*Trixie's POV
Agad kaming sinalubong ng maids at binati kami ng makapasok na kami sa mansion. Ang laki at ang ganda ng bahay nila. Inilibot 'ko ang paningin 'ko sa buong kabahayan at wala akong ibang masabi kung NAPAKAGANDA.
"I assume she's Trixie." Agad akong napatingin sa nagsalita. Isang napakagandang babae na mukhang nasa 30s at nasa likod nya nakaakbay ang isang gwapong lalaking na mukhang nasa 30s din ang edad. It's his parents! Kaya pala ang gwapo ng kumag na 'to! May pinagmahan pala!
"Yes, Ma. The one and only." Nakangiting sabi naman ni Yvo saka ako inakbayan. Napayuko ako ng Makita kong ngumiti ng nakakaloko ang mama at papa nya.
It feels like I'm his girlfriend and he's introducing me to his parents. What a crazy imagination Trixie! Nakaka kaba!
"Hello, Trixie. I'm Sandra and this is Leo, my husband. We're Yvo's parents." Magiliw na sabi sa'kin ng mama nya. Nagulat nalang ako ng bigla nya kong niyakap saka bineso.
"Nice to meet you, hija." Bati din sa'kin ng papa nya at bineso din ako.
God! Kaibigan lang po ako! Hindi ako girlfriend! Nakaka kaba sila!
"At last! Nakita din namin ang bukambibig ng unico hijo namin!" sabi ng papa nya saka tumawa ng nakakaloko. Agad naman syang sinaway ni Yvo na ngayon ay pulang pula ang tenga. Abnormal talaga!
"Hindi ka naman patay na patay sa'kin nyan no?" bulong 'ko sakanya ng nauna ng naglakad ang parents nya patungong dinning.
"Shut up, Jes." Masungit na sabi nya. Pinigil 'ko namang tumawa dahil baka mas lalong topakin to.
"So, hija, are you staying here in the Philippines for good?" tanong ng mama nya.
"Yes po, Mrs. Lanmecer."
"Don't call me Mrs. Lanmecer. Call me Tita Sandra or Mommy Sandra. Yeah! Call me Mommy Sandra!" bakit kaya napaka hyper ng mama nya?
"Mommy naman. Tinatakot nyo naman sya nyan eh." Nababagot na sabi ni Yvo. Sinumpong na naman tong lalaking 'to.
"What? Ang sabi 'ko lang naman ay tawagin nya kong Mommy Sandra eh. What's wrong with that?" malungkot na sabi nya.
"Ah. It's okay Yvo. Okay naman yung Mommy Sandra sa'kin." Bigla namang lumiwanag ang mukha ng mama nya saka pumalpak na para bang bata na nakakuha ng star.
"Yes! I told you, magkakasundo kami!"
"Siguro naman, Daddy Leo din ang itatawag mo sa'kin." Ngumiti naman ako ng alangan saka ako bumaling kay Yvo. Nagbigay naman sya ng apologetic look. Okay.. hindi nya 'ko matutulungan.
"Okay po, Daddy Leo." Saka naman sila nagtawanang mag asawa. Ang saya nila.
KAIBIGAN LANG PO AKO!! Gusto kong isigaw sakanila yan pero syempre hindi 'ko ginawa. Kakahiya!
Nang matapos ang dinner ay pumunta kami sa room nya. Inaasar nga kami ng parents nya wala daw kaming ibang gagawin. Kaya naman mas lalong tinopak ang lalaking to. Dumiretso kami sa balcony at kumaha sya macaroons. Umupo kami doon at lumanghap ng hangin. Kakamiss din pala ang polluted na hangin sa pilipinas..
"It's him, right?" tumingin ako sakanya ng nakakunot ang noo. Tumingin din sya sa'kin, "The one that hurt you. It's him, right? Mr. Del Fierro." Nagbaba ako ng tingin.
"Paano mo nalaman?"
"Baka nakakalimutan mong matagal tayong magkasama sa iisang bahay, Jes. Kilalang kilala na kita. Yang mga mata mo, very transparent. Kitang kita kong nasasaktan ka nakita mo palang syang nakatalikod." Ang galing talagang magtago ng lalaking 'to. Hindi 'ko man lang nahalata na alam na pala nya.
"Akala mo ba hindi 'ko napapansin na kulang nalang ay patayin mo sila sa tingin mo kaninang kumakain tayo? You can fool anyone except me, Jes." Nag angat ako ng tingin at huminga ng malalim. Nagsimula na namang magtubig ang mata 'ko.
"Yes. You're right.. It's him. The one that hurt me. The one that I loved."
"What if bumalik sya?" agad akong natawa sa tanong nya.
"That's impossible."
"Everything is possible, Jes."
"Galit na galit sya sa'kin. Nung gabing 'yun, kitang kita 'ko yung pandidiri, pagkasuklam, galit o kung ano pa man. Pero ni konting sakit? Wala, Yvo. Kung may nasaktan man siguro, yung ego nya lang yun. Hindi yung puso." Sabi 'ko saka pinunasan yung luha 'ko na hindi 'ko na naman mapigilan.
"Bakit hindi mo sabihin sakanyang ginawa mo lang yun para lang din sakanya?"
"Para saan pa? Wala ng mababago, Yvo. Nakatatak na sa mga buto 'ko yung sakit. Hindi 'yun mabubura ng ganun ganun nalang."
"Para lang magkaroon na kayo ng closure. Para kahit na magkasalubong kayo ay okay lang. Walang ilangan o kung ano pa man."
"Yvo, hindi yun ganun kadali. Ayaw 'ko syang makausap ni Makita ayaw 'ko. Every time I see him, laging bumabalik lahat ng sakit at galit. Hindi 'ko kaya, Yvo.. Ayaw 'ko.." saka na 'ko umiyak ng umiyak. Niyakap lang nya 'ko at minsan ay hinahalikan ang ulo 'ko.
"Yvo, natatakot ako.. Hindi 'ko alam kung anong gagawin ngayong magkakasama kami lagi.. Yung sakit na binigay nya sa'kin noon, hindi parin nawawala, nadagdagan lang lalo.."
"Nandito lang ako. Hindi naman kita papabayaan. Sooner or later, magkakaharap din kayo at makakapag usap. Hindi mo habangbuhay matatakasan yung past nyo. You have to face it. You have to close and accept it. So you can move on.." umiyak lang ako ng umiyak.
Nang magising ako ay nandito na 'ko sa apartment 'ko. Paglabas 'ko ay may pagkain na sa mesa na may kasamang note.
Jes, siguro nagtataka ka kung paano ka nakauwi ano? Pinalipad kita papunta dyan sa bahay mo. Galing 'ko no? nabilib kaba? Alam 'ko naman 'yun. By the way, after mong magbreakfast, diretso kana dito sa resort. Hindi na kita masusundo kasi may meeting pa 'ko with our investors.
Your soulmate,
Yvo handsome. ;)
"Abnormal ka talaga." Yan nalang ang nasabi 'ko at kinain na lahat ng pagkain na binili nya sa'kin. Pagkatapos non ay naligo na 'ko saka na nag ayos. Kailangan lagi akong presentable lalo na at isa ako sa may ari ng resort.
Nang makarating ako ay dumiretso na agad sa elevator para makapunta na 'ko sa room ni Yvo. Bumukas ang elevator agad akong pumasok habang kinakalkal ang cellphone sa bag 'ko. Naangat ako ng tingin at napatingin sa taong kasama 'ko sa loob, huli na ang lahat at nagsarado na ang elevator.
Damn it! It's Xander!
[AN: Sa nalalapit na pagtatapos ng MPAMIIB, magkakaroon ng flashbacks ang mga huling chapters ng kwento para malaman nyo kung anong nangyare bago at kung bakit umalis si Trixie papuntang America.]
BINABASA MO ANG
Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice Beybe
General FictionDalawang taong magkaibang magkaiba ang mundo. Isang player At isang cold person. Pero magkaparehas sila na magkaparehas sa isang bagay. PAREHO NILANG KINALIMUTAN ANG PAKIRAMDAM AT ANG KAHULUGAN NG SALITANG PAGMAMAHAL.