad akong lumingon sa kaniya at napalunok.

Umiiyak ito.

"So totoo nga? Ang kabit ng asawa ko nandito lang pala sa bahay. Wow! Ang galing..." Aniya habang patuloy ang pag-iyak.

"S-scarlett..." Naiiyak kong pagtawag sa kaniya.

"And did I heard it right Jax? You're going to leave me for that whore?! Baliw ka na ba? E pokpok 'yan e! Baka magkasakit ka sa babaeng 'yan!"

"Scarlett, just let us go. I don't love you."

"At siya?" Umiiyak na saad nito.

"I love her...with all my heart." Napahagulhol si Scarlett. Umiiyak narin ako kumapit ako kay Jax bilang suporta.

"You don't love her! That's not true! Walang hiya kang babae ka! Mang-aagaw!" Napahiyaw ako ng hablutin ni Scarlett ang buhok ko.

"Aray!"

"Scarlett stop!" Pilit na inilalayo ni Jax si Scarlett pero matigas ang kamay nitong nakakapit sa buhok ko. Halos matanggal ang buhok ko.

"Aray Scarlett! Bitiwan mo ako!" Agad ko siyang tinulak na naging dahilan upang muntik na siyang matumba mabuti at nasa likod niya si Jax.

The Virgin Mistress ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon