Part 6

519 28 25
                                    

CRY AGAIN SEASON 1: PART 6

KEILO

Nine na ng gabi kami umalis sa bahay tatlo at pagdating namin sa bar ay may ilan kaming mga kaklase na nandoon na tinamad din sigurong manood ng event sa campus.

"Yow, Alex, Aldrin at Keilo!" si Mark iyon. Class representative namin.

"Sinong kasama mo?" Tanong ni Alex sa kanya.

"Si Dian sana kaso ayaw umalis sa campus kaya mag-isa akong pumunta rito," aniya sabay tingin sa akin. Naalala ko tuloy dati kung paano ko siya binasted dati noong mga freshman pa lang kami.

"Oh siya, sama ka na sa'min," sabi ni Aldrin at pare-parehas kaming naupo palibot sa isang lamesa. Medyo okay naman ako kay Mark pero naiilang lang ako sa mga tingin niya.

"Balita ko, single ka na raw Keilo. Totoo ba 'yon?" Tanong nila bigla nang mai-serve ang mga beer na order namin.

"Ah, oo." Sagot ko.

"Ah.." iyon lang ang naisagot niya at parang masaya pa siya sa narinig niyang sagot ko.

"Huwag na nating pag-usapan 'yon. Nandito tayo para magsaya," sabi ni Alex kaya naman itinaas namin ang aming mga baso at pinagtama namin iyon bago namin inumin ang laman.

"Para sa ating successful na booth!" sabi ni Aldrin.

"Cheers!" sabi naming apat.

"Nga pala, kayo lang ang nakaubos ng products sa block section natin kanina sa campus. Congrats sa inyong tatlo!" bati sa amin ni Mark.

"Ganoon talaga. Mga gwapo eh," natatawang sagot ni Aldrin kaya natawa kami.

"Guys, si-cr lang ako," pagpapaalam ko at hindi ko na narinig ang sagot nila dahil agad-agad akong naglakad dahil nagri-ring na ang cellphone ko.

"Hello?" tanong ko dahil unregistered number ang tumatawag.

"Hi, Keilo!" sagot ko at pamilyar ang boses niya sa akin.

"Nico?" Sagot ko at narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Buti naman at na-recognize mo ang boses ko," aniya.

"Bakit ka pala napatawag?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig ang boses mo. Nandito kasi ako sa campus," aniya na may epekto sana sa akin kung hindi ko nalaman kung anong klaseng lalaki siya. Ikaw ba naman ang ma-miss ng lalaking gwapo. Hindi ka ba maaapektuhan?

"Ah. Nasa bar kami nina Alex at Aldrin. Medyo maingay na rin dito. Nasa cr lang ako. Sige na, Nico. Ingat at enjoy ka riyan!" sabi ko at hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil ihing-ihi na rin ako.

"Oh, Keilo, andiyan ka na pala?" Sabi ni Mark nang makaupo ako.

"Medyo maraming tao sa cr kaya medyo natagalan," sabi ko sabay inom ng alak. Hindi ko lang ma-gets ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya.

"Napagkwentuhan pala namin kung saan kami mag-oojt ngayong summer. May naisip ka na bang company?" tanong uli ni Mark.

"Oo nga, may napili ka na ba?" Tanong ni Aldrin.

"Wala pa eh," sagot ko.

"Bakit hindi ka na lang sa company ng tito ko mag-ojt? Okay din do'n." Mungkahi ni Mark.

"Pag-iisipan ko pa. Marami naman diyang pwedeng pag-ojt-han," sagot ko sabay tingin kay Alex.

"May naisip na akong company, Keilo. Sama ka na lang sa'kin," sabi naman ni Alex.

CRY AGAIN (BXB 2020)Onde histórias criam vida. Descubra agora