*Trixie's POV
"Heelllooooo?! TRIXIE!!" sigaw ni Ira sa mukha ko. Matalim ko syang tinignan at agad naman syang nag Peace sign sa akin. "Kasi naman Trixie eh! Kanina ka pa kita kinakausap hindi mo naman kami pinapansin!" dagdag pa nya, napaka isip bata pa rin nya para maging college student.
Bumuntong hininga ako at sinabing, "Sorry, medyo masama kasi ang pakiramdam ko." dahilan ko nalang, buti at naniwala sila sa akin. Tumango sya at bumalik na ulit sa pwesto nya.
Hindi pa rin kasi naalis sa utak ko ang sinabi sa akin kanina ni Gian. Liligawan nya ko? Hindi ko alam kung anong mararamdaman, kung saya ba o takot. Saya na kasi sa wakas mabibigyan kami ulit ng pagkakataon at takot kasi baka maulit lang ang mangyari at sa pangalawang pagkakataon ay masaktan nanaman ako.
Inaamin ko, may puwang parin dito sa puso ko para sakanya. Hindi naman iyon nawala eh, walang pumalit doon kahit na ba napaka raming nagnais makapasok sa puso ko. Para lang iyon sakanya at hindi iyon mapapalitan ng kahit na sino. Mag iisang taon man ang nakakalipas, hindi ako makapaniwalang sya parin hanggang ngayon. Sya nga siguro ang one true love ko. Abala ako sa pag iisip ng biglang nag vibrate ang cellphone ko, galing kay Gian ang mensahe.
Gian:
I will wait you outside of your classroom. Sabay na tayong maglu lunch. I won't take 'No' as an answer, Miss Min. I love you. :*
Napangiti ako sa text nya. Manliligaw palang syang nyan pero napaka bossy na nya, paano kaya kapag naging kami na? Etong pakiramdam na to rin ang nararamdaman ko noon para sakanya. He still have this effects on me. Sya lang ang nakakagawa noon.
Dalawang boring na subject pa bago ang lunch break. Nakakainip. Buong dalawang oras ay nakatunganga lang ako habang ang iba kong classmates ay nagpaparticipate. I'm not a grade conscious, tres lang okay na sa akin. Basta ba makagraduate lang. Well sana nga. Muli akong nagulat ng biglang tumunog ng dalawang beses ang cellphone ko. Kay Gian at Xander iyon galing, inuna kong buksan ang galing kay Xander.
Xander:
Where are you Jaeis? I'm at the cafeteria. Sabay na tayong maglunch.
What? Anong meron at bigla itong nagyaya maglunch? Sinunod kong buksan ang galing kay Gian.
Gian:
Baby, nandito na ako sa labas ng classroom nyo. I love you. :*
Napangiti akong muli sa text nya. Pero napawi iyon ng agad ng maalala kong naghihintay nga pala si Xander. What to do?! Nagulat ako ng biglang nagsitayuan ang mga classmates ko.
"Anong meron?" tanong ko, nakatunganga sakanila at naghihintay ng sagot. Tinawanan nila akong apat.
"Si Trixie naten, halatang inlove. Wala sa sarili eh." Sabi ni Marielle. Tinignan ko sya agad ng masama.
"Trixie! Si Alves nandito, hinihintay ka!" namula akong agad sa sigaw na iyon ng isa sa mga classmates namin. Nagsihawian ang apat sa harapan ko at nakita ko syang gwapong gwapong nakasandal sa pintuan ng classroom namin. Ngumuso sya at sabay sabay na nagsitilian ang mga classmates ko.
BINABASA MO ANG
Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice Beybe
General FictionDalawang taong magkaibang magkaiba ang mundo. Isang player At isang cold person. Pero magkaparehas sila na magkaparehas sa isang bagay. PAREHO NILANG KINALIMUTAN ANG PAKIRAMDAM AT ANG KAHULUGAN NG SALITANG PAGMAMAHAL.