Chapter Twenty-Three: Ring
"Shut up Mia, I'm fvcking nervous." Aniya na ikinalambot ko.
Kumunot ang noo ko at itinulak ito.
"Bakit ka narito? Nasaan ang ASAWA mo?" Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.
"Well, she's right in front of me." Agad na kumalabog ang puso ko.
Ano bang pinagsasasabi nito?
Papaasahin niya na naman ba ako? Di niya ba naisip na may laman na ang tiyan ko. Hindi na namin magagawa iyon ng basta-basta---'yon ay kung ito lang ang gusto ni Jax saakin.
"Huwag mo akong daanin sa ganyan Jax, buntis ako at kung gusto mo ng magpapainit sa kama mo maging kabit mo..." Pumiyok ang boses ko ng sabihin ko 'yon.
"Hindi na ako bagay sa posisyong 'yon." Saad ko at tatalikod na sana pero hinuli nito ang pisngi ko.
"You're not my mistress Mia. Who fvcking says you're a mistress?" Tanong nito at bumaba ang mga mata sa kamay namin. Nanubig ang mga mata ko kasabay ng pagkinang ng diyamante sa singsing na unti-unting pumapasok sa daliri ko.
"J-Jax..." Pagtawag ko sa pangalan nito.
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Naguguluhan ako, bakit isinusuot niya saakin ang isang singsing?
"From now on you are going to be mine forever. No one can interfere with us, even that man you're with." Napatuptop ako sa bibig ko ng maisuot niya ito ng maayos.
"Jax ano to? Diba kasal ka kay Scarlett?" Tanong ko habang tumutulo ang luha.
"Yeah, I'm indeed married with her." Bumaba ang balikat ko at akmang huhubarin ang singsing ng hawakan niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay at ang isa pay hinawakan ang pisngi ko.
"But I promised you that I'll end our marriage and marry you. Have you forgotten it?" Saad nito at hinaplos ang pisngi ko. Tuluyang tumulo ng sunod-sunod na parang water falls ang luha ko.
"I-ibig sabihin?" Hindi ko matapos ang sasabihin ko at napasubsob ako sa dibdib niya.
Ibig sabihin wala na sila ni Scarlett at gusto niya akong pakasalan?
"Jax naguguluhan ako." Naramdaman ko ang paghaplos nito sa likod ko sabay ng pag-alo nito saakin.
"I promise, didn't I? You promised me that you will marry me Mia and that's what I am holding as I file my annulment. Scarlett knows when to stop and she wants the best for me. And you are the best for me Mia. I love you for decades and God knows how patient I am until I found you." Aniya na mas lalong nagpapabilis sa tibok ng puso ko. Na mas lalong nagpapasaya sa puso ko.
"I love you so much and I want to spend the rest of my life with you and our children. Mom and her parents are mad because of what happened between I and Scarlett but we are the one who will decide what will happen to us and Scarlett chose the right decision that's why I am here. I did put the ring on your finger, you're going to marry me." Napatawa ako sa sinabi nito, parang wala akong choice kundi ang pakasalan siya a. Pero alam ng diyos kung gaano ko kagusto iyon.
Gustong-gusto kong maiksal sa kaniya.
Inabot ko ang mga labi niya at hinalikan siya ng mariin.
Bumitaw ito at isinandal ang noo saakin.
"Do you want to marry me?" Mahina nitong bulong.
"Of course Jax! Wala akong choice naisuot mo na ang singsing!" Igik ko at hinalikan siya sa labi.
Tumawa ito.
"That's right, you don't have the choice Mia. I'll be the one who will decide. You're bearing my child and your going to marry me because you snatch my heart, big time." Niyakap ko ito at hindi na nagsalita pa. Gusto kong maramdaman niya mula sa yakap ko na gustong-gusto ko ito.
Na mahal na mahal ko siya.
Na ang saya-saya ko at wala na akong mahihiling pa.
"Ano Jax pumayag ba?" Salubong ni mama saamin ng bumaba kami mula sa sasakyan. Agad akong tumakbo sa kaniya.
"D@mn Mia don't run!" Nag-aalalang saad ni Jax agad akong napahinto at nag peace sign sa kaniya.
"Sorry sir!" Hirit ko na ikinasama ng timpla ng mukha nito. Natawa lamang ako at naglakad patungo kay inay
"Nayyy, alam mo po?" Tanong ko at niyakap siya.
"Oo naman anak, nag-paalam si Jax saakin." Aniya at hinaplos ang buhok ko.
Umangat ang ulo ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Totoo nay?" Tumango ito at lumingon kay Jax.
"Nag-paalam siya saamin ni Julyo." Agad akong napalingon kay Julyo na nasa di kalayuan at humithit na naman ng sigarilyo. Umiwas lang ito ng tingin saakin na para bang nahihiya.
"Ma, ikakasal na po ako." Nanunubig ang mata kong saad. Lumapit si Jax saakin at hinapit Ang bewang ko na naging dahilan upang malayo ako kay inay.
Ngumiti si nanay.
"Alam kong kay Jax ka sasaya Mia, isa pa, magkakaanak na kayo. Natutuwa akong di ka magagaya saakin." Saad ni inay.
Agad kong pinunasan ang luhang pumatak mula saaking mga mata.
"Tama na nga ang pag-iyak anak, sige ka baka maging iyakin si baby."
"Huwag naman po!" Sigaw ko at humarap kay humarap Jax.
Agad kong ikinulong ang kaniyang leeg gamit ang aking dalawang kamay.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya Jax, hindi mo alam kung paano mo pinuno ang buhay ko. Pakiramdam ko isa akong larawan na binubuo ng puzzle at ikaw na lang ang kulang sa puzzle na iyon. Ang saya-saya ko, buo na ako." Saad ko at niyakap siya.
"I don't think it works that way Mi. You are the one who made me feel complete. I love you and our baby. Always and forever." Aniya at hinalikan ang noo ko.
Pero agad kong naalala ang mga magulang niya. Paano sila?
"P-paano sila? Ang mommy mo at sina Scarlett?" He kissed my lips and smile.
"You don't need to worry about them. As long as you're with me you are left untouched by them. They can't stop me if I want to marry you. I and Scarlett is over."
Tumitig ako sa kaniya habang nakangiti na nanunubig ang mata. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ako na ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo. Pakakasalan ako ng lalaking mahal ko at ama ng baby ko.
"Ate! Kuya! Hali na kayo! Kainan na!" Sigaw ni Beatrice sabay andar ng videoke na nasa labas ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko ng dumagsa ang mga nakangiti naming kapit-bahay at mga kamag-anak.
"Jax ano 'to?" Gulat kong tanong.
"Well, we are celebrating our engagement. What do you think?" Tanong nito na may nakakakilig na ngiti sa labi.
"Ang saya!" Sigaw ko at muli itong niyakap ng mahigpit. Ang bango bango niya!
Humiwalay ako sa yakap at hawak kamay kaming pumasok sa maliit naming bahay.
Nakita ko si Chabby na may makahulugang titig saakin, mukhang sinasabi nitong may utang akong kwento sa kaniya. Pati si madam C na siyang ninang ko nandito rin.
Sabay kaming kumain ni Jax sa maliit naming hapag kainan. Hindi ko inaakalang nangyayari na lahat. At mas lalong di ko inaasahan na simpleng paraan ng pag cecelebrate ang mangyayari.
Kasi diba, nasanay si Jax sa buhay mayaman? Pero nakikita kong nag eenjoy siya.
Nakikipag kwentuhan siya sa mga bisitang nag iinuman sa harap ng bahay. Nakikisali din siya sa pagtagay doon.
Busog na busog ang puso ko sa kasiyahan. Wala na akong maihihiling pa at excited na akong maging opisyal na Mrs. Ferrer. Mrs. Ferrer na mahal ni Jax at Mrs. Ferrer na gustong makasama ni Jax sa habang buhay.
_____
The end is near na po. Maraming salamat sa mga tunay na nagbabasa. I love you! :)
BINABASA MO ANG
The Virgin Mistress ✓
RomanceKapit sa patalim. Kapit sa bangin. R-18 WARNING! MATURED CONTENT! COMPLETED! 10/17/20 01/03/21