Part 1

1.2K 51 15
                                    

CRY AGAIN SEASON 1: PART ONE

KEILO

"Sigurado ka bang makikipag-break ka na kay Alandel?" tanong sa akin ni Jadrick habang sabay kaming kumakain ng pancit sa labas ng campus. Kakatapos lang din kasi naming mag-practice ng doxology para sa event sa Friday.

"Nagsasawa na ako, Jade (palayaw niya). Ilang beses na niya akong niloloko. Ilang beses ko na siyang nahuling may ka-text at katawagang iba. Nauumay na ako. Gusto ko muna ng time para sa sarili ko." Sagot ko.

"Pero apat na taon din kayo, Keilo. Baka naman naguguluhan ka lang?" tanong pa niya.

Ilang beses ko na bang sinubukang patawarin si Alandel? Ilang beses ko na bang tiniis lahat ng kalokohan at kagaguhan niya sa buhay? Nagsasawa na talaga ako. This time, ayoko na talaga.

"Sigurado na ako, Jade. Wala na akong pakialam pa sa kanya after nito," sabi ko bago ko inisang lagok ang hawak kong inumin.

"Sabagay, kung wala na talaga, huwag mo na nga namang pilitin pa," aniya pa.

"Sige, Jade, mauna na ako. Marami pa akong labahin sa dorm eh," pagpapaalam ko sa kanya at tinanaw ko siya bago siya bumalik sa loob ng campus.

Nang makarating ako sa dormitory ay agad akong nag-ayos ng sarili at nilabas ko ang pang-isang linggo kong labahin at nasa ganoon akto ako nang bigla kong naisipang tawagan si Alandel at ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan dahil agad niya iyong sinagot pero wala namang nagsasalita hanggang sa narinig ko ang pag-uusap sa kabilang linya.

"Hihiwalayan ka na raw ni Keilo, Alandel. Anong plano mo?" iyon ang una kong narinig sa kabilang linya at pamilyar na pamilyar sa akin ang boses na 'yon.

"Huwag kang mag-alala. Konting lambing ko lang naman do'n okay na uli kami. Parang hindi mo naman kilala 'yong kaibigan mo. Sobrang dali no'ng utuin. Tatlong taon na nga tayong may relasyon, hindi niya alam eh," natatawang sagot ni Alandel kaya halos mapaupo na lang ako sa gilid ng washing machine at mas nasaktan ako sa sunod kong mga narinig.

"Oo nga pala. Tanga naman 'yon si Alandel. Hindi niya alam na ako na lagi niyang kasama ang aahas sa kanya," natatawa pang sagot naman ni Jadrick na itinuring kong kaibigan ko pero gagaguhin lang din pala ako.

All these years pala ay may relasyon sila at para akong tangang nangangapa sa dilim kung sino 'yong kalandian niya, tapos si Jadrick lang pala na kaibigan ko simula no'ng high school pa lang kami 'yon.

Para akong sinakasak sa dibdib ng paulit-ulit kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko at napayuko na lang ako sa aking sariling mga tuhod at para akong batang inagawan ng laruan. Kung pwede ko lang pigilan ang pagluha ay nagawa ko na. Pero hindi ako ganoon kagaling magtago ng nararamdaman ko eh. Buong magdamag ko sigurong iiiyak 'to.

Gaya nga ng inaasahan ko ay hindi ako nakatulog at para akong tangang iyak ng iyak sa sulok ng aking kama. Hindi ko pa rin talaga matanggap na si Jadrick ang nanggagago ng relasyon namin ni Alandel. Si Jadrick na itinuring ko na na parang kapatid ko.

Habang nasa ganoong estado ako ng pag-iisip ay napatingin ako sa salamin. Hindi naman ako pangit. Hindi rin ako nahuhuli sa academic. May kaya ang pamilya namin at higit sa lahat ay hindi ako nanloloko ng tao.


Ayoko ng mag-isip pa dahil baka bumigay na ang utak ko sa kakaisip kung ano bang kulang sa'kin. Tama na nga siguro ang desisyon kong makipaghiwalay na lang kay Alandel dahil ayoko ng maloko pa. At tungkol naman kay Jadrick at binlock ko na siya sa lahat ng social media accounts ko at pati sa thesis namin ay nag-solo na lang din ako kaya bahala na siya sa buhay niya. Ekis na siya.


Paglabas na paglabas ko ng kwarto ay natanaw ko sa labas ng gate si Alandel at nakasakay siya sa kaniyang motosiklo at parang wala siyang ginawang kagaguhan sa'kin. Ilang taon akong naiputan sa ulo ng dalawang mahalagang tao sa buhay ko. Nakakatuwa naman.

"Sakay na," nakangiting bungad sa akin ni Alandel at nginitian ko lang siya bago ako pumara ng tricycle at tinext ko siya.

"Break na tayo. Ayoko ng makita ang muka mong lalapit pa sa'kin."

Binasa ko pa ang message ko na iyon at tuluyan kong in-off ang aking cellphone dahil ayoko ng abala.

Pagpasok ko naman sa campus ay normal akong nakipagbatian sa mga kakilala ko at malalaking ngiti ang ibinigay ko sa kanila hanggang sa makita ko si Jadrick na papalapit sa akin at may dala pa siyang mga papel kaya naman agad akong pumasok sa aming classroom at umupo ako malayo sa kanya at isinalpak ko ang earphones ko at itinodo ko ang volume ng cellphone kong kakabukas ko lang din para hindi ko marinig ang ingay sa paligid.

Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa dumating ang professor namin sa research.

"Okay guys, last question for everyone, sino pa rito ang magso-solo sa thesis writing para sa next na sem?" Tanong ni Ma'am Saludo kaya naman walang pakundangan kong itinaas ang aking kamay at halos napatingin sa akin lahat.

"Okay, Mister Chavon. How about your partner sa research na si Mister Tanesa?" Tanong pa niya na hindi ko na sinagot dahil hindi ko naman na iyon problema.

At ganoon na nga ang nangyari. Nag-solo ako at masakit man sa damdamin ay dapat na siguro akong matutong makihalubilo sa iba lalo na't huling dalawang semester na lang naman ang natitira bago kami magtapos lahat.

Hindi ako sumabay kumain kay Jadrick at lahat ng pag-iwas na ginawa ko ay ginawa ko na hanggang sa bigla siyang nakisingit habang nag-uusap kami ng mga kasabay kong kumain.

"Keilo, mag-usap naman tayo," aniya at nagbingi-bingihan ako.

"Oh pano, Aldrin at Alex, pasa niyo na lang sa'kin 'yong report niyo para mai-summarize ko 'yong report natin," iyon ang sabi ko.

"Noted, Keilo!" Sabay pa nilang sabi bago silang umalis na dalawa dahil busy sila sa organization nila dahil bukas na ang foundation day kaya tiyak na hanggang Wednesday ay puro ganap sa campus.

"Keilo, wuy!" tapik sa akin ni Jaderick at tumingin lang ako sa kanya ng mata sa mata at sakto ring nakita kong papalapit si Alandel sa posiyon namin kaya naman minabuti kong maglakad na papunta sa mga nagpa-practice ng sayaw pero pinigilan ako ni Alandel.

"Ayusin natin 'to, Keil. Mahal na mahal kita," pagmamakaaw niya na kung hindi ko pa alam ang lahat ay baka na-convince na ako dahil may dala pa siyang chocolate.

"Ayoko na, Alandel. Wala na tayong dapat ayusin," may diin ngunit malumanay kong tugon.

"Keilo, babe, naman," aniya kaya natawa ako. Buti na lang talaga at malayo kami sa mga tao dahil nakakahiya siya lalo na't nasa gilid lang din si Jaderick.

"Sige na. Kayo na lang dalawa ang mag-usap ni Jaderick. Baka nakakaabala na ako sa inyo," sabi ko at ngumiti ako bago ko sila iniwang dalawa na gulat na gulat. Siguro naman ay may ideya na sila na nabuko ko na sila. Pero bakit gano'n? Nasasaktan ako.

Ang hirap pala talagang maloko lalo na ng kaibigan mo pa.

Kung kaya ko lang sanang pigilan lahat ng luha ko, nagawa ko na dahil sobrang traydor nila at ayoko na ng gano'n.

Itutuloy....

CRY AGAIN (BXB 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon