Chapter 44: Yvo Lanmecer

1.6K 40 4
                                    

*Trixie's POV

Iba talaga kung mantrip ang tadhana. Sa dinami rami ng pwede naming makasama bakit sila pa? I'm not yet ready to face him. Not even sure if I still want to..


"Yvo, mag CR lang ako saglit."

"Oh sige. Hintayin ka nalang namin sa table natin. Kausapin 'ko muna sila." Tumango lang ako saka na tumalikod bago pa nila kami mapansin. Nagtanong nalang ako sa iilang empleyado dito kung nasaan ang CR.

"Damn it, Trixie! Fix yourself! Nagawa mo na 'to dati kaya magagawa mo rin ito ngayon." Sabi 'ko sa sarili 'ko sa harapan ng salamin. "Huwag mo ng hayaang magmukha kang tanga at kawawa sa harapan nilang dalawa gaya ng nangyari noon limang taon na ang nakakalipas." Huminga ako ng malalim saka nag apply ng foundation. Inayos 'ko din ang alon alon kong buhok. I have to look professional.


"Oh eto na pala sya." Sabi ni Yvo ng makati nya kong papalapit. 

Sabay namang lumingon ang dalawa.

"Good afternoon." Nakangiti kong bati sakanila. 

Kita naman sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat lalo na si Xander.

"Mr. Del Fierro and Ms. Canlas, She's Trixie Min. Jes, sila ang mga partners natin." Sabi ni Yvo na halatang hindi pa nakakaramdam ng awkwardness sa paligid.

"I already know them, Yvo. Small world isn't?" nakangisi kong tanong sakanilang dalawa saka na umopo sa harapan nila. Hindi naman sila makasagot.


Wala kaming ibang pinag usapan kundi ang mga kakailanganin pang preparation bago ang big opening nitong H&R. Kung ilang empleyado pa ang kakailanganin at kung paano ang napag usapan nila sa pagpapalakad nito. Approve na ito ni Yvo kaya dinidiscuss nalang nila ito sa'kin.


Nang matapos ang meeting ay doon 'ko palang naramdaman na nakahinga ako. Gusto kong palakpakan ang sarili 'ko dahil nagawa kong magmukha walang pakialam sa harapan nila. Hindi 'ko pinakita sakanila na nanggigitgit ako sag alit at gusto ko silang tapunan ng tubig o basagin ang mga pinggan sa harapan nila kapag nakikita 'ko silang nagkakatitigan at nagtatawanan. Nagawa kong magpigil sa loob ng dalawa at kalahating oras.


I will not show my weak side, Xander. Never. Wala akong pakialam kung ano man ang tingin mo sa'kin ngayon pero iisa lang ipapangako 'ko, hinding hindi mo na makikita ang totoo kong nararamdaman. Hinding hindi mo makikita o malalamang nasasaktan ako at hinding hindi mo malalaman na mahal pa rin kita.


"We have to talk, Jes." Sabi nya habang pinagbukasan nya 'ko ng pinto.

"About what?" umiling sya habang nakangiti saka nako pinasok sa kotse nya.

"Uy. Anong pag uusapan natin?" ulit 'ko sakanya.

"Later. Kain muna tayo, nagpahanda ako ng pagkain sa bahay."

"Bahay?"

"Yup. Bahay. I will introduce you to my family." Nanlaki naman ang mata 'ko sa sinabi nya.

"ANO?! BAKIT?!" sigaw ko sakanya.

"Aray 'ko, Jes!" sigaw nya habang nakahawak sa tenga nya. "Bakit kailangan mo pang sumigaw?!"

"Eh kasi naman bakit mo 'ko ipapakilala sa parents mo?"

"Matagal kana nilang kakilala. Ipapakita nalang kita sakanila."

Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon