Chapter Twenty-two: Mad
"Putanginä Mia bilisan mo!" Napaigik ako ng bulyawan ako ni Julyo. Pinapaayos niya ako ng damit.
"Teka nga! Huwag mo akong sigawan at mas lalong huwag kang magsisigarilyo sa harapan ko!" Inis kong sagot habang naglalagay ng lipstick sa bibig ko.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta't pinabihis niya ako ng magandang damit at may pupuntahan daw kami.
Noong una ay nagduda ako sa ikinikilos niya pero noong mismong si inay na ang nagsalita ay wala akong nagawa. Isa pa, buryong buryo na rin ako dito sa bahay. Hindi na ako muling napuntahan ni Kris mula nung isang araw na nagpunta kami sa hospital at nagpa check up.
"Kasi naman e! Ang tagal tagal!" Saad nito at padabog na umalis lalo't sinasamaan ko ito ng tingin, naninigarilyo kasi. Alam kong makakasama ito sa baby ko at maging saakin.
Lumapit si mama saakin at hinawakan ang mukha ko.
"Ikaw ang panganay ko Mia at naging saksi ako sa pagkasabik mo sa ama na kahit minsan hindi ko nagawang ibigay sa'yo." Kumunot ang noo ko sa pagdadrama ni mama.
"Naging mapusok ako sa pag-ibig kaya't heto nag titiis kay Julyo. Mahal ko siya at kontento ako sa kaniya. Bilang ina mo hindi ko maatim na nakikita kang malungkot. Gusto ko lahat ng makakapagpasaya sa'yo dahil deserve mo ito." Aniya, gumilid ang luha sa mga mata ko.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Saan ba kasi kami pupunta? Alam ba ni mama Ang tinutukoy ni Julyo?
"N-nay ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo, pinapaiyak mo naman ako e."
Saad ko at pinunasan ang luha ko.
"Huwag ka ngang umiyak." Saad din nito na naluluha ang mga mata.
Tumingin ako sa kaniya at tinitigan siya. Tinatantiya kung ano ang iniisip nito. Tumitig lang ito saakin pabalik kaya naiyak ako ng tuluyan.
"Inay naman e! Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ni Julyo? Alam mo ba kung saan kami pupunta?" Tanong ko at marahas na bumaling sa salamin. Ayokong umiyak. Kalma Mia, kalma!
"Sige na anak at bibiyahe pa kayo ni Julyo." Saad nito at tinulak ako sa pinto.
Wala akong nagawa kundi ang lumabas na ng bahay.
Nakita ko sa di kalayuan si Julyo na nasa isang tricycle. Itinapon nito sa lupa ang sigarilyo.
Lumingon ako pabalik kina mama at nakita kong maging sina Bea at Marimar ay nakatanaw saakin. Ngumiti ako at kumaway sa kanila.
Maya-maya pa narinig ko ang pag-andar ng tricycle ni Julyo at ang paghinto nito sa harap ko.
"Sakay." Saad nito habang nakatingin sa daan. Wala akong nagawa kundi sundin ito.
"Saan ba tayo?" Tanong ko, nasa biyahe na kami ng maisipan kong itanong ito.
"Sa lugar kung saan masaya." Seryoso nitong tugon. Agad akong kinilabutan at binalot ng takot.
"Hoy Julyo! Ayoko pang mamatay! Gag* ka!" Bulyaw ko at natatarantang luminga sa paligid.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ipapahamak ako ng utak kriminal na ito.
"Tang*na Mia wag kang malikot!" Bulyaw din nito. Nagpanic ako ng gumewang ang tricycle at paglinga ko sa harap namin ay may punong naka amba.
"Ahhh! Julyo mababangga tayo!" Halos sapo ko na ang dibdib ko ng isigaw ko 'yon. Pumikit ako at maya-maya pa'y naramdaman ang pilit na pag break ni Julyo.
"G@go muntik na!" Inis nitong saad saka bumaba ng tricycle.
Lumapit siya saakin at tinignan ako.
"Wala bang galos? Wala bang masakit?" Tanong nito. Kumunot ang noo ko at hinila ang braso kong hawak nito.
Ano bang meron sa lalaking ito?
Bakit parang kakaiba.
"Gusto mo ba akong mamatay ha? Gag* ka!" Asik ko at tinulak siya upang nakaraan ako. Agad akong bumaba ng tricycle at luminga upang makahanap ng sasakyan.
Balak pa yata akong isabay nito sa kabilang mundo. Letche siya! Dami ko pang pangarap sa anak ko tapos dadamayin niya kami!
"Saan ka pupuntaha? Hoy sakay na ulit!" Pagtawag saakin ni Julyo. Pero uminit ang ulo ko at pinag krus ko ang aking mga kamay.
"A.Y.O.K.O." matigas kong saad. Bakit ba walang dumadaan na sasakyan ngayon?
Bagot na naghintay ako, pilit akong hinihila ni Julyo pero hindi siya nag tagumpay. Himalang maingat ito sa paghawak saakin, di kagaya noon na hinihila nalang ako at kung minsa'y tinutulak sa sahig.
Nang matahimik si Julyo ay sinilip ko siya at lumaki ang mga mata ko ng may hawak itong keypad na cellphone.
"Hoy Julyo! Anong ginawa mo at nagkaroon ka ng cellphone? At brand new pa ah! Kriminal ka talaga!" Asik ko at lumapit sa kaniya, tinignan niya lang ako at tinuloy ang pagtipa sa kaniyang keypad.
Kumunot ang noo ko.
Bakit ba may kakaiba dito?
"Alam mo Mia kung hindi lang talaga, naku!" Inis nitong saad habang napapakamot sa kaniyang ulo.
Maya-maya pa sumakay siya sa tricycle at inatras ito.
Huminto ito ilang layo mula saakin.
"Aalis na ako, maghintay ka nalang dito." Saad nito at itinago Ang keypad sa kaniyang bulsa.
"Ano?! Iiwan mo ako?" Gulat kong tanong.
Walang hiya talaga ang lalaking ito.
"E ayaw mong sumakay diba? Nakarating na sana tayo ngayon pero ang arte mo." Sumama ang tingin ko at pinadyak ang mga paa.
"E sabi mo dadalhin mo ako sa kung saan masaya! Hello sa langit lang 'yon at di ka makakapasok!"galit kong asik.
"Walang hiya ka talaga!" Bulalas nito at pinaandar ang tricycle.
Aba't seryoso?! Iiwan niya ako sa tahimik na bahagi ng kalsadang ito?!
"Julyo teka!" Hindi ko ito napigilan ng magpaharurot ito ng andar.
Napahilamos ako sa mukha ko at napabuntong hininga.
Oh ano Mia? Nganga ulit?
Bakit kasi ang tigas ng ulo ko? E kasi nga diba akala ko magpapakamatay ito. Pero naalala ko pati si mama pinilit akong mag-ayos, ang mga ngiti nila, ang mga bilin ni mama...
Umangat ang ulo ko ng may humintong itim na sasakyan sa harap ko.
Kumabog ang dibdib ko sabay ng pag ihip ng malamig na hangin. Halos yakapin ko ang braso ko dahil sa lamig, kaba at pinag halo galing emosyon.
Iniluwa nito ang lalaking ni minsan di ko naisip na magpapakita ulit saakin.
Kunot ang noo nito habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa.
Napa atras ako ng makita ang ekspresyon niyang galit.
"J-Jax?" Nahihintakutan kong tanong.
"Yes Mia, it's me Jax." Saad nito at unti-unting lumapit saakin. Umatras din ako ng ilang ulit ngunit natigil ng tumama ang likod ko sa punong muntik na naming mabangga ni Julyo.
"T-teka---ikaw ba ang sinasabi ni Julyo? Sa'yo ba kami papunta?" Malakas ang kabog ng puso ko na tila lalabas na ito.
Halos di ako makahinga sa lapit niya.
"Yes and since you're a hard headed one, I was force to get you here." Napaawang ang labi ko na agad niyang sinunggaban ng halik. Saktong pagpikit ko'y binawi nito ang kaniyang mga labi at kinuha ang kamay ko.
"Who's the fvcking dumb ass man you're with when you visit your obygne?" Hindi ako nakapagsalita at bumaba ang mata ko sa kamay naming dalawa.
Napasinghap ako ng may ilabas itong pulang box. Hindi ko alam kung totoo ang naiisip ko pero--agad akong tumingala, nagbabakasakaling may sasabihin siya pero galit parin ito.
"J-Jax anong--" agad nitong inilagay ang daliri sa bibig ko at pinatahimik ako.
"Shut up Mia, I'm fvcking nervous." Aniya na ikinalambot ko.
____
BINABASA MO ANG
The Virgin Mistress ✓
RomanceKapit sa patalim. Kapit sa bangin. R-18 WARNING! MATURED CONTENT! COMPLETED! 10/17/20 01/03/21