Chapter. 14

833 42 0
                                    

Ellaine POV

Dalawang buwan na ang nakalipas.

Napigilan na namin ang gawain ng mga nangunguha ng bata.

Nahuli na ang mga masasamang tao, 'yong iba ay nanlaban kaya namatay sila.

Nahuli na rin si Joss Blood, pinasabog nina Xeala ang mga hideout ng masasamang tao kung saan dinadala ang mga bata bago nila kunin ang mga dokumentong naiwan.

Nakauwi na ako dito sa bahay ni Abrian kanina pa ako nakatingin sa kanya mula sa malayo.

Nandito ako sa sala habang siya naman ay nasa garden, nakaupo sa beanch.

"Ang tagal mo nagbakasyon"

Lumingon naman ako sa kanya.

Nakita ko na nakaupo silang dalawa ni Gian.

"Samahan mo na lang kami dito Ellaine, may popcorn at nestea kami dito" sabi ni Gian

Tumingin muna ako kay Abrian bago umupo sa sofa. Pinag-salin ako ni Gian sa baso ng nestea.

"Salamat"

Pinag-gigitnaan ako nina Gian at Kian.

Abutan kami ng popcorn habang nanonood ng movie.

Napansin ko na umakyat si Abrian sa hagdan.

"Abrian" tawag ko

Hindi naman siya lumingon sa 'kin pero tumigil siya sa paglalakad.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Sir Abrian, amo mo ako at katulong ka lang"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagsimula na siya maglakad samantala ako ay tinuon sa tv ang atensyon habang nakasimangot.

"Sir Abrian, amo mo ako at katulong ka lang"

Ang sakit mo naman magsalita Sir Abrian, dati naman kahit tawagin kitang Abrian hindi ka nagagalit bali wala lang sa 'yo kahit na walang Sir.

Bakit ngayon, parang nagbago ka na?

Ano bang nangyari dito habang wala ako?

Hindi ko naman trabaho alamin kung bakit, kasi nga katulong lang ako dito at siya naman ang amo ko.

"Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni A" sabi ni Gian

"Wala kasing nagpapasaya sa kanya nitong mga nakaraang buwan"

"Malungkot ang buhay na niya mas gusto niyang mapag-isa at magkulong magdamag"

Nakikinig naman ako sa sinasabi ni Kian habang nakatingin ako sa tv.

"Mabuti na lang madalas bumibisita dito sina Thom at Liza, kahit papaano ay may paglilibangan si A"

"Sinabi ko nga sa kanya na pwede na siya maging ama"

"Tumigil ka nga Kuya, kung ano-ano ang kinu-kwento mo kay Ellaine" sabi ni Gian

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na si Abrian.

"Aalis ka A?"

Napalingon naman kami na magsalita si Kian.

Hindi sumagot si Abrian mas pinili niya lang na tingnan si Gian.

Ilang segundo silang nagtitigan na para bang nagkaka-intindihan sila.

"Awat na A at G, Saan ka pupunta A? Baka pwedeng sumama kami ni G sa 'yo?" tanong ni Kian

Don't Break the Rules of a MafiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora