Chapter. 13

922 44 0
                                    

Ellaine POV

Tatlong buwan na ako nandito sa hideout.

Tatlong buwan ko ng hindi nakikita si Abrian.

Miss ko na siya, miss din kaya niya ako?

Bawal kasi gumamit ng cellphone kapag oras ng ensayo, whole day naman kami nag-eensayo kaya whole day din akong walang oras sa paggamit.

Ang hirap pala ng pinasok ko.

Parang na manhid ang buong katawan ko sa pag-eensayo.

"Nandito ka pala"

Lumingon naman ako sa nagsalita.

"Nandito si Alice, may mahalaga daw siyang ibabalita"

Sa tatlong buwan na nandito ako.  Marunong na ako makipag-laban, humawak ng armas, mag-hack ng mga system, mag-drive ng kotse, mag-drive ng motor at pumatay ng mga masasamang tao.

Lahat 'yan naranasan ko na sa loob ng tatlong buwan.

"Maiwan na kita Ellaine, pupuntahan ko pa si Pearl" sabi ni Geaece

Tumango naman ako bilang sagot.

Pagka-alis niya ay tumayo at pumunta na ako sa sala.

Nakita ko na nandito na sina Venus at Xeala.

Umupo naman ako sa tabi ni Venus.

"Kamusta Ellaine?" Tanong ni Alice

"Ayos lang Madam" sagot ko

"Hmm, tiyak kong miss mo na si Abrian"

"Mahal ka niya"

"Sinabi niya 'yon?" Ngiting sabi ko

"Hindi"

Agad naman akong sumimangot sa kanyang sagot.

"Ramdam ko lang"

Natawa naman sina Venus at Xeala sa reaksyon ko.

Dumating na sina Geaece at Pearl, umupo sila sa bakanteng upuan.

"Buntis si Hazel, 3 months na"

Kaya pala hindi ko siya nakikita dito.

"Kaya hindi siya makakapunta"

"Magsimula na tayo"

Nilabas at nilapag ni Alice ang laman ng envelope.

"Si Joss Blood, isang business man. Karamihan niyang business ay bar at hospital"

"Nababalitaan ninyo naman siguro na madaming bata ang nawawala"

"Nais kong pigilin ninyo ang mga nangunguha ng bata"

"Paaminin ninyo ang isa sa kanila, para sigurado tayo na si Joss Blood ang Mastermind nito"

"Anong ginagawa nila sa mga bata? Madam Alice" takang tanong ko

"Kinukuha ang mga organs at binibenta sa mas mahal na halaga, doble pa sa mukha nila"

"Kailan sila umaatake?" Tanong ni Venus

"Kung kailan nila gusto"

"Maaring umaga, maaring gabi at maaring tanghali"

"Hindi lang mga batang pagala-gala ang kinukuha nila pati rin 'yong mga nasa loob ng bahay"

Don't Break the Rules of a MafiaOnde histórias criam vida. Descubra agora