*Trixie's POV
Isang linggo akong hindi nagpakita sakanya. Pinatay 'ko rin ang cellphone 'ko at dineactivate 'ko din ang fb 'ko kaya kung kinocontact man nya 'ko ay wala akong alam. Mas maganda na 'to kasi baka hindi naman pala nya 'ko hinahanap, mas masasaktan ako.
Isang linggo kong pinag isipan kung ano bang dapat kong gawin. Ayaw 'ko syang masira sa mga tao and at the same time, gusto kong isalba yung pride na natitira sa'kin. Yun nalang ang meron ako, at hindi 'ko hahayaan na pati yun ay mawala pa. Kaya wala na kong nagawa kundi ang gawin ang ginawa 'ko dati noon kay Gian.
History repeats itself nga naman.
Kailangan 'ko na namang bumalik sa dati. Sa pagiging bitch, slut, malandi at kung anu-ano pa. This way, at least ako ang magmumukhang masama at hindi sya. Ganoon 'ko sya kamahal to the point na tanggap 'ko na isa lang akong malaking extra sa buhay nya. Na ni minsan hindi nya 'ko minahal.
Dahil kung talagang mahal nya 'ko, hindi sya gagawa ng bagay na makakasakit sa'kin. Alam nya kung anong history ng pagiging player ko but still, inulit na naman nya. Kung talagang mahal nya 'ko, hindi basta basta mawawala ang pagmamahal nya sa'kin kahit na sino pang bumalik sa nakaraan nya. Pero hindi eh.. tanggap 'ko naman.
Sinadya kong magbabad gabi gabi sa bar. My usual attire kapag nagba bar ako. Yung konting pitik siguradong agad akong mahuhubaran. Naging usap usapan na naman ako. Gabi gabi, may mga babae akong nasasaktan, may mga nananampal sa'kin at nagmumura sa'kin pero hindi ako nakakaramdam ng sakit.
At hindi nga ako nagkamali, agad itong nakarating kay Xander.
Isang gabi, sinugud nalang nya 'ko sa bar kung saan may ka torrid kiss akong estranghero, hindi nya tinantanan ang lalaking kahalikan 'ko, pinigilan lang sya ng mga bouncer.
"Putang ina naman, Trixie! Ano to?! Bigla ka nalang nawala tapos ganito nalang ang mababalitaan 'ko?! Nagpapaka pokpok kana naman dito!!?"
Hindi ako kumibo. Nakatulala lang ako. Nagkunwaring wala akong naririnig, Wala akong nararamdaman.
"ANO?! BAKIT HINDI KA SUMASAGOT?!" sigaw nya na kulang nalang ay mapigtas na lahat ng litid sa leeg nya. Galit na galit sya.
Xander, sa sobrang sakit ng binigay mo sakin ngayon, hindi ko na kayang magalit pa. Pagod na kong magalit sa nanakit sakin. Nakakapagod ka.
"Tapos ka na ba? Pwede naba kong bumalik?"
I said in a cold tone. Kita kong nanlaki ang mata nya at mahigpit akong hinawakan sa braso. Galit na galit sya. Kulang nalang babaon na ang kamay nya sa braso 'ko.
"ANONG SABI MO?! ANONG SINABI MO, TRIXIE?!!"
"Bitawan mo na nga ako! Gusto mo ba talagang sagutin 'ko yang tanong mong yan?!" huminga ako ng malalim.
Trixie, please, wag kang iiyak. This for both of us. Para to sa sarili mo para hindi ka magmukhang kawawa. Para hindi ka magmukhang basahan sa paningin nya. Para may mukha ka paring maihaharap sa mga tao kahit na wasak na wasak ka sa loob.
BINABASA MO ANG
Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice Beybe
General FictionDalawang taong magkaibang magkaiba ang mundo. Isang player At isang cold person. Pero magkaparehas sila na magkaparehas sa isang bagay. PAREHO NILANG KINALIMUTAN ANG PAKIRAMDAM AT ANG KAHULUGAN NG SALITANG PAGMAMAHAL.