Part 2

768 42 13
                                    

CRY AGAIN SEASON 1: PART TWO

KEILO

Hindi naging madali ang ang mag-adjust na wala si Jaderick at Alandel sa buhay ko kaya naman sumasama na lang ako sa iba kong mga kakilala at gaya ngayon na kakatapos lang naming magsayaw ng doxology kaya naman napakamot ako sa aking ulo nang makababa kami sa stage. Nandoon si Alandel kaya naman walang emosyon ko siyang nilampasan.

Paglampas na paglampas ko sa kaniya ay nakita kong lumapit siya kay Jaderick at hinalikan pa siya nito sa labi na animo'y hindi ko nakikita. Magpapanggap ako kung hindi ko sasabihing nasasaktan ako sa nakikita ko. Ni wala pang isang Linggo na nag-break kami, may pa-public display na agad sila. Sabagay, hindi ko 'yon nagawa masyado dahil hindi ko ugaling magpakita sa ibang tao na sweet kami.

"Keilo!" Narinig kong tawag sa akin ng Aldrin na may hawak na inumin at sandwich kasama ni Alex na may hawak namang malaking oishi fish cracker. Hinintay ko sila sa hallway at saktong magsasalita na kami nang biglang tumugtog ang Lupang Hinirang kaya no choice kami kundi tumingala sa pinakamalapit na national flag at umawit kasabay ng mga estudyanteng nagsitigil din sa paglalakad.

Matapos iyon ay lumapit sila sa aking dalawa at inabutan nila ako ng pagkain.

"Pinapabigay sa'yo ni Sir 'yan kanina. Umalis ka kasi agad. Nga pala, balak naming hindi na um-attend ng program today. Boring naman kasi. Sa Wednesday na lang tayo um-attend," sabi ni Aldrin at umakbay pa siya sa'kin.

"Hmm. Balak ko rin na hindi na um-attend eh. Tambay lang siguro ako sa dorm hanggang Tueday." Sagot ko naman.

"Hmm. Kami rin naman. Tara! Tambay na lang tayo sa dorm mo!" masayang suhestiyon ni Alex.
"Oo nga! Tara! May dala ako sa bag ko," natatawang sagot naman ni Aldrin kaya napaisip ako kung ano iyong dala niya.

"Tara na!" Sabi ni Alex habang nakahawak sa balikat ko.
"Tara na nga! Doon na rin tayo magpalit ng damit." Sagot ko at sabay-sabay kaming dumaan sa locker namin at nagmadali kaming lumakad palabas ng campus.

Hindi ganoon kalayo mula sa campus ang dormitory kung saan ako nag-i-stay dahil isang sakay lang namin ng tricycle ay nandoon na kami. Buti na lang talaga at hindi mahigpit dito lalo na't nasa labas naman ito ng campus.
"Ayos dito sa loob ng kwarto mo ah! Maaliwalas tsaka malamig," kumento ni Aldrin na nakaupo sa sofa habang si Alex naman ay nakadungaw sa maliit na terrace at parang tangang kumakain ng tsitsirya.

"Oo nga. Hindi ako bagot dito," sagot ko at naglabas ako ng pagkain para sa kanila. Hindi kami ganoon ka-close pero magkakakilala na talaga kami noon pa pero ngayon ko lang naramdamang masarap ang may kasama.
"Ah, Aldrin, labas mo na 'yong laman ng bag mo," sabi ni Alex na nakasando na lang.
"Ano bang dala mo diyan?" Sabi ko at sabay silang natawa.
"Soft drinks!" Sabay nilang sagot kaya napakamot ako sa ulo.
"Ano bang iniisip ko?" Natatawa kong sagot at tanong sa sarili ko.
"Nga pala, Keilo, nood tayo ng movie sa Netflix." Suggestion ni Alex.

"Sige. Sa laptop na lang tayo manood." Sagot ko at sabay silang dumapa sa kama ko.

"Ah, Keilo, sabi pala ni Jaderick, break na raw kayo ng partner mo kaya ka nag-iisa palagi. Okay ka lang ba?" Out of nowhere na tanong ni Aldrin.

"Ah, eh.." hindi maituloy ang gusto kong sabihin dahil bigla kong naalala 'yong tagpo sa likod ng stage kanina sa campus.

"Huwag kang mag-alala, Keilo. Kilala ka naman namin tsaka lagi ka kayang sinusundo no'n sa campus tsaka buhay mo naman 'yan. Hindi masamang sundin ang gusto pero nagtataka lang kami dahil si Jaderick na 'yong lagging kasama no'ng ex mo. Sila na ba?" Walang prenong kumento at tanong ni Aldrin.

CRY AGAIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now