*Trixie's POV
"Ano ba kasing nangyayari sa'yo ha?" hindi nya ako pinansin at pinagpatuloy lang nya ang pagmamaneho habang hindi naman maalis alis sa mukha nya ngiti.
"Seriously? Hanggang kailan kaba ngingiti ah? Malapit ng mapunit yang mukha mo oh!" sigaw ko sakanya.
Tinignan nya lang ako pagkatapos non ay bumalik na naman sa kalsada ang mata nya at muling ngumiti. Naka droga ba to?
Tumingin nalang ako sa labas baka sakaling matanggal kung ano man ang gumugulo sa'kin ngayon. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, naguguluhan na ako. Tulad kanina, hindi ko maintindihan kung bakit laging si Xander ang pinapanigan ko. Simula sa pagkain, paghatid sa classroom at hanggang ngayon sa paghatid sa bahay ko. Nakokonsensya ako. Feeling ko napaka unfair ko kay Gian.
Ako:
Gian, I'm sorry for what happened. Sorry for not choosing you.
Ipinikit ko ang aking mata matapos kong masend ang text message na yon. Sana naman replyan nya ako. Hindi kasi ako matahimik, hindi mawala sa utak ko ang reaksyon nya ng nilingon ko sya matapos akong hilain palayo nito si Xander. Nag vibrate ang phone ko at agad ko iyong tinignan, si Gian.
Gian:
Why Trixie? Why him?
Hindi ko alam Gian.. Hindi ko din alam kung bakit sya ang pinili ko. Ibinaba ko ulit ang phone ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong nya.
"Pwede bang mamaya mo na itext ang kumag na yan." Agad ko syang nilingon na ngayon ay iritang irita na ang mukha. Naguguluhan na talaga ako sa inaasal ng isang to.
"O napapano ka nyan? Kanina lang halos mapunit na yang mukha mo, ngayon naman mukha kang byernes santo."
"ANONG SABI MO?!"
"O bakit kaba naninigaw dyan?!"
"WALA! Teka, saan mo gustong kumain?"
"Ano?" Hindi ko makapaniwalang sabi. WTF?!
"Ang sabi ko, saan mo gustong kumain?"
"My God! What's with the mood swings?" tinignan ko sya ng hindi makapaniwala pero kinindatan nya lang ako at tumingin na ulit sa kalsada. Napabuntong hininga nalang ako tsaka umiling iling.
Wala na syang pag-asa.
"Anong nakain mo at parang bumait ka yata? Nanlilibre kana ngayon ah." Sabi ko sakanya ng makaupo na kami at hinihintay nalang na dumating ang order namin.
"Bakit? Noon pa man nililibre na kita eh."
"Oo nga. Pero lahat yun labag sa loob mo. Kung anu-ano pa ngang sinasabi mo sa'kin eh. Sinasabihan mo pa kong patay gutom."
"Bakit? Patay gutom ka naman talaga ah. Kababae mong tao ang lakas mong kumain." Sagot nya saka ko sya inirapan. Nyeta lang.
"E ano naman ngayon kung malakas akong kumain? Bakit? May problema ba doon?" taas kilay kong tanong sakanya.
"Wala. Yun nga ang dahilan kung bakit gustong gusto kita eh." Agad akong natigilan sa sinagot nya. Nanatiling nasa carbonara ang mga mata ko. Hindi ko kayang makatingin sakanya.
BINABASA MO ANG
Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice Beybe
General FictionDalawang taong magkaibang magkaiba ang mundo. Isang player At isang cold person. Pero magkaparehas sila na magkaparehas sa isang bagay. PAREHO NILANG KINALIMUTAN ANG PAKIRAMDAM AT ANG KAHULUGAN NG SALITANG PAGMAMAHAL.