Abrian POV
"Sino hinihintay mo?"
Sabay kaming lumingon ni Haword sa nagsalita.
"Prince" sabi ni Haword
"Bakit parang kang nalugi na makita mo ako? A"
"Akala niya kasi si Ellaine ang nagsalita" sabi ni Haword
"Mukhang babae ba ang boses ko?"
Hindi naman sumagot si Haword.
"A, iiwan ko muna sa inyo sina Thom at Liza"
"Kayo muna ang mag-alaga sa kanila"
"Teka! Bakit kami ang mag-aalaga?" Tanong ko
"Sumunod lang ako sa utos ni Tombs"
"Ang sabi niya ikaw daw ang mag-alaga sa kanila para mabaling ang atensyon mo sa kanila"
"Para maranasan mo na rin kung paano mag-alaga ng anak"
"Hindi lang naman si Tombs ang nagdesisyon na alagaan mo ang anak namin, nakausap ni Tombs si Ellaine at 'yon din ang gusto niya"
"Bakit hindi man lang siya sa 'kin tumawag?" Takang tanong ko
"Daddy"
Patakbong lumapit sa 'min sina Thom at Liza.
"Dito muna kayo ah? Si Tito A muna ang mag-aalaga sa inyo"
"Opo, Dad" sagot ni Liza
"Magpakabait kayo dito, Thom bantayan mo si Liza"
"Opo, Daddy" sagot ni Thom
"Aalis na ako" paalam ni Prince
"Ingat po Dad"
Nagsimula na maglakad si Thun.
"H, samahan mo muna sila doon sa sala"
"Sumama muna kayo saglit kay Tito H, may sasabihin lang ako sa Dad ninyo"
"Sige po, Tito A" sagot ni Liza
Hinabol ko si Thun.
"Prince" tinawag ko siya na mapansin ko na papasok siya sa loob ng kotse
"Bakit?" Takang tanong ni Thun
"Pakisabi kay Alice na tawagan ako ni Ella"
"Hindi niya kasi sinasagot ang tawag at text ko"
"Sige sasabihin ko, bantayan mo ng maigi sina Thom at Liza" sabi ni Thun
"Nasaan si Tren?"
"Kasama ni Claire, si Claire ang nagbabantay at nag-aalaga kay Tren" sabi ni Thun
"Sino si Claire?" Tanong ko
"Kaibigan ni Tombs at siya din 'yong nag-asikaso ng mga kompanya ni Alice noong hindi pa natin siya nahahanap"
"Aalis na ako A, tawagan mo na lang ako kapag nagpasaway sa 'yo sina Thom at Liza"
Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi ko na hinintay makaalis si Thun ay naglakad na ako papasok sa bahay.
Naabutan ko na si H na lang ang nasa sala.
"Nasaan sina Thom at Liza?"
"Nasa guest room, natutulog" sagot ni H habang nanonood ng tv
BINABASA MO ANG
Don't Break the Rules of a Mafia
Action[Under Revision] J. B. S. A. E Series #5 Isang babaing ang pangalan ay Ellaine Montessori na ibig pa-ibigin ang puso ng isang mafia. Magagawa kaya niya pa-ibigin ang mafia? Paano malaman niya ang tunay na ugali ng mafia higit pa sa inaakala niya? I...