SEASON 2: PART 25

337 30 33
                                    

Pirapat Watthanasetsiri as Nico

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Pirapat Watthanasetsiri as Nico

CRY AGAIN SEASON 2: PART 25

KEILO

LAST day na ng OJT ko at medyo napaaga nga raw ang tapos ko kasi pumasok din ako ng Sabado at Linggo. Mas maganda na 'yon kaysa sa magdrama ako sa bahay mag-isa.

Sa loob ng nakalipas na dalawang Linggo, ang dami kong natutunan. Naka-adjust na rin ako sa workplace namin at mas naging close pa nga kaming lahat.

Wala akong pinagkwentuhan sa mga kilala ko about sa ginawa ni Alex sa'kin maliban kay mama na binisita ako noong nakaraang araw. Hindi man siya nagtagal ay ramdam ko naman na may karamay ako.

"Ma'am Claire, Sir Rafhael, Jairus, Miss Gina, thank you po sa mga naituro niyo sa'kin. Sobrang honored po ako na nakasama ko po kayo," sabi ko at medyo naluluha pa'ko kasi nakasanayan ko ng kasama sila kahit napakarami nilang ipinagagawa sa'kin.

"Thank you rin, Keilo! Balitaan mo kami kapag naka-graduate ka na. Malaki ang potential mo. Kapit lang," ani ma'am Claire at inabutan nila ako ng regalo. Lahat sila ay may iniaabot at sabay-sabay kaming nagmeryenda na sagot nila.

"Congrats, Keilo!" Sabi ni Jairus at siya pa ang nagbitbit ng gamit ko habang papalabas kami ng  office.

"Salamat!" Sabi ko at parehas kaming ngumiti sa isa't-isa hanggang sa mapadaan kami sa office ng HR kung nasaan si Alex.

Kinuha ko lahat ng documents na kailangan ko at parang napako sa kinauupuan niya si Alex nang makitang kasama ako.

"Salamat po, Ma'am!" Sabi ko at lumabas na uli kami ni Jairus patungo sa pinaka-exit ng gusali.

"Balitaan na lang, Keilo. Mami-miss kitang workaholic ka," aniya sabay pisil sa pisngi ko.

"Ikaw din, loner!" Pang-aasar ko kaya nagtawanan kaming dalawa bago ako sumakay sa taxi dala ang mga gamit ko at regalong bigay sa'kin sa office.

"Ingat!" Pabahol pa ni Jairus bago niya isara ang pintuan ng cab na sinasakyan ko.


Bitbit ang mga gamit ko ay pumasok ako sa loob ng kwarto ko at naghubad lang ako ng shirt at nagpalita ako ng pajama bago ako naupo sa minj terrace ng kwarto ko.

Nagsulat ako ng tula at nakinig ako ng kanta sa youtube.

"Bakit ikaw pa ang napili, ngayon ang puso ko ay sawi. Kay simple ng aking hiling, na madama mo rin ang pait at pighati," pagkanta ko at nagsimula na namang mamuo ang mga luha sa mga mata ko.

Umiiyak na naman ako. Ang hirap lang kasi talagang makabangon.

Nasa ganoong posisyon ako nang may pumasok mula sa pintuan at nakita ko agad si Alex na malalim ang eye bugs, gulo ang buhok at mukang walang tulog.

"Ginagawa mo rito?" Kalmadong tanong ko.

"K-keilo," pumiyok siya habang tinatawag ang pangalan ko pero ano bang pakialam ko?

"Kung wala kang sasabihin, pwedeng umalis ka na?! Huwag mo na akong guluhin!" Sigaw ko at lumapit siya sa akin pero pinagtulakan ko lang siya.

"Manloloko ka! Gago! Hayop! Demonyo!" Sigaw ko at alam kong rinig sa ibang palapag ang boses ko pero wala akong pakialam. Nasasaktan ako, pakialam ba nila?

"Alis!!!" Sigaw ko.

"Hayaan mo naman akong magpaliwanag, Keilo," aniya.

"Tapos ano? Bibilugin mo naman ang utak ko tapos ano? Lolokohim mo uli ako at papaikutin sa palad mo?" Tumahik ako bago muling nagsalita.

"Sobrang mahal na mahal kita, Alex eh! Sa sobrang mahal, nakalimutan ko na ang sarili ko! You disappoint me, Alex! Ang dami kong pangarap kasama ka. Sobrang dami! Tang ina, ang sakit lang na nagawa mo'kong lokohin kahit sobrang mahal na mahal kita! Oo na, wala namang nagmahal uli na hindi nasaktan at umiyak pero, hindi ba sobra naman 'yong ginawa mo sa'kin? May kasalanan ba'ko sa'yo para durugin mo'ko ng ganito?" Umiiyak na ako dahil sa frustration.

"Kasalanan ko bang mahal na mahal kita, Alex? Wala akong ginawa kundi mahalin ka lang ng mahalin kahit ang sakit sakit na! Kinuwento ko lahat ng tungkol sa buhay ko. Wala akong itinago sa'yo. Ibinigay ko lahat ng kaya kong ibigay sa'yo kasi alam kong mahal natin ang isa't-isa pero ako kang pala 'yong nagmahal. Tell me, Alex, alin sa mga actions mo ang totoo at hindi kasi parang ang hirap paniwalaang mahal mo'ko kasi sobra sobra 'yong sakit na ibinibigay mo," sabi ko pa.

"Last chance, Keilo. Alam kong sobrang kapal ng muka kong humarap sa'yo pero hayaan mo naman akong ikwento lahat ng nangyari bago mo'ko husgahan na hindi kita mahal kasi sa totoo lang, hanggang ngayon, mahal na mahal na mahal pa kita!" Aniya at may pumatak na luha mula sa mga mata niya na ang hirap paniwalaan kung totoo ba iyon o hindi. Magaling kasi siyang magpanggap. Napaikot nga niya ako eh.

"Oh? Dapat ba akong maniwala, Alex? Tsaka, please lang... huwag mong sabihin ang salitang mahal kasi nagiging joke kapag galing sa'yo. Manloloko ka!" Sabi ko pa at pinagtulakan ko na siya palabas pero hindi ako nagtagumpay dahil niyakap niya ako ng sobrang higpit pero nagwala ako.

"Alis!" Sigaw ko at bumitaw na siya mula sa pagkakayakap sa akin.

"Huwag ka ng magpapakita o lalapit man lang sa'kin! Ayoko na ng Alex sa buhay ko. Doon kasa putang ina mong Patricia mo!" Sigaw ko at inilagapak ko ang pintuan.

Muli ay napansandal ako sa likod ng pinto at para akong tangang iyak ng iyak at sobrang sikip sa dibdib ng mga sinabi ko sa kanya.

Hindi ko alam na aabot kami rito dahil okay naman kami noong una. Sana hindi na lang kami nag-OJT para okay pa kami ngayon.

Kailan ba ako titigil sa pag-iyak? Tama pa 'to? Pwede bang maging manhid na lang ako para hindi ganito kabigat ang dibdib ko?

Gusto kong magsisigaw. Gusto kong magwala at saktan ang sarili ko pero hindi pa ako ganoon kabaliw para tapusin agad ang buhay ko.

Umaga na nang matagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa sahig. Lagi na lang ganito. Lagi na lang akong nakakatulog dahil sa pag-iyak.

"Ma, uuwi po ako diyan ngayon. Mga tanghali po nandiyan na ako," sabi ko kay mama na halatang kakagising lang din.

May isang buwan pa naman na bakasyon kaya doon muna ako sa'min.

"Sige, anak. Mag-ingat ka," sabi ni mama at ibinaba na niya ang tawag dahil kakain na raw sila ng almusal.

Noodles at itlog ang inalmusal ko at matapos iyon ay nag-empake na ako ng gamit at minabuti ko na ring maligo dahil gusto ko ng umuwi sa'min sa probinsya.

Malay natin, baka doon ko mahanap uli ang sarili ko? Sinong nakakaalam.

"Keilo, magiging okay din ang lahat," sabi ko habang papasakay ako sa pampasaherong bus na patungong probinsya namin sa Quezon.

Itutuloy....

CRY AGAIN (BXB 2020)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora