SEASON 2: PART 24

319 30 33
                                    

Iyak tayo kasama ni New as Keilo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Iyak tayo kasama ni New as Keilo

CRY AGAIN SEASON 2: PART 24

KEILO

NANLALAMBOT at parang gumuho ang mundo ko dahil sa nakita ko. Wala ng dahilan para ipagpatuloy pa namin kung ano ang mayroon kami ni Alex.

Siguro ay nasabik lang siya sa relasyon kaya niya ako pinatapos.

Bakit ba ang dali sa mga taong manloko?
May reward bang isang milyon kapag nakapanakit ka ng damdamin ng iba na ang tanging gusto lang naman ay tapat na pagmamahal?

Nakakaasar lang sa part ko kasi harap-harapan akong niloko ni Alex.

Sobrang dami kong tanong. Sa sobrang dami ay pati sarili ko ay kinukwestiyon ko kung bakit ako parating naloloko.

Monthsary namin eh. Masaya dapat ako ngayon pero ito ako, umiiyak. Kanina pa ako umiiyak mula sa motel hanggang sa pagsakay ko ng jeep at ngayon, hanggang dito sa loob ng restaurant kung saan namin ise-celebrate ni Alex ang monthsary namin.

Oo na, sabihin niyo ng tanga ako pero gusto ko kasing malaman ang dahilan kung bakit ako nagawang lokohin ni Alex kaya ako naghihintay sa kanya dito.

'Na'ndito na ako'

Iyon ang chat ko sa kanya at ilang minuto lang ay nag-reply na siya ng "on my way na".

Mga sampung minuto pa akong umiyak ng umiyak hanggang sa nakita ko sa 'di kalayuan ang pigura niya. Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero ayaw talaga nitong tumigil sa pagpatak.

"Happy monthsary!" Aniya at inabot ko sa kanya ang regalo kong journal na puro pictures naming dalawa.

"Bakit ka umiiyak?" Aniya sa mababang tono bago naupo at uminom ng tubig.

"Masaya lang," sagot ko at pinigil ko na talagang umiyak.

"May sasabihin ka ba, Alex?" Tanong ko sa kanya kaya naman napalunok siya ng laway.

"Nagkabalikan na kami ni Patricia," aniya na walang paligoy-ligoy man lang.

"Hahahaha. Ang funny naman ng joke mo," sabi ko habang pinipilit na tumawa.

"Hindi na ako nagbibiro," sabi niya kaya naman tumahimik ang lahat sa'kin at naririnig ko lang ay sarili ko.

"B-bakit?" Pumiyok ako sa pagtatanong no'n.

"Mahal ko pa si Patricia," aniya habang nakatingin sa akin. "Akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya pero mayroon pa pala. Sorry, Keilo," aniya at halos doon na pumatak ang luha na galing sa mga mata ko. Akala ko pagod na akong umiyak, hindi pa pala.

"I failed to fulfill my promise. Sorry," aniya kaya naman nasapak ko siya ng dalawang sunod.

"Alex, wala akong ginawang masama sa'yo, alam mo 'yan. Hindi kita sinaktan, hindi kita pinabayaan, ikaw ang priority ko pero sobra-sobrang sakit ang ibinalik mo. Ganito ka ba magmahal?" Humahagulhol na ako habang nagsasalita at tahimik lang siya.

"Let's end this, Keilo," aniya at sasapakin ko pa sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Alex, sobrang sakit mo namang magmahal, gago ka!" Sabi ko.

"Alex naman!" Pigil na sigaw ko.

"Sorry," iyon lang ang nasabi niya.

"Sorry?" Tumawa ako. "Matatanggal ba ng sorry mo 'tong sakit na ipinaramdam mo sa'kin?" Pumiyok na naman ako dahil sa pag-iyak.

"Akala ko okay ka eh. Wala ka palang ipinagkaiba kay Alandel. Manloloko ka!" Sabi ko at tumayo na'ko dahil wala na kaming dapat pang pag-usapan pa. Tapos na kami.

Tapos na tapos na at sana sumabay na rin lahat ng sakit na nararamdaman ko dahi sa kanya.

"Keilo, sorry," aniya pa at saktong pasok naman ni Patricia.

"Oh, andiyan na pala 'yong partner mo. Enjoy kayo. Masaya ako para inyo," nakangiti kong sabi kahit gustung-gusto ko silang saktang dalawa at iparamdam sa kanila kung gaano kasakit 'yong ginawa nila sa'kin.


Magdamag akong umiyak. Magdamag kong tinanong ang sarili ko at mababaliw na ata ako sa kakaisip.

Sobrang sakit lang kasi talaga.

"Ma," pumiyok ako sa unang salita ko pa lang na binitiwan. Si mama lang kasi ang unang taong pumasok sa isip ko na kausapin dahil wala akong mapaglabasan ng sakit na nararamdaman ko.

"Oh, anak? Bakit ka napatawag?" Bungad na tanong ni mama.

"Ma, ang sakit," sabi ko at humagulhol na naman ako ng iyak at sobrang hapdi na ng mga mata ko.

"Anak, kalma lang, ha? Ano bang nangyari?"

"Ma, niloko po ako ni Alex," sabi ko.
"Ma, wala naman akong ginawang masama, ma. Nagmahal lang naman ako," pagsasalaysay ko at ikinuwento ko lahat ng nangyari.

"Anak, sorry kung wala si mama riyan para damayan ka," umiiyak na rin si mama.

"Kung alam ko lang na masasaktan ka ng ganiyan diyan sa Lungsod, dito ka na lang sana nag-aral sa'tin. Pero alam mo, anak, try to look at the bright side. Siguro, may nakalaang best para sa'yo. Lesson iyan sa'yo, nak. Huwag ka laging magpapadalos-dalos sa desisyon, ha? Mahirap itama ang mga manloloko dahil ang manloloko, manloloko na talaga at sa huli, sila ang hindi sasaya. Manalig ka lang sa karma. Magiging okay ka rin, anak. Not now pero I know, someday, magiging okay ka uli," sobrang haba ng sinabi ni mama at ito na ata ang pinakamatino naming usapan dahil madalas na kwento ko sa kanya ay puro masasaya lang na nangyari sa'kin.

"Ma, sorry po sa abala," sabi ko dahil pasado ala una na ng madaling araw.

"Nako, huwag kang mag-sorry dahil nanay mo ako, anak kita. Mahal na mahal kita, anak!" Aniya kaya ng matapos ang usapan namin ay medyo natauhan ako pero kada magpa-flash sa ulo ko lahat ng nangyari ay hindi ko maiwasang umiyak ng umiyak.


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na katok.

"Keilo?" Boses iyon ni Aldrin kaya pinagbuksan ko siya ng pintuan.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya nang makita ako.

"Oo naman. Ikaw ba?" Tanong ko.

"Sorry, Keilo," aniya at parang awang-awa siya sa'kin.

"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong ko.

"Kasi, pinagpustahan ka ni Nico at Alex," sabi pa niya at para akong tangang napaupo na lang sa sahig habang hawak ang puso ko.

"Wala na bang mas masakit?" Tanong ko sa kanya habang banayad na pumapatak ang mga luha na galing sa mga mata ko.
Sobrang sakit na, sobra.

"Noon mo pa ba alam, Aldrin?" Tanong ko at hindi siya nakasagot agad. Marahil ay totoo.

"B-bakit, Aldrin?" Sabi ko habang nakahawak ako sa balikat niya.

"Saan ako nagkulang sa pakikisama? Pinagluluto, pinatutulog, pinapagsisilbihan kita rito na parang kapatid tapos ganito? Aldrin!!!" Napasigaa na ako.

"Sorry, Keilo," aniya at sinubukang niya akong itayo.

"Kailan pa, Aldrin? Kailan mo pa nalamang pinagpupustahan ako ni Nico at ni Alex?" Tanong ko.

"Noong naging kayo," sagot niya na talaga namang dumurog ng matindi sa puso ko.

"Wala kang pinagkaiba kay Alex," sabi ko at tumayo ako para itulak siya palabas ng kwarto ko.

"Keilo, sana mapatawad mo pa ako," aniya at naglakad na siya papalayo sa'kin habang ako naman ay walang lakas na napasandal sa likod ng pintuan.

Sobrang sakit naman.
Akala ko mahal ako ni Alex. Palabas lang pala lahat.

Itutuloy.

CRY AGAIN (BXB 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon