Chapter. 29

689 37 0
                                    

Ellaine POV

Isang buwan na ang nakalipas simula na madala sa hospital si Alice.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakakimutan ang huling pagkikita namin nina Blane at Blaze.

Flashback.

Habang sinusundan si Blane ay hindi ko maiiwasan ang kabahan lalo na nagdadalang tao ako.

Malayo na pala ang nilalakad ko.

Mahilig talaga sila tumira sa malayong kalsada.

Ano kaya ang pinagkaka-abalahan nila?

Napansin ko na huminto siya sa paglalakad kaya dali-dali akong nagtago sa malaking puno.

Pumasok siya sa loob ng bahay habang ako naman ay nanatiling nakatago sa likod ng malaking puno.

Tumawag ako ng mga pulis.

Alam ko na utos ni Madam na tawagin ko sina Geaece pero baka kung ano ang gawin ni Alice sa kanila.

Umalis ako sa likod ng puno at pumunta sa bahay.

Habang papalapit ako ay narinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"Saan ka galing Papa?"

Agad kong pinindot ang voice recorder.

"May sinaksak lang ako" sagot ni Blane

"Ninakawan ninyo ba siya kaya ninyo sinaksak?" Tanong ni Blaze

"Hindi"

"Dapat si Ellaine ang bumaba para siya ang nasaksak ko"

"Nakasakay sila sa kotse, 'yong nagmamaneho ang nasaksak ko"

"Ang buong akala ko ay uutusan niya si Ellaine bumaba para tingnan kung may nabangga ba siya"

"Paano ninyo nalaman na nakasakay si Ellaine doon?" Tanong ni Blaze

"Sinundan ko sila, nandoon ako sa labas ng subdivision kung saan nakatira 'yong lalaking kasama niya noon"

"Na makita ko si Ellaine na nakasakay sa kotse at nagmadali na ako sumakay sa motor"

"Kung ganoon Papa ay kailangan na natin umalis paniguradong hinahanap ka na nila" alalang sabi ni Blaze

"Wala naman nakakita at nakasunod sa 'kin"

Sinave ko na ang voice recorder at nilagay ko sa loob ng bulsa ang cellphone.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

Parehas silang tumingin sa 'kin, kitang-kita sa kanila ang gulat.

"Hindi ka na nagbago Blane"

"Paniguradong sunog na sunog na ang kaluluwa mo sa impyerno"

"Ang lakas ng loob mong sundan ako, talagang hindi ka marunog mag-isip. Sa ginawa mo ay pwede na kitang patayin dito mismo" sabi ni Blane

"Pagkatapos mo akong pakinabangan at pagka-perahan, papatayin mo na lang ako basta-basta"

"Mukhang pera ka talaga"

Don't Break the Rules of a MafiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora